For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

GIRLFRIEND FOR HIRE [ EPILOGUE ]

Magsimula sa umpisa

"Salamat Tommy.." pagsabi ko nun, umalis na ako

Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko na munang mapag isa. Malayo sa lahat.. Malayo sa sakit..

Hindi ko pa kayang harapin si Bryle. Sigurado kung papasok ako sa school, balita na yung kasal nila. Usap usapan na yun at mas masakit pa kung makikita ko pa si Bryle. Hindi ko pa sya kayang harapin sa ngayon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

TOMMY's POV

Nakatulog na pala ako!

Pagka mulat na pagkamulat ko tumingin agad ako kay Nash, te-teka.. nasan si Nash?

Bilis bilis akong bumaba ng kwarto pero wala sya dun.

Ang aga pa ah? Saan ba sya nagpunta?

Tinawagan ko si Katie, nagbabakasakaling nagpunta sa kanya si Nash pero wala.

Saan ba sya nagpunta?

.

.

.

Pag pasok ko sa school..

Syempre agad akong lumapit kay Katie para malaman kung may balita na sya kay Nash at medyo gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi sakin ni Katie na nagtxt daw sa kanya si Nash. Nasa mabuti naman daw syang kalagayan, mawawala daw siya ng ilang araw pero babalik din daw sya. Hindi niya sinabi kung nasaan siya pero ang sabi lang niya gusto niya lang mapag isa.

Kaya mukhang wala kaming magagawa kung hindi ang maghintay.

.

.

Andito ako sa tambayan ngayon. Si Steve, si Third at ako. Tapos maya maya biglang dumating si Bryle.

"Nasaan si Nami? kanina ko pa sya hinahanap pero bakit wala sya?" -Bryle

"Wala si Nash, umalis sya. Gusto daw muna niyang mapag isa. Mas mabuti nga yun, malayo sya sayo. Anu pa bang kailangan mo sa kanya huh Bryle?" sagot ko pero parang hindi niya ako narinig

"Saan sya pumunta? saan? Alam mo ba? Sabihin mo sakin Tommy!"

"Kung alam ko hindi ko rin sasabihin sayo, pero hindi ko talaga alam sa totoo lang. Bryle ikakasal ka na kaya lubayan mo na si Nash! Hindi ka pa ba nagsasawang saktan sya huh?"

Nagtinginan silang tatlo, si Steve, Third at Bryle tapos lumapit silang lahat sakin sabay..

"Marami tayong pag uusapan.." sabi nila sa akin sabay dinala nila ako sa isang sulok.. wat the?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Tatlong araw rin akong umabsent sa school. Tatlong araw rin akong absent kay Lolo Bernard. Pero sabi naman nya naiintindihan naman daw niya ako. Sya na nga ang nagsabi sa mga teachers ko na hindi ako makakapasok ng tatlong araw.

Kinailangan ko lang kasi talagang mapag isa. Malayo sa lahat. At sa tingin ko naman kahit papano nakatulong yun. Ngayon sa tingin ko medyo ok na naman ako. Wag na nga lang sana akong lapitan ni Bryle.

Pero pag minamalas ka nga naman, pagdating na pagdating ko dun sa may pinto ng room ng first subject ko.. eh andun sya..

Anu pa bang kailangan nya?

Hindi ako tumuloy at naglakad ako palayo pero sinundan niya ako. Binilisan ko ang paglakad ko pero binilisan din niya hanggang sa tumakbo na ako, pero tumakbo rin siya at hindi ko namalayan.. nasa harap ko na sya.

GIRLFRIEND FOR HIRE   [ EPILOGUE ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!