11: "Kuya Kyaah"

279 23 0

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

YEP, I give up.

WHY DID Ruma even think that she could do this?

Lunch break nila ngayon sa digital art workshop na pinag-enroll-an niya pero himbis na mag-stay sa events room kung saan may pa-cater ang mga organizer (dahil inclusive na ang lunch sa binayaran niyang fee) ay lumabas siya ng building. Nagpunta siya sa katapat na café para ipahinga ang utak niyang na-overuse na yata.

Hindi kasi ako sanay na nag-iisip, eh.

Hindi niya sinasadyang maliitin uli ang sarili niya pero mahirap hindi ma-frustrate sa status niya ngayon.

"Why am I born stupid?" malakas na reklamo ni Ruma, saka niya sinipsip ng malakas ang iniinom niyang frappuccino bago siya nagpatuloy. Alam niyang napatingin sa kanya ang ibang mga customer na malapit sa table niya pero 'yon nga ang gusto niya. "Can someone help me?"

"How can I help you, Miss?"

Napasinghap siya sa gulat nang magsalita ang lalaki na kanina lang ay naglalakad sa gilid niya pero ngayon, nakatayo na ito sa tabi niya. Obviously, he stopped walking because he heard her. Bigla tuloy siyang nahiya sa recklessness niya. Oh, someone took me seriously.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng lalaking may dalang tray na merong cup ng espresso at platito ng croissant. "Oh, wait. Aren't you one of the students in the digital art workshop this morning?"

Tumingala si Ruma sa lalaki. Napansin niya na guwapo, matangkad, at mabango ito. Lean pa ang pangangatawan nito na kagaya ni Rabi. Plus, this guy looked fresh and neat in his slim polo shirt, skinny jeans, and stylish shoes. But most of all, his skin was so... "Clear," biglang sabi niya dahil nakaka-distract naman talaga ang kutis-Koreano nito. Come to think of it, he did look like he had Korean blood. "Your skin is brighter than my future, Kuya."

Ngumiti ang lalaki pero halatang nahiya ito dahil naging pink ang mga pisngi nito. "Uhm, thanks?"

"Who are you?" tanong niya nang maalala niyang nabanggit nito ang workshop kanina. "Bakit po alam mong nasa workshop ako?"

"I was there," sagot nito. "You don't remember me?"

Umiling siya. "I don't."

"That's a shame," natatawang sabi nito. "I was one of the volunteer teachers there. Pero hindi mo siguro ako napansin kasi no'ng nag-one on one na sa pagtuturo kanina, nasa likod ako."

Fifteen students lang silang mga nasa workshop kanina at bawat isa sa kanila, pinahiram ng tig-iisang display drawing tablet ('yong may kasama nang screen). May kanya-kanya rin silang personal teacher. Si Miss Rea ang teacher niya at sa pagkakaalala niya, Arts student ang babae.

"Sorry po, I'm not good at remembering other people's faces," pag-amin niya. My memory isn't sharp, you know.

"It's fine," sagot nito. "Can I join you? Wala na kasing ibang vacant seat, eh."

Tumingin muna siya sa paligid para masigurong nagsasabi ito ng totoo. Nang makita niyang 'yong in-o-occupy niyang pabilog na mesa na para sa tatlong tao na nga lang ang available, saka siya pumayag. "Okay po."

"Thank you," sabi ng lalaki, saka ito umupo sa tapat niya. Pagkatapos, nilahad nito sa kanya ang isang kamay. "I'm Greco Fuentes."

"Ruma Agustin," pagpapakilala naman niya sa sarili niya, saka niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Nice to meet you, Kuya Greco. Can I call you Kuya? You look older than me naman po, eh. I'm just seventeen."

"Sure," natatawang sabi nito at halatang hindi naman na-offend. "I'm only nineteen, though. I'm not that old yet so you don't have to use 'po' and 'opo'."

"Okay."

"Bakit nandito ka pa, Ruma?" nakangiting tanong ni Greco habang hinahalo nito ng stirrer ang kape nito. "Kanina pa nagsimula ang afternoon session sa workshop, ha?"

"Eh ikaw?" balik-tanong ni Ruma dito. "Kung volunteer teacher ka, bakit nandito ka pa?"

"Oh, I only volunterered for the morning class since I'm meeting someone here," sagot nito, saka ito tumingin sa suot na (halatang expensive) watch. "She's late, though."

Tumango-tango lang siya. Maybe he's waiting for his girlfriend.

"Anyway, why did you ask for help?" tanong ng lalaki nang tingnan uli siya nito. "May problema ba?"

"Yeah," sagot niya, saka niya tinuro ang sarili niya. "I'm stupid and that's my problem."

He let out an obviously awkward laugh while scratching his cheek. "You must be also from Midvale, School–"

"School for the Gifted," natatawang pagtatapos niya sa sinasabi nito. "Did I get it right?"

For some reason, he looked pleasantly surprised. "Yeah, you got the reference correctly."

"My parents have a collection of Gary Larson's The Far Side cartoon series," pagkukuwento niya. "Hindi ko na naaalala 'yong mga nabasa ko noon kasi hindi ko naman sila na-gets. Natuwa lang ako kasi may pictures."

Natawa ng mahina ang lalaki habang iiling-iling pero hindi naman nag-comment.

"Pero naaalala ko 'yong mga quotes na madalas sabihin sa'kin ng kakambal ko para asarin ako," pagpapatuloy niya. "He used to tell me that I'm from the School for the Gifted when we were kids. I only understood what it meant when our mommy scolded him and asked him to stop subtly calling me stupid. Kaya hayun, hindi na naalis sa isip ko ang reference na 'yon." Sumimsim muna siya ng drinks niya bago siya nagsalita. "Iniisip mo rin ba na galing ka rin sa School for the Gifted?"

"Yeah. I'm kind of a klutz, you know."

Marahan siyang umiling bilang pagkontra. "You don't look like a fool to me, Kuya Greco."

Napansin niyang namula ang mga pisngi nito at ngumiti na parang nahihiya. "Uh, thanks?"

Ohh... Kuya Greco is kind of cute, isn't he?

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!