10: Best Friend Duties

288 22 2

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

AUGUST 2018

"YOU'RE desperate, Ruma Agustin."

"I am," natatawang pagkumpirma ni Ruma sa sinabi ni Irene pagkatapos niyang sabihin dito ang plano niya. "That's why I need your help, Irene."

Sumubo muna si Irene ng spoonful ng ginawa niyang banana con yelo para rito bago ito sumagot. Nakaupo ito sa swivel chair pero himbis na sa computer table niya, sa kanya ito nakaharap. "Let me think carefully because Rabi will kill me if something bad happens to you."

Nag-double thumbs ito sa kanya. "Okay." Dumapa naman siya sa kama niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng Black Ink comic book na kinuha niya sa kuwarto ni Rabi nang walang paalam. Anyway, madalas naman si Irene sa kuwarto niya kaya kahit hindi sila mag-usap, hindi na awkward. "Just tell me when you've made up your mind."

It was Friday afternoon and she invited Irene to their house to discuss her plan with her.

First week na ng August at hanggang ngayon, wala pa siyang nahahanap na artist na puwedeng mag-drawing ng Lady Lie Detector niya. Naghanap siya ng mga artist sa social media na madali niya lang mapupuntahan dito sa Bulacan. Sa college department ng school nila, may mga nakausap naman siya pero hindi niya afford ang talent fee ng mga ito.

Bigla kong na-appreciate ang pagpayag ni Rabi sa five hundred pesos per episode no'ng ginagawa namin ang Dazzling World. Maliit pala 'yon.

Pero bukod sa talent fee, may mga artist din na tumanggi sa offer niya dahil hindi raw kayang mag-commit ng mga ito sa ni-re-request niyang one episode per week. Naiintindihan naman niya dahil mga college students ang nakausap niya. 'Yong iba pa nga, graduating students na naghahanda na rin ng thesis ng mga ito.

'Yong mga professional artists naman nang nakausap niya, hindi tinanggap ang proposal niya dahil hindi nagustuhan ng mga ito ang story pitch niya.

They don't like the romance genre.

Well, technically, Lady Lie Detector was a paranormal-slash-mystery novel. Pero hindi pa rin nagustuhan ng ibang artists na high school ang setting ng kuwento.

All in all, ten artists have rejected me.

Kaya nagdesisyon siyang lumabas na ng Bulacan.

"Talaga bang pupunta ka ng Manila?" tanong ni Irene mayamaya. "'Tapos hindi mo sasabihin kay Rabi at sa parents niyo?"

"To be precise, sa Makati ako pupunta," sagot ni Ruma, saka niya sinara ang binabasang comic book. Pagkatapos, bumangon siya at nag-lotus position paharap kay Irene. "Nakapag-enroll na ko sa weekend art workshop ng Javier Art School. Saka nakapagpa-book na rin ako ng condo unit via Airbnb. Everything is already set so you don't have to worry, Irene."

"How can I not worry when you're about to do this on your own?" reklamo ng best friend niya. "To be honest, I'm quite surprised that you managed to arrange all of that."

Natawa siya habang kinakamot ang pisngi. "Naghanap lang ako sa internet ng mga art workshop sa paggawa ng online comics at no'ng lumabas sa search engine ang Javier Art School, tiningnan ko kung may available slots pa sila. Thankfully, every weekend eh meron silang two day workshop for beginners. Saka hindi ko kailangang maging student ng school nila kasi workshop lang naman ang program na papasukan ko."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!