World Building

306 14 2

Kinausap ko si Sir Haruki Murakami kanina sa balustrade ng bahay nila sa second floor bago ko isulat 'to. Humingi ako ng quote sa kanya patungkol sa topic na ito habang pinapanuod namin 'yung view sa bahaging iyun ng bahay niya. Nakakamangha 'yung cityscape ng residence nila sa Tokyo. Doon, maririnig mo ang matulin na ingay ng bullet train kapag dumadaan ito sa railway sa bandang hilaga. Ngunit hindi kagaya ng ibang railway system na nakita ko, ang kanila ay hindi garalgal ang nilalabas na ingay bagkus ay pino dahil sa bilis ng takbo.

Kung mabilis din humagilap ang mga mata mo, makikita mo saglit sa mga bintana ng bullet train ang mga pasaherong malayo ang tanaw. Kung ano ang mga iniisip nila ay hindi ko matanto pero ramdam kong mabigat.

Teka, anong oras na ba ngayon? Uh, huh. Pasado alas siyete na. Alam ko ang oras kahit hindi ako tumitingin sa relos dahil sa airway traffic na nangyayari sa itaas. Paikot-ikot lang sa ibabaw ang hindi pa maka-landing na mga eroplano sa ere. Minsan ko nang nabasa sa isang online article na nagkakaroon daw talaga ng airway traffic sa mga ganitong oras. Pinaghalong local at international flights ang bumubuo sa traffic na ito. Akalain mo 'yun? Akala natin na sa malalawak lang na road highways may traffic, pati rin pala sa ere ay mayroon.

Hindi ko muna ginambala si Sir Murakami sa ginagawa niya. Nag-i-scan siya ng libro niyang 1Q84. Siguro hinahanap niya pa 'yung qoute na ibibigay niya sa akin. Okay lang na hindi siya magdali. Sa Friday ko pa rin naman ito ipapasa.

Nag-stretch ako nang katawan sandali at habang ginagawa ko nga 'yun, may bigla akong naamoy. Amoy citrus. Hindi ko alam kung saan iyun nanggaling pero pumapasok talaga sa ilong ko 'yung lakas ng amoy. Mas nakakadagdag sa lamig 'yung amoy na 'yun. Siguro, may naliligo sa kalapit na bahay at iyun ang ginagamit na scented oil.

Niyakap ko ng tanaw ang kalingatan. Wala na iyung mga eroplanong paikot-ikot doon ngunit may kakaiba akong napansin. Akala ko naduduling lang ako pero hindi. Totoo itong nakikita ko. Hindi ko alam kung may kakaibang nanaganap ngayon sa kalawakan pero kamuntikan na akong mapamura nang makita kong hindi na lang isa kundi dalawa na ang buwan!

Ituturo ko sana kay Sir Murakami 'yung nakikita ko sa kalangitan pero hindi ko na nagawa nang kalabitin niya na ako sa balikat. Binigay niya sa akin ang isang kapirasong papel na kulay dilaw na may nakasulat na dalawang qoute sabay sabi sa akin na umuwi na ako. Tinalikuran niya ako at pumasok na siya pabalik sa loob ng bahay niya habang ako ay tulala pa rin sa kinatatayuan ko. Tumingin ako pabalik sa dalawang buwan at may kung may anong puwersang humigop sa akin papunta sa isang dimensyon. Umikot ang mundo ko at paglipas ng ilang saglit ay nasa writing table na ako ng kuwarto ko. Nakaupo. Ang mga daliri ay nasa keyboard at kasalukuyang nakahinto sa pagtitipa sa isang unfinished sentence.


WORLD BUILDING

"Once a gun appears in the story, it has to be fired."

-Checkhov

-IQ84, Haruki Murakami

"When you introduce things that most readers have not seen before into a piece of fiction, you have to describe them as much precision and in as much detail as possible. What can you eliminate from fiction is the description of things that most readers have seen.

-Komatsu

-IQ84, Haruki Murakami


Kung ang reality ay nag-o-operate sa isang three dimensional world, ang mundo naman ng mga artist kagaya ng mga writers at pati na ang mga taong nagko-consume ng art na ginagawa nila which are the readers, ay nag-o-operate hindi lang sa apat, lima, anim, pito o walo kundi sa napakaraming dimensions. And that world feels very surreal na tipong kahit mag-isa lang tayo habang sinusulat o binabasa ang isang libro ay hindi tayo nalulungkot kasi nasa loob tayo ng isang napaka-weird na mundo na tinatatawag na "IMAGINATION", at sa loob ng mundong iyun ay nakakasama natin ang iba't-ibang mga tao na kahit likha lang sila ng isip ay parang totoo pa rin sila. At minsan nga ay mas kapani-paniwala pa sila kaysa sa mga taong nasa reyalidad na araw-araw nating nakakasama.

Writer's Starter PackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon