Baekhyun's Pov
Pagkatapos namin mag pa prenatal check up pumunta ako ng cafe kung saan kame mag kikita nila Kyungsoo at Luhan. Nabalitaan ko na sa bahay na ni Mr. Oh nakatira si Luhan kasama ung mga kapatid nya. Kasi biglang pinalayas sula sa tinitirahan nila ng mga kapatid niya. Samantalang etong si Kyungsoo ilang beses na lumalabas kasama si Mr. Kim. Mga kaibigan ng asawa ko. Ilang buwan na din kasi kami di nagkikita since pinatigil na ako sa pag tratrabaho ni Chanyeol kasi nga makakasama sa lagay ko, kaya after ng check up ko tinext ko sila para mag kita kami. Uwian na din naman nila. Si Chanyeol mamaya pa sya uuwi madami pa daw sya pending na meetings. Mga ilang minuto lang dumating na sila.
"Kamusta buntis??? Kamusta yung inaanak namin?" Tanong ni Luhan. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Mukhang di ok si buntis ah... Kwento ka.." Sabi naman ni Kyungsoo.At yun kinuwento ko yung nangyari this past few days. Kinuwento ko din yung mga narinig ko sa elevator. Sobra talaga akong naapektuhan doon.
"Sa tingin nyo nagloloko yung asawa ko?" At isang batok ang natanggap ko mula kay Kyungsoo.
"Ano ba Kyungsoo sadista ka talaga alam mo naman na buntis si Baek tapos babatukan mo. "
"Walang mangyayari sa bata sa pag batok ko sa kanya. At ikaw naman Buntis ka alam mo naman kung gaano nya kamahal yung ex nya, ngayon na andito na yung ex syempre manunumbalik yung pagmamahal nya. "
Sa sinabi ni Kyungsoo mas lalo akong nangamba. Ayoko man isipin pero tama sya.
"Teka nga... Oo ex nya si Nana pero asawa na nya si Baekhyun at sinabi nya na mahal nya si Baekhyun at yung anak nila. At sa tingin ko lahat ng mga ginagawa nya para kay Baek at sa anak nila ay totoo. At sumumpa sya sa puntod ng tatay ni Baek na mamahalin at aalagaan nya yung pamilya nya. At saka ikaw na ang present at future. Yung past dapat ibaon na yun sa limot at wag nang balikan. Dapat may trust ka sa kanya yun ang dapat di mawala sa inyong mag asawa. Kaya wag ka nang mag alala. Ok... Wag ka nang mag isip di maganda yan sa inaanak namin" may point din naman si Luhan.
Sa mag kakaibigan may anghel at devil talaga... May contrast. Kaya mahal ko tong dalawang to.
"Salamat ah medyo gumaan na yung pakiramdam ko."
"Sus alam mo naman na sisters tayo. Thru thick and thin magkasama tayo. Wag kanang magalala basta andito lang kami." Di ko na kinaya yung nararamdaman ko at napaiyak ako sa kanilang dalawa habang hinahagod yung likod ko.
"Ay nako tama na yung iyak. Pumapanget tayo sa pag iyak tara mag shopping na lang tayo. Bili tayo ng gamit ng inaanak natin." Sabi ni kyungsoo. At sabay sabay kaming nagpunta ng mall.
Inaliw ko ang sarili ko sa pag bili ng mga gamit ng bata. Masaya siguro kung kasama ko din ang asawa ko kaso busy sya. Pasalamat na lang ako at andyan ung mga baliw kong mga kaibigan.
Luhan's pov
Habang namimili kami ng damit may naaninag akong pamilyar na tao. Lumapit ako at nakumpirma ko na si Chanyeol ito. Lalapitan ko sana siya ng may tumawag sa kanya..
"Love.. Ano ang mas maganda etong red or pink?" Teka si Nana yun ah. Bakit magkasama sila? At sweet sa isa't isa.
Nagtaka ako sa mga inaakto nila. Mali ba ako sa sinabi ko kanina na mahal nya si Baekhyun. Teka speaking of Baekhyun... Nako baka makita pa nya tong dalawang ulopong na to at mapaano pa sya.
Kaya dali dali akong bumalik sa kinaroroonan nila. At mukhang di naman nakita ni Baek yung dalawa.
"Tara na... Nagugutom na ko." Sabi ko.
"Halika na kain na tayo may masarap na resto dyan sa ibaba." Nako wag dun baka andun ung dalawang ulopong.
"Wag na dun. Di ko bet ung pagkain dun may alam akong masarap na resto malayo dito sa mall. Masarap dun kumain na kami dun ni Sehun."
"SEHUN??? Wow first name basis sila... anu meron sa inyong dalawa?" Biro naman ni Kyungsoo... Di ko alam bakit biglang uminit yung pisngi ko.
"Teka kinikileg ka ba?" Tanong naman ni Baekhyun
"Nako di ah.. Blush on lang yan. Wag ka nga. Magkaibigan lang kami ni Sehun. " pero sa totoo lang crush ko sya. At malabong mainlove yun sa akin. At mag kaiba mundo namin.
"Mag KAIBIGAN??? talaga lang ah. Nakatira ka nga sa bahay nila." Biro ni kyungsoo
"Bakit ikaw anu ba ang namamagitan sa inyo ni Mr.Kim?"
"MU.." Nagulat kami ni Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo.
"MU??? seryoso o baka naman nag aasume ka lang?"
"Hindi ako nag aasume.. Talagang nararamdaman ko na may something sa aming dalawa." Anu kaya pinakain ni Mr. Kim dito kay Kyungsoo at parang may heart ung mata nya habang binabanggit nya ung pangalan nya. Alam naman namin na isang dakilang playboy si Mr. Kim baka pinapaasa lang nya si Kyung.
"Weh??? Sinabi nya sa yo na gusto ka nya?" Tanung naman ni Baekhyun
"Hindi pa pero nararamdaman ko na may gustn sya sa akin."
"Bahala ka... Pero payo lang ah alam naman natin na playboy un baka masaktan ka lang."
"Hindi ah...sadyang gwapo lang talaga yung Kai ko kaya maraming babaeng nagkakarandapa dun."
"Halika na nga..." Maya maya nag ring yung cellphone ni Baekhyun. Lumayo muna sya ng kaunti at sinagot iyon.
Baekhyun's Pov
"Ano??? Bakit???anung nangyari???" Si mama yung tumawag at umiiyak sya. Yung karenderya nya kasi dinidimolish. Nakaharang daw yun sa daan. Eh lupa naman namin yun pero nung pinakita namin yung titulo ang sabi peke daw.
Kaya tinawagan ko yung kamag anak namin pero di sya sumasagot.
"Dyan ka lang ma. Wag kang aalis pupuntahan kita." Kaya dinial ko yung cp number ni Chanyeol para ipaalam ang nangyari pero ring lang ng ring...iyak na ako ng iyak. At nilapitan na din ako nila Kyungsoo at Luhan.
"Anung nangyari??? Bakit ka umiiyak?" At kinuwento ko ung nangyari sa mama ko.
"Tinawagan mo na ba yung asawa mo?"
Isa pa yun kanina pa ako tumatawag di man lang sagutin yung phone.. Kailangan ko pa naman sya sa tabi ko.
"Relay ka lang kami na ang tatawag kay Chanyeol. Tara na puntahan na natin si tita."
Di na ako nagdalawang isip at nag punta na kami ng Batangas para samahan si mama.
Kung kelan na kailangan kita saka pa wala sa tabi ko. Nasaan ka PARK CHANYEOL....
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
