Chapter 38.1: The International Couple

Saturday

Bella's Point of View

Ito ang araw na ini-invite ako ni Vix, huminto ang sinasakyan ko sa isang malaking mansiyon. Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba sa sasakyan. So, nandito ang huli kong pagsubok. Hinahanap ko ang door bell pero hindi ko ito makita. Saan nakalagay iyon?

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita. "Welcome."

Biglang bumukas ang malaking gate na ikinagulat ko, paghakbang ko sa loob ay agad na may bumungad na shuriken. Pagtingin ko sa taas ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot na pang-ninja. Hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman kong may paparating sa akin. Napakaraming shuriken mula sa mga ninjang nakapalibot sa buong lugar. Hindi ko napansing marami pala sila, magaling silang magtago, hindi mo talaga aakalain na may nag-aabang.

"Ganito pala ang security ng mansion na ito," sa isip-isip ko. "Ano bang klaseng tao ang nakatira dito?" Tambayan yata ito ng mga ninja, mali yata ang pinuntahan ko.

Hanggang sa nagtanggal ng maskara ang isa sa kanila. "Hi, Ms. B." That voice. I can't actually see his face, but I certainly can recognize the voice. I hate what I felt, hearing his voice makes me nauseous.

"Is this how you treat your visitors?" malakas na sigaw ko.

Bumaba siya at humarap sa akin. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, tingin ko'y isa yung senyales upang umalis na ang mga ninjang nakapalibot sa akin.

"You! What are you doing here?" sabi ko sa kanya.

"Uhm, I was about to ask you the same thing," pang-aasar niya sa akin.

Tila nagkamali nga ako ng tanong, bakit ba siya ang tinatanong ko gayong ako ang kapapasok lamang dito.

"You're looking for?" tanong nito sa akin.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Victoria?" wala sa loob na sabi ko.

"Really?" natatawang tanong niya. "Can I ask you something?"

"What is it?"

"How can a girl like you dodge my shurikens?"

Hindi pa ako nakakasagot ay agad na niya akong binungaran ng shuriken. Naiwasan ko ito gaya ng inaasahan. Tumalon siya at nagbato ng mga shuriken paikot. Hindi niya ako pinatatamaan, panakot niya lang yata iyon. Paglapag niya ay nasa likod ko na siya.

"You know, only one girl can dodge my deadly shurikens," bulong niya sa akin.

Hinimas niya ang aking mukha gamit ang hawak niyang shuriken. Of all people, siya na nga yata talaga ang pinaka hindi ko gusto. Mayabang kasi. Pinigilan ko ang aking sarili sa abot ng aking makakaya, pero hindi ako nagtagumpay. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso.

"Don't mess with me," saway ko sa kanya.

Kinabig niya ang braso ko pero agad akong tumalon palayo sa kanya. Dali-daling sumunod sa akin ang shuriken na hawak-hawak niya. Hanggang sa dumami nang dumami ang lumilipad na paborito niyang laruan papunta sa akin.

"I am Loki, the shuriken master."

Naalala kong pambungad niya noong naglaban kami sa Japan. Alam kong magaling siyang humawak ng shuriken but I can dodge them all. Tumalon ako ng mataas at lumambitin sa puno at naiinis ako dahil humahabol ang mga shuriken sa kinaroroonan ko.

Nagulat ako dahil naputol ang tinalunan kong puno. Ganoon pala katulis ang blade ng mga alaga niya. Pagbaba ko ay naputol ang hibla ng aking buhok na lalong ikina-inis ko. Ang pangit tingnan ng buhok na hindi pantay. Paano ko ba siya pipigilan? Hahayaan ko na lang bang paulanan niya ako ng kanyang mga laruan o tutuluyan ko na siya?

Black Butterfly (COMPLETED)Mga Kuwentong Mamahalin Mo