[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR]

Kimerly's POV

Totoo? Naiwan akong tulala at iniimagine ang kalalabasan ng pagiging bantay ko sa anak ng amo namin. Napi-feel ko nang di magiging maganda. Ayoko din na magtransfer. Kahit pa mas maganda at sosyal ang school nila. Sure naman akong puro matapobre at mayayabang ang nagaaral doon. Dun nalang ako sa school ko noh! Di man ganun kasosyal atleast mababait ang IBANG students! 

Agad akong umakyat sa kwarto na kung saan nandoon si mama. Agad akong lumapit kay mama at highblood na kinausap siya.

"MA! BAKIT KA NAMAN PUMAYAG NA ILIPAT AKO SA SCHOOL NILA?" Pasigaw at nakapout na sabi ko.

"Eh anak... Sayang yung pagkakataon. Ang ganda-ganda nung school nila, sobrang sosyal nung school na 'yon anak." Sabi ni mama sakin.

"WALA PO AKONG PAKE KUNG MAGANDA YUN. EH PANO YUNG MGA KAIBIGAN KO SA WILLFORD? SAKA YUNG NAG SPONSOR SAKIN PARA MAKAPAG ARAL DUN ANO NALANG ANG SASABIHIN NILA?" Highblood na sabi ko. Ayoko kasing nag didesisyon ng hindi sinasabi sakin.

"Hayaan mo na anak." Maikling sagot niya sakin... "Halika na ayusin na natin yung mga gamit natin." Sabi niya ulit. 

At ng matapos namin ang pag aayos ng gamit ay nagpaalam muna ako kay Mama. Kukunin ko yung mga importante kong gamit sa locker ko sa school. Dahil biruin niyo ha! Sa monday na agad ako itatranfer este sa monday dun na ako papasok sa Angeles Academy. Grabe talaga.. Kailangan kong magpaalam sa mga kaibigan ko lalo na kay crush, si Aldrix.

At agad na kming umalis. At sumakay na kami sa jeep. At pumwesto kami dun sa dulo yung tabi ng pinto ng jeep yung malayo sa driver, Kasi baka pag abutin lang kami ng bayad eh

Grabe dang traffic at ang inet pa! Palingon-lingon ako dun sa harapan para makita kung umuusad na ba yung mga sasakyan... Pero grabe hindi. Mukhang matatagalan pa 'to! May nagbanggaan kasi dun sa unahan eh! Enebeyen!

Andrew's POV - Kimberly's POV

Fvck! Bakit ngayon pa nagtraffic? Halos masira na yung manibela ng kotse ko sa sobrang pagpush ko nito. Pero teka! Si kimberly ba yung naka sakay malapit sa pinto ng jeep? Sumilip muna ako sa likod at sa harap... Mukhang matatagalan pa naman ang traffic na 'to eh! 

Agad akong bumaba mula sa kotse at pumunta sa kanila at hinila siya pababa

--

'Grabe matagal pa ba yang traffic na yan?' Tanong ng isip ko... Baka abutin kami ng gabi pag dating sa school, Eh balita ko maniak pa naman yung mga varsity ng soccer na nagpapractice sa field pag 5-6 pm. Pero hindi yun yung inaalala ko, kasi maaga umuwi yung mga teachers sa faculty. Kailangan kong mag paalam sa kanila.

Grabe ang traffic talaga.... Maya-maya pa ay yung nasa kotse na busina ng busina kanina pa ay biglang lumabas, Naiirita na ako sa tunog ng busina niya, kanina pa siya busina ng busina BUSET!

At biglang lumabas yung nagdadrive ng kotse. Naks ang gwapo haha! Pero nagulat ako ng tanggalin niya yung shades niya.
'Si Andrew? O///O at bakit papunta siya sakin?' Tanong ko sa sarili ko.
Pero seryoso ako, naka tinggin siya sakin ngayon ang sama ng tinggin yung parang tinggin palang namumwersa na. Pero... Ano 'to? Nasa harap ko na nga siya. At... At... At.... Hihilahin niya ang kamay ko.

O////////O

Pero agad kong na iwas ang kamay ko. Pinagtitinginan na kami ng mga ibang pasahero sa jeep.

---

Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami ng ibang pasahero, Tapos yung kasama naman ni Kimberly parang walang napapansin. Nakatulala. -____- Ang weird! Tapos biglang nagsalita yung ale na nasa malapit lang namin. 

"Hijo! Ano bang ginagawa mo? Bakit mo hinihila ang babaeng ito?" Nagtatakang tanong sakin nung ale.

"Aah! Wala po ^_^ Girlfriend ko po siya, eh nag iinarte eh! Ayaw pang sumama sakin." Pagkasabi ko nun ay biglang napa lingon samin si yung kasama ni Kim.

"HOY!!! ANONG GINAGAWA MO? BAKIT HAWAK MO ANG KAMAY NG BFF KO?" Pasigaw na tanong nung kasama ni Kim.

"Non of your business" Sagot ko sa kanya.

At pagtapos noon ay hinila ko na si Kim. At nagpahila naman siya. Pero kasama niyang bumaba yung kaibigan niyang Wierd.

"Sakay na!" Sabi ko sakanya.

"Eh kung ayaw ko!" She declined.

"Wala akong time makipagbiruan huh! Bilisan mo na, Sumakay kana sa kotse! Isama mo na din yung wierd mong bestfriend."

At sumakay na sila. 

Pagkaupo ko palang sa driver's seat ay binulyawan niya na ko.

"SO GIRLFRIEND? ANONG MAARTE ANG PINAGSASABI MO DUN KANINA? IKAW NGA ASSUMING EH! GIRLFRIEND DAW. " Sigaw niya.

"Hey bff, Lower down your voice!" Bulong nung kaibigan ni Kim.

"HINDI!" Highblood na sagot ni Kim. Ano bang masama dun sa sinabi ko? 

"Okay!" Mahinang sabi nung kaibigan niya.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"NON.OF.YOUR.BUSINESS." Sagot naman nung kaibigan ni Kim

"Seryoso ang tanong ko. Saan nga kayo pupunta? Ihahatid ko na kayo"

"Sa school namin. Sama ka?" Sabi naman nung kaibigan ni Kim. 

---

Sinamaan ko ng tinggin si Alonica. Bakit isasama niya ang unggoy na yan? -___- Pagtapos akong awayin? Okay ang OA ko! Di naman ako inaway pero sinabi niya na girlfriend niya ako? Well... Good idea na sabihin niya 'yon. Kasi napa payag niya akong isakay sa kotse niya! buti nalang kasama ko si Alonica. Ang tahimik namin. At wow huh! Alam na alam niya yung daan papuntang Willford huh? :3 Teka pano niya pala nalaman?

"Hoy! Alien, paano mo ko napuntahan nung nakaraang araw sa school? Pano mo nalaman na sa willford ako nag aaral huh? HUH?"  Mataray na tanong ko.

"Tito ko ang mayari ng school na yun, and cousin ko si Jian, Tapos sinabi niya na doon ka daw nag-aaral."

"Wow! super yaman niyo naman and jian? Si Jian Avelino? Cousin mo? Grabe nasa blood niyo talaga ang mga mukhang artistahin ano?" Sabay singit naman ni Alonica.

"HAHA! Ganun na nga. Okay andito na" At agad na kaming bumaba.

"Nakakalungkot mang isipin, kailangan ko ng umalis dito..." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Okay lang yan bestfriend. Malay mo mas madami yung maging friends mo dun sa bago mong school."

At nagtungo na kami sa locker room. At kinuha yung mga gamit na importante, Yung Malaking teady bear na nag pinagkasya ko dun sa locker ko na binigay ng Sir namin sa Math, At yung mga letters na binigay nila nung birthday ko last month. Na may naka sulat na "Sana kasama ka pa rin sa college :)) " Lalo akong naiyak nung maalala ko yun lahat. Actually di naman importante sakin yung teady bear na binigay nung Sir namin sa math, wala lang gusto ko lang mag moment bakit ba

---

Kasama ko ngayon si Jian. Dumaan lang talaga ako sa school na 'to kasi nandito si Jian ngayon.

At di ko sadyang marinig ang pinaguusapan nila Kim at ng kaibigan niya pagkababa nila ng kotse, tama ba yung narinig ko? May pinaguusapan kasi sila na magtatransfer si Kim. Saan kayang school magtatransfer si Kim? 

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!