Chapter 23: Tease them

311 50 0
                                    

Tahimik lang akong kumakain ng pagkain na binigay sa akin ni Arielle. Masarap naman pala mag luto si Ramphel e, bakit ganon nalang ang reaksyon ni Arielle kanina?

"Hi" napatingin ako sa nag salita sa aking gilid, si Ramlphel pala. Teka si Ramphel? "Shock huh?"

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya. Wait totoo ba to? The wierd girl Ramphel is approaching me? The hell! "Come on stop acting like that."

Bumalik ang aking ulirat ng marinig ko ang sinabi nya. "Ha?" Wala sa sariling tanong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa nya. Umupo sya sa upuang nasa gilid ng kama ko at tinitigan ako. Hindi normal na titig, parang tagos sa kaluluwa. Ano pa nga ba aasahan ko? Si Ramphel yan e.

"Kamusta luto ko?" Tanong nya.

"Ayos naman." Maikling sagot ko. Hindi sya nag salita kaya naman hindi ako naging komportable. Hindi nya padin kasi pinuputol yung titig nya sakin."Ramphel pwede bang wag mo kong titigan ng ganyan."

"Why? There's nothing wrong in staring at you."

"You're creepy."

"I know."

"Tss." Hindi ko na sya pinansin at pinag pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. So wierd.

"Don't call me Ramphel." She suddenly said.

"Huh?"

"Call me Ram instead of Ramphel because it's too long." Ahh akala ko naman kung ano. "Besides I'm not really comfortable in that name, I always feel I'm so wierd if someone's use to call me that." Dugtong nya pa.

Whoa nararamdaman nya din pala yon? Akala ko wala syang pakeelam sa paligid nya. Ay tanga Mia tao sya, kaya syempre may nararamdaman din naman sya.

Napatigil ako sa pag kain ng may naalala ako. Naalala ko, ayaw ko din nga palang tinatawag ako sa buo kong pangalan.

"Speechless ka naman ngayon?" Untag nya sa akin. Damn ano bang nang yayare sakin?

"I just remember something." Sagot ko sa kanya.

"Care to share your throughs?"

"Hindi kaba kakain?" Pag iiba ko ng usapan. Baka kasi saan pa mapunta ang topic namin e.

"No, I'm still full." Napa 'ahh' nalang ako at di na nag salita. Napaka awkward naman, wala kaming matinong mapag usapan.

Parehas lang kaming tahimik at di nag sasalita. Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag ubos ng pagkain ko. Feeling ko nga di ako nabubusog. Hindi naman kasi ako sanay na may kumakausap sakin pag kumakain.

"How's your feeling?" Basag nya sa katahimikan naming dalawa. Buti nalang tapos na kong kumain.

Nilapag ko muna ang pinggan sa mini table bago sya sinagot, "fine."

"Good to hear that." Tumango-tango sya sakin at nalipat ang tingin nya sa aking binti na may benda na ulit.

"Nakausap ko kanina si Dr. Phillip. I convince him to let you go back in Academy as soon as possible and luckily he said yes." Sabi nya. Tama ba ang narinig ko? Kinausap nya si doc para lang makabalik ako sa Academy agad?

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya at binalik sakin ang kanyang tingin. "Kaylan daw ako makakkabalik?"

"Well after two days pwede na. May ita-take pang test sayo para malaman kung pwede mo na yang ilakad. Hindi naman kasi ordinaryong pilay lang yan." Sagot nya sakin.

Buti naman at pumayag si doc sa kanya. I wonder what she do to Dr. Phillip.

"I know what you think. Wala akong ginawa kay doc."

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now