Chapter 19

6.8K 58 3
                                    

Abala si Francine sa pagluluto ng umagang iyon nang mag-ring ang kanyang cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abala si Francine sa pagluluto ng umagang iyon nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Raymart ang tumatawag.

Pinindot niya ang loud speaker at nagpatuloy sa pagluluto habang kausap ito.

"O, Raymart? Napatawag ka?"

"Francine, gusto ko lang sanang i-remind sa 'yo iyong wedding client natin bukas. May kaunting changes sa location. Hindi na raw gaganapin sa Laguna, kundi sa Batangas na."

"O, talaga? Bakit?"

"Hindi ko na naitanong, e. Basta't ibinigay nalang nila sa 'kin ang address. Sa Padre Pio Shrine sa Sto. Tomas, Batangas na raw gaganapin ang wedding."

"Ah, okay. Sige."

Pagkuwa'y naging seryoso ito. "Siya nga pala. Okay na ba talaga sa asawa mo na sumama ka sa 'kin."

"Okay na okay na," sagot niya. "Huwag ka nang mag-worry dahil hinding-hindi na ako magba-backout. Hindi na magbabago ang isip ni Miggy. Nag-usap na kaming dalawa."

"Mabuti naman kung gano'n," napangiti si Raymart.

Then, Francine changed the topic. "By the way, kamusta na nga pala si Ate Cecile mo?"

"Hayun, may ka-date na."

"Ka-date?"

"Oo, ka-date. May lalaki na siya sa buhay nya. Nasa Cambodia sila ngayon at namamasyal."

"Talaga?" masayang sambit ni Francine. "Naku! I'm so happy for her. Malay natin baka iyon na ang pinakahihintay niyang forever. Siguradong hindi na tatandang dalaga ang ate mo."

"Naku! Sana nga. Para naman matahimik na ang buhay ko."

"O, bakit naman?"

"Kung alam mo lang, palagi akong ginagawang katulong no'n dito sa bahay. Palagi pa akong inaapi at inaasar."

Natawa si Francine. "Ikaw naman, hayaan mo na ang ate mo. Mabuti ka nga e, may kapatid ka. E, ako solong anak lang. Kung alam mo lang na inggit na inggit ako sa closeness n'yong dalawa. Sana nga nagkaroon din ako ng kapatid."

"Gusto mo bang ibigay ko na siya sa 'yo? Ilalagay ko sa kahon at ipapa-deliver ko d'yan pagkauwi niya rito," biro ni Raymart.

"Sira ka talaga. Isusumbong na kita sa ate mo."

"Wag naman, uy! Joke lang!"

At nagtawanan silang dalawa.

Hindi alam ni Francine na patagong pinakikinggan pala siya ni Miggy. Dinig na dinig nito ang pinaguusapan nila ni Raymart.

Nakaramdam ito ng inis.

"Relax ka lang, Miggy." Saka lang napansin ni Miggy na nasa likuran nya na pala si Vera. Hinaplus-haplos siya nito sa balikat. "Pabayaan mo na si Francine. Nandito naman ako, hindi ba?"

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon