World Building

Magsimula sa umpisa

Nararamdaman natin sila, nakikita natin ang mga nakikita nila hindi lang sa mundong ginagawalawan nila kundi pati na rin sa mundong lumulutang-lutang sa isipan nila leading us to laugh with them, cry with them, emphasize with them, etc. Napupuntahan natin ang mga napupuntahan nila, at parang na-e-experience na rin talaga natin ang mundo nila. And that is just one of the side-effects of an effective WORLD BUILDING!

Actually, ayaw ko talagang tawaging "WORLD BUILDING" 'to kasi iniisip ko, bakit WORLD lang? When in fact, we can build a whole UNIVERSE using our imagination!

Naririnig mo ba ako? Hello! Nararamdaman mo bang parang nakikipagusap lang ako sa'yo ngayon? Kilala mo ba ako? Ramdam mo ba na sa previous paragraph na sinulat ay parang tumaas ang boses ko at parang may in-emphasize ako? How do you see me? Oo ako. Mukha ba akong nasa podium ngayon at nagse-seminar patungkol sa topic na ito? May hawak akong microphone? Lalaki, naka-eyeglass, mukhang prefect of discipline niyo sa school na namamalo ng kamay kapag nakitang may nail polish ang mga kuko? Teka, ba't ka natatawa?

Okay, magseseryoso na ako. Listen. World building. Noong pinadalhan ako ng private message ni Admin Wilhelmina sa Facebook, kinabahan talaga ako. Sabi ko, ano ba ang isusulat ko? World building. World building. World building. Ilang beses siyang paikot-ikot sa isip ko hangang sa tinapik ko na siya sa balikat niya at sinabihang, "Puwede bang huwag ka ng lakad ng lakad? Nahihilo na ako sa'yo!" At nakinig naman siya sa akin. Pinaupo ko siya sa tapat ng writing table ko. Akala ko talaga, sasabihin niya na sa akin kung ano ang puwede niyang i-suggest pero nginitian niya lang ako ng halos isang oras.

Ang pangalan niya ay Muse. Siya ay isang medyo cute na creature na hindi isang tao pero kamukha ko. Kapag nagsusulat ako, palagi siyang nasa tabi ko. Bumubulong siya o minsan ay ang nagsasaboy ng rainbow colored ink sa keyboard ko. At kapag naging maayos ang negotiation ko sa kanya, that is the time na nakapasok ako sa isang mundo. Isang mundong katulad ng Earth o minsan ay kamukha ng Planet Mnemic. Depende kung hindi ako sabaw o hindi sabaw si Muse.

At kapag nga nangyayari 'yung mga oras na maayos ang negotiation ko sa kanya, hindi puwedeng pa-petiks-petiks lang ako. Dapat sinusulat ko agad kung ano ang mga nangyayari sa mundong iyun. Wala na akong pakialam kung may typographical error man akong ma-commit habang sinusulat ko kung anong nangyayari sa mundong iyun bago pa 'yun magsara. At sobrang tini-treasure ko ang mga sandaling nangyayari 'yun na pinapakita niya sa akin ang mundong iyun kasi minsan, may mga pagkakataong inaatake si Muse ng pagka-isip bata niya at madalas ay ayaw niyang makipag-negotiate at gusto niya lang na magpabili sa akin ng lollipop na gawa sa chlorofluorocarbons.

Alam kong natatangahan ka na sa akin kasi in-expect mong advice ang mababasa mo rito pero iba pala. <*EVIL LAUGH*>. Oops! Bawal na pala akong gumamit ng jeje language. Published author na ako kaya dapat matino na ang pagsusulat ko. Pero ito, last na lang. Last na lang talaga. => j3j3j3j3j3.


WORLD BUILDING TIP #1: Paganahin ang lahat ng sense mo sa katawan at pati na rin ang common sense mo. The world you'll going to build na noong una ay galing pa lang sa iilang sparks ng neurons sa loob ng bungo mo ay dapat nakakaramdam at nararamdaman. Ito 'yung sinasabi ng isang reader kapag napapahinto siya sa pagbabasa at napapa-tweet ng (hashtag) #feels.

WORLD BUILDING TIP #2: Huwag ka masyadong maniwala sa tip number 1. Pero loko lang, ito talaga ang ikawalang tip: Kung ang iyong nobela ay nangangailangan ng logic, huwag mong pagkaitan ang kuwento mo nito. Ngunit ayos lang din na hindi. Okay lang na malamig ang apoy. Okay lang na dalawa ang buwan. Okay lang na may middle finger ang ilong ng isa sa mga chacters mo kasi....

WORLD BUILDING TIP #3: Ang sa mundong nasa loob ng mga libro ay ELASTIC. Hindi ka dapat nalilimatahan ng reality. Make that world elastic. Kung ang mundong ginawa ni J.K. Rowling ay nag-o-operate sa logic ng reality, sa tingin mo ba, papayag ang mga characters niya sa HP series na banggain ang pader ng Platform ng 9 ¾ para makapasok sa mundo ng mga wizards? Kung gusto mong gawing flat ang Earth, bakit hindi?

WORLD BUILDING TIP 4: Cinematography. E 'di ba sa mga movies lang 'yun? Take lang! Bago mo ako awayin, magpapaliwanag muna ako. Question: Anong mas nagpapaganda sa isang pelikula bukod sa locations, music, characters, dialogues, at sequence treatment? Yes! Cinematography! Drone shot scene? Sunset shots, city scape shots, and many more beautiful shots? Kung sa ikulumpara ito sa isang nobela, lahat ng mga ito ay naghuhumiyaw ng magagandang prose. Maayos na construction ng sentence, vivid and exquisite words, magandang pagkakahabi ng descriptions!

Sa gitna ng malawak na crossing sa Tokyo, kung saan ang mga tao ay tumatawid habang nakapayong, nakatayo siyang mag-isa sa gitna nilang lahat. Bumubuhos sa katawan niya ang napakalas na ulan. Sa paligid niya ay naghahalo-halo ang ilaw ng mga buildings at ng mga sasakyang dumadaan. Nakatingin siya sa akin. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Tinitigan ko siya pabalik at naramdaman kong parang ang tagal na niyang naghihintay sa akin doon. Hindi lang dalawang oras! Kinagat ko ang labi ko. Pinigilan ko ang nararamdaman ko ngunit noong nasa harapan niya na ako ay bigla kong nabitawan ang payong ko. Bumuhos ang luha ko sa harap niya. Nasa gitna kami ng syudad. Mas lalong lumakas ang pagbugso ng ulan pero parang natunaw bigla ang mundong ginagalawan ko nang hinawakan niya ang aking baba at sinasaksak sa kanyang baga.

WORLD BUILDING TIP #5: Maging authentic ka lang. I-feel mo 'yung universe na binubuo mo. It should come as natural as possible. Kasi kung hindi, mararamdaman 'yun ng nagbabasa. Remember the (hashtag) #feels? Nakabili ka na ba ng librong ang sarap itapon pero hindi mo magawang itapon kasi ang mahal-mahal ng pagkabili mo? Ganyan ang mangyayari kapag kapag palpak ang world building. Have a master plan. Have a blueprint. But most importantly, enjoy the process of building that world. Kasi ang pagsusulat, parang pagko-construct din 'yan ng gusali. Kung sa pagde-design (outlining) pa lang ay parang napipilitan ka na, kahit pa gaano kagaling ang mga construction workers mo na bubuo rito (characters), kahit pa gaano pa ka-mahal ang mga materials (plot, dialogues and other elements) ang gagamitin mo, kung hindi mo feel ang ginagawa mo, magmumukhang building lang 'yun na walang artistic value or worse, guguho 'yun nang hindi mo namamalayan. And at the end, ang matitira lang sa'yo ay ang mga papel na ang mga nakasulat ay puro debris. Pero eto ha, hindi naman tayo perfect 'di ba? At minsan talaga ay sumasablay tayo. Now, kung gumuho man ang gusaling ginawa mo, tapos ang natira sa'yo ay ang debris na lang, willing ka bang magsimula ulit para bumuo na naman ng panibagong gusali out of those scraps? Willing ka bang buoin ulit 'yun ng ilang araw, ilang buwan o ilang taon ng mag-isa?

The End.


Thank you! Keep writing and you will improve. Magbasa nang magbasa! Kulot ang pubic hair kasi hindi ito sinusuklay. Ganoon ka rin kung hindi ka magsusulat. Magiging pubic hair ka, este, kakalawangin ang talent na ibinigay sa'yo ni Lord.

Huwag tumigil kahit na ang iba ay manggigil.

-JoeyJMakathangIsip

PS: Take good care of your Muse.

PS 2: Ito 'yung Wattpad novel na sa tingin ko ay perfect ang world building: Montello High: School of Gangsters. At kapag feels naman ang paguusapan, read HaveYouSeenThisGirl works. Hindi perpect ang mga sinusulat ni HYSTG pero ramdam mo 'yung authenticity ng mga sinusulat niya.

Writer's Starter PackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon