Caela.

Kinabukasan...

Ready na ulit akong pumasok. At dahil maaga akong nagising ngayon, maaga rin akong makakapasok sa school.

I kissed my mother's cheeks and bid goodbye. Wala na sa akin iyong nangyari kahapon. Ganoon naman palagi at sanay na ako. Isang gabi lang na drama at tuloy na ulit ang buhay ko.

"Bye Mama ko." paalam ko sa kaniya. Nasa tapat siya ng gate at hinatid ako hanggang sa paglabas ko.

"Bye anak. Ingat ka sa pagpasok, mahal kita." tugon niya habang kumakaway sa akin.

Ngumiti ako bago tumalikod sa kinaroroonan niya.

Papasikat pa lang ang araw kaya mas ginanahan akong maglakad. Maaliwalas ang simoy ng hangin, nakakagaan ng pakiramdam.

I'm humming while walking when I suddenly felt something strange - and it's a dark aura. Napahinto ako at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Gustong-gusto kong ignorahin ang bagay na ito dahil baka napaparanoid lang ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo papabalik sa bahay namin.

Si Mama!

Hindi ko alam kung bakit siya ang biglang pumasok sa isip ko. Dali-dali akong bumalik sa bahay. Hindi pa naman ako malilate, dahil gaya nga ng sinabi ko masyado pang maaga at wala na akong pakialam kung malate man ako!

Habang papalapit ako sa bahay ay papalakas din nang papalakas ang tibok ng puso ko. May iba akong nararamdaman at ayokong kumpirmahin kung ano man ito.

No, please! Huwag si Mama. Sana mali ang iniisip ko!

"Ma! Ma!" tawag ko sa kaniya habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Gusto kong marinig yung boses niya para masigurong ligtas siya.

Nagtungo ako sa kusina upang tingnan siya ngunit bigo ako doon. Umakyat din ako para tingnan siya sa kwarto at hindi magkamayaw sa pagkabog ang dibdib ko.

Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob sa kwarto.

Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko kung ano ang nangyari sa loob.

Ang hirap huminga. Masakit sa puso. Mahapdi sa mata.

My mother was lying on the floor, bathing with her own blood.

Sino ang walang pusong gumawa nito? Bakit si Mama pa? Bakit ang Mama ko pa?!

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kinaroroonan niya. Patuloy sa pag-agos ang luha sa aking mga mata.

Sana panaginip lang ang lahat ng ito!

"Mama! Wake up! Nandito na po ako!" Ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko.

I can't utter any words. Naiiyak ako, nagsisikip 'yung dibdib ko sa mga nakikita.

Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. Kahit hirap na hirap na, pinilit pa rin niyang magsalita. Gusto ko siyang pigilan pero halos hindi rin ako makapagsalita. Nahahabag ako sa nasasaksihan ko.

"Anak... hinahanap ka na nila. K-kailangan mo nang lumayo dito. Iwan mo na ako." Nahihirapang babala niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinasabi niya.

"Mama, hindi po kita maintindihan at hindi po kita iiwan." kahit gusto kong ipakita sa kaniya na matatag ako, hindi ko kaya. Walang humpay sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata, ganoon din sa akin.

"Anak, kunin mo iyong box sa cabinet. Sa'yo iyon. Dapat matagal ko nang ibinigay iyon sa iyo. Patawad anak! Find your true family, baby. Sorry... sorry for lying. Nandiyan lahat ng sagot sa mga tanong mo. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, anak. M-mamimiss ka ni Mama." hirap na hirap siyang abutin ako kaya ako na lang ang yumuko.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!