9: A Sister's Resolve

251 20 1

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

JULY 2018

"IKAW lang ang kilala kong ginagawang dessert ang tuna sandwich."

"What do you care?" reklamo ni Ruma habang kumakain ng tuna sandwich at naka-indian sit sa kama ng kakambal niyang nasa computer table nito. "Bakit ba ang extra grumpy mo sa'kin lately?" Napapitik siya sa ere nang may maalala. "Ah, right. Hindi ka pa rin ba maka-get over sa binili mong shoes ko na worth more than four thousand pesos?"

Halatang nanlumo si Rabi at literal pang napa-facepalm. "'Wag mo nang ipaalala sa'kin ang nangyari last month."

Natawa siya ng malakas. Nagkataong may sale 'yong mall na pinuntahan nila no'ng isang buwan. Akala niya ay naka-sale din 'yong napili niyang sapatos kaya nagulat silang magkapatid no'ng nasa cashier na sila. Pero dahil na-punch na, napilitan si Rabi na bayaran iyon.

"Oh, baby brother, you shouldn't hold grudges," iiling-iling na sermon niya rito. "Saka alam ko namang marami kang pera kaya 'wag kang umarte na para bang na-bankrupt ka dahil sa'kin."

"Don't call me 'baby brother,'" iritadong saway nito sa kanya habang nakatutok pa rin ang atensiyon sa kaharap na laptop. "And I don't wanna be scolded by you."

"Why not?" reklamo niya. "I'm older than you. I'm only letting you scold and hit me in the head because I'm a cool big sister."

"Our sixty second gap doesn't make you my "big sister,"" kontra nito. "I'm more mature and composed so I'm supposed to be your big brother."

"The law of nature doesn't work that way, my baby brother."

"Fine," pagsuko nito. "Fighting with you is exhausting anyway, big sister."

Tinaas niya ang mga kamay niya sa ere. "Yehey! I won!" Tumingin siya sa pinto ng kuwarto at mas nilakasan pa ang boses niya. "Dad, Rabi called me 'big sister' just now!"

Hindi sumagot ang daddy niya pero mayamaya lang, nakatanggap siya ng text message mula rito in all caps pa: PLEASE KEEP IT DOWN YOU BRAT. YOUR MOM IS STILL ON VIDEOCALL RIGHT NOW SO LET US TALK IN PEACE

"Dad scolded me via text," natatawang sabi niya. Nando'n sila ni Rabi kanina sa master's bedroom at kausap ang mommy nila. Pero ngayon, solo na ng daddy niya ang kanilang ina. "He's being techy-savvy now."

"Whatever. Anyway, come here," utos sa kanya ng kakambal niya. "Naayos ko na ang format ng last episode ng Dazzling World. I-upload na natin?"

Tumayo siya at kinuha ang silya sa harap ng study table ni Rabi, saka niya 'yon nilagay sa tabi ng kakambal niya. "Yes. It's twelve midnight now," sagot niya pagkatapos niyang umupo at nangalumbaba sa computer table habang nakatingin sa monitor ng laptop. "Wow. I can't believe this is already the final episode of Dazzling World." Dinikit niya ang daliri niya sa parte ng screen kung saan makikita ang drawing nina Erica at Daniel– ang mga bida sa webcomics nilang magkapatid. "I paid more than ten thousand pesos for this because my twin brother is stingy."

"Well, I expect my family to be the first ones to support the thing I do for a living," sagot nito na para na namang matanda ang tono. "I can't do it for free just because we're twins."

Our Sixty-Second Gap (To Be Published)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!