6: Confrontation

335 27 1

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

BAKIT ba ang tagal dumating ni Rabi?

Nakaupo si Ruma sa isa sa mga concrete benches sa Freedom Park ng school nila habang hinihintay si Rabi. Nagtitipid siya sa pamasahe kaya sumasabay siya sa kakambal niya. Alam niya ang schedule nito kaya alam niyang hindi ito cleaner ng araw na 'yon.

Is he late because he's meeting Beverly for their project?

"Ruma Agustin."

Oh, he isn't.

"Yes, Beverly..." Natigilan si Ruma nang ma-realize niyang nakalimutan niya ang surname ni Beverly pero para hindi siya mapahiya, ngumiti na lang siya. "Hello, Beverly."

Tumikhim si Beverly na parang may inner debate sa sarili bago ito muling nagsalita. "Can I join you? May sasabihin ako sa'yo, eh."

"Sure. I don't mind."

Umupo ang babae sa tapat niya, saka ito may dinukot na kung ano mula sa bulsa ng skirt nito. Pagkatapos, nilapag nito sa table na nakapagitan sa kanila ang nilabas nitong chocolate bar, saka nito iyon inusad palapit sa kanya. "Sorry, that's all I have right now. Plano ko sana na puntahan ka bukas sa classroom mo para dalhan ka ng lunch. Pero nakita na kita ngayon kaya nag-decide akong lapitan ka na."

"I really don't get what you're talking about but thanks for the chocolate," sabi niya habang binabalatan ang chocolate bar. "Pero bakit mo naman ako pupuntahan dapat sa classroom ko at dadalhan pa ng lunch bukas?"

Sumimangot ito pero namula naman ang mga pisngi. "Because I want to apologize," pag-amin pa nito sa halatang nahihiyang boses. "I was hostile to you earlier."

"That's true," tumatango-tangong pagkumpirma naman niya. "But why do you hate me anyway?" Tinuro niya ang sarili niya. "I should be the one hating you because you stole my collab partner."

"Well, why don't you?"

"I don't hold grudges," natatawang sabi niya, saka siya kumagat muna ng chocolate bago nagpatuloy. "And I don't like making enemies."

Tumaas ang kilay nito. "But you challenged me. Doesn't it make me your enemy?"

"You're called a rival, not an enemy," paglilinaw naman niya. "I like healthy competitions."

"Me, too," pag-amin nito. "But unlike you who play fair and square, I get really competitive to the point that I resort to cheap tricks to win. I'm the youngest child in our family so I grew up competing with my older siblings who are all way above me. I can't fight them fairly because I was born inferior to them so I don't really feel bad when I use foul play on them. Kaya siguro naging aggressive at hostile na rin ako sa lahat ng taong nagiging ka-compete ko."

Muntik na siyang mabulunan dahil sa sinabi nito kaya tinigilan niya muna ang pagkain ng chocolate. "Uhm, that's some heavy stuff there, girl," sabi niya habang binubuksan niya ang lid ng baon niyang tumbler. Pagkatapos, uminom muna siya ng tubig bago muling nagsalita. "Bakit mo ba sinasabi sa'kin 'yan? I didn't ask for your life story."

"That was the easiest way to make you understand why I'm a horrible person," paliwanag naman nito. "I was hostile to you because I wanted to break your spirit. I wasn't joking when I said my rivalry with my siblings is fierce. Sa pagsusulat ko lang sila natatalo dahil ako lang ang nakamana sa creative side ng mommy naming writer-slash-book editor. I got my mother's extra affection and attention when I won a national award for my sci-fi novel. You can say that I'm desperate to be acknowledged by my family even if I'm not as good as my siblings."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!