8: A Brother's Role

332 29 0

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

"TWINS kayo ni Rabi pero hindi kayo pantay ng talent."

Natigilan si Rabi sa paglalakad dahil sa narinig niyang sinabi ni Beverly.

"You'll just hold your twin back if you force him to be your artist again."

Did I misjudge Beverly?

Oh, well. It wasn't something that would affect Ruma anyway. Mabuti na lang talaga at hindi niya sinama sina Irene at Jasper dahil siguradong mauuna pang magalit ang mga ito...

... wait, something is wrong here.

Natigilan si Rabi sa pag-iisip nang makita niyang pumikit si Ruma at kinuskos ng mga kamay ang mga mata nito.

She's crying over that?!

The last time he saw Ruma cry was when she made him bleed when they were in freshman year. Simula no'n, hindi na niya uli ito nakita o narinig na umiyak.

Seeing his twin sister cry now unexpectedly made his chest hurt so bad.

"I think that's for me to decide, Beverly," sabi ni Rabi dahilan para lingunin siya ng babae. He didn't know what kind of expression he had at the moment but she visibly flinch under his cold gaze. "If you're going to make my first client cry, then I'm quitting as your–"

"Rabi, don't be stupid!" saway sa kanya ni Ruma na kinukuskos pa rin ng mga kamay ang mga mata nito. "Beverly didn't make me cry. Napuwing lang ako. Come on, help me! Ang hapdi na ng mga mata ko!"

Ah, that instantly relieved him.

"Stop rubbing your eyes, dummy," saway niya sa kakambal niya, saka niya ito nilapitan at hinawakan sa mga braso para tulungan itong tumayo. "Come on, let's wash your face."

Tumango ang kakambal niyang hindi pa rin dumidilat. "Okay. Guide me."

Nilingon niya si Beverly na halatang natakot sa kanya kanina kaya bigla naman siyang na-guilty. "I'm sorry, Beverly."

"It's fine," sagot naman ni Beverly nang makabawi sa pagkabigla nito. "I was really mean to Ruma anyway."

"She only gave her opinion because I asked for it, Rabi," pagtatanggol ni Ruma sa babae. "And I'm fine with it."

"I know that," sagot niya, saka niya muling hinarap si Beverly. "Then, we'll excuse ourselves for today, Beverly. Good luck on writing the script for Project Eve."

"Thank you, Rabi," sabi ni Beverly sa mas relaxed nang boses. "I'll call you when I'm done with the introduction part."

Tumango lang siya, saka niya hinawakan sa kuwelyo si Ruma para hilahin ito papunta sa ladies' room kung saan makakapaghilamos ito. Hindi naman kasi niya ito mahawakan sa pupulsuhin nito dahil ayaw nitong tumigil sa kakakuskos ng mga mata nito kahit sinasaway niya.

"Rabi, natanggal ko na 'yong pumuwing sa'kin," masiglang sabi ni Ruma mayamaya. "I can open my eyes now!"

Binitawan ni Rabi ang kakambal niya, saka niya ito hinarap. Sesermunan sana niya ito pero natigilan siya nang makita ang mismis ng chocolate sa bibig nito, gano'n din ang mantsa ng tsokolate sa chest area ng white blouse nito. Siguradong nalaglag ang mga mismis sa uniform nito dahil wala itong kafinesse-finesse kapag kumakain. "Ruma Agustin, you're seventeen years old– not seven," iritadong sabi niya rito habang nilalabas mula sa sling bag niya ang wet wipes. Pagkatapos, kumuha siya ng isang sheet niyon at marahan iyong tinapal sa bibig nito. "Wipe your mouth, stupid."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!