Chapter 39

600K 11.9K 1.5K
                                    

Chapter 39
Duties

Nakatulala lang ako habang pinapanood ang pagbaba sa kabaong ni Daddy sa hinukay na lupa. Nang malagay naman ito ng maayos ay nilapag sa ibabaw ang nakabalot na buto ni Mommy.

Each of us threw a piece of long stem rose to my Mom and Dad.

Mommy, please guide Daddy there with you. I know that you two are already having a romantic reunion in Heaven. I hope that you two will enjoy your endless journey there.

And Daddy, I already grant your request to be on the same grave with Mommy. I will promise to visit every year as much as I can. I love you both so much. More than my life that you've given me.

I wore my wayfarers again as I began to cry. I'm going to cry every pain that's within me right now, and the sorrow and grief that the feeling of longing for Mom and Dad has given me.

Narinig ko naman ang malakas na paghagulgol ni Lyrae na ngayo'y buhat-buhat ni Brendt. They're beside me at nasa likod ko si Sean. Sa kabilang tabi ko naman ay sila Tita Adele.

I felt Sean's hand held my shoulder and softly caressed it. I know that it's his way of giving me the comfort that I need right now.

After Dad's interment, Sean drove us all back to our house. Sila Tita Adele ay may nirentahang sasakyan at nakasunod lang sa amin ngayon.

Sobrang tahimik ng lahat at walang gustong magsalita nang makarating sa bahay. Lahat sila'y dumiretso sa kaniya-kaniyang kwarto na tutuluyan.

Tita Adele along with her family will go home tomorrow morning, while Tito Warren and his family are already at the airport para bumalik na sa kanila.

Ashley and Lyrae are going to sleep in my room dahil kasya naman kaming tatlo sa aking kama. Tita Adele and Tito Randy will have the biggest guest room. Sean chose Lyrae's room. Brendt and Kuya David on a separate guest rooms.

Nikki's staying at the hotel where Sean booked her for two nights. Hindi na rin ako umangal dahil we don't have any guest rooms left. She will come here early in the morning tomorrow para magpaalam dahil hapon ang balik niya ng Switzerland.

"When are we going home?" tanong naman ni Brendt sa akin nang makatiyempo.

"I still need to fix things here in San Francisco. Kung kailangan mo nang bumalik, don't hesitate and just go. Uuwi rin naman kami ni Lyrae." sagot ko sa kaniya.

Agad naman siyang umiling. "I will stay here." he decided. "I won't leave you and Lyrae here. Sabay-sabay na tayong umuwi and we will go straight to my house."

"Okay..." iyon nalang ang nasabi ko saka siya iniwanan upang makaakyat na sa aking kwarto.

I need to change and rest for a while before I start cooking our dinner.

Pagkapasok ko ng aking kwarto ay nakita kong nakabihis na agad si Ashley at nililinis lang ang kaniyang mukha sa harap ng tukador.

Tumungo naman ako sa cabinet ko at kumuha ng komportableng pamalit na damit.

"Pumasok na ba si Lyrae rito?" tanong ko kay Ashley.

"Yup. Nasa banyo siya. I don't know what she's doing there though pero nandoon siya." sagot niya naman sa akin.

Lumapit naman ako sa banyo at kinatok iyon.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon