Clair's POV

Nasurprise ako sa taong nakita ko. Natulala ako sakanya, hindi ako naniniwalang ang aga niya. 2 weeks early to be exact.

At dun ko rin narealize, 2 weeks na lang at tapos na ang pustahan namin.

"Ano, titignan mo na lang ba ako? O pupuntahan mo ako at yayakapin?" Nakangiting sambit niya, at dun lang ako natauhan

"Clay!" Sigaw ko tapos tumakbo papunta sakanya

"Aray! Sabi ko yayakapin, hindi babatukan." Sabi naman niya tapos hinimas yung ulo niya

"Hmp! Bahala ka jan! Hindi mo sinabi saken na dadating ka." Sabi ko sakanya tapos nagaktong nagtatampo at tinalikuran ko siya. Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako sa likod at sinabing "Sorry na Ceejay, gusto lang naman kitang isurprise eh." Sabi niya tapos pinatong yung baba niya sa balikat ko.

Humarap naman ako sakanya tapos sabing "Oo na, wag mo na akong yakapin, mamaya mamasacare pa ako ng baba mo. Ang tulis eh" sabi ko at bahagyang tumawa

Hindi naman talaga matulis yung baba niya, inaasar ko lang

"Namiss ko yan Ceejay." Sabi niya tapos tumayo ng tuwid at sabay gulo ng buhok ko na kinainisa ko naman

"Aissshh!" Tanging nasambit ko

Naglalakad kami ng bigla magring yung phone ko.

Calling Investigator Cruz

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Miss Dela Vega. I have a good news and 2 bad news. What do you want first?"

"Bad news." Maikli kong sagot.

"The bad news ma'am is, hindi po kami pinayagan kunin ang biodata ni Miss Eunice at Sir Drey, the second bad news is, wala pong Eunice Naomi Ocampo at Drey Mathew Ocampo sa buong bansa, kasama na rin po ang buong mundo." Nagulat ako sa binalita niya saken. Oo, kasi dito ko nalaman na mali pala ang information sa taong malapit saken.

"Eh ang Good News?" Nanginginig kong sambit, bigla naman akong nagulat ng biglang hawakan ni Clay yung kanang kamay ko na may hawak sa phone.

'Okay lang' -I mouthed those words, and Mister Cruz continued what he said.

"The good news is merong babaeng ang pangalan ay Eunice Naomi pero hindi Ocampo ang apielyedo, meron ding Drey Matthew pero hindi rin Ocampo ang apilyedo ng dalawa.

"Eh ano namang apilyedo ng dalawa?" Tanong ko

"Yan na nga ma'am eh. Hindi ko po alam kasi sobrang secret po ng pamilyang yun, nahirapan pa nga po akong hanapin sila kung hindi ko lang sinabi ang Pangalan at Apilyedo mo. Sa tingin ko nga po ma'am malaki ang kaugnayan ng pamilya mo sakanilang dalawa." Sabi ni Mister Cruz.

"Okay Mister Cruz, balitaan mo na lang ako kung may progress ba ang investigation. Basta kailangan mong malaman kung sino talaga sila." Sabi ko sakanya.

Binaba ko na ang phone ko at umupo sa pinakamalapit na bench, sumunod naman saken si Clay.

"Ceejay, anong problema?" Tanong saken ni Clay nang maramdaman niyang nahimasmasan na ak ng konti, kilala talaga niya ako, kaya nga love ko to eh.

"Meron kasing bagong mayari na ang school, natatakot akong mawala lahat ng pinaghirapan ng magulang ko. Wala oa sila Tita. Shanelle, nag out of the country, kaya hindi ko siya agad makokontact about sa School."

"Hayaan mo muna yan, masusulusyonan naman nila yan, pero sana wag ka munang malungkot ngayon, nandito ako sa tabi mo ngayon pero ang lungkot mo. Feeling ko tuloy napakawalang. KWENTA kong best friend sayo." Sabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!