Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out

93.5K 1.6K 689

Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out



At dahil umabot na tayo sa CH60.. isa lang ang meaning nun.. 15 to go!



September ang target month ko para matapos 'to. Atat na talaga ako guys! XD



Comment and vote pag nagustuhan ang chapter.



PS: No softcopies for If I Fall. Last na ulit ko na 'to XD



--



Nagulat si Barbs sa dalawang bagay:



1.) Sa sinabi ni Lean.


2.) Sa itsura ni Vivien.



Bakit ganun maka-react si Lean? Simpleng yakap lang naman yun ah. At bakit nya hindi tinulak ito? Eh ayaw nga nyang niyayakap sya.



Bakit ganun ang itsura ni Vivien? Obvious naman na nashock ito. Pero.. may nangibabaw na emosyon dun. Ayaw man nyang aminin.. pero..



hurt? Tama nga ba ang basa nya sa reaction ni Vivien?



The three of them remained silent for about 30 seconds. Sa sobrang awkward ng sitwasyon, di nila alam kung anong sasabihin nila sa isa't isa.



"Uuhh.." It was Vivien who broke the silence.



Barbs watched her intently. That was Vivien's awkward tone. But the next thing amazed (more appropriate word: perplexed) her: she saw something flickered in Vivien's eyes..



and poof, her mood changed.



"Sorry po Sir, Barbs!" bumalik sya sa jolly and Vivien-like manner nya. Sa sobrang bilis nun di nya alam kung imagination o totoo ang nakita nya.



Di naman natinag si Lean. Masyado syang nagulat na nandun si Vivien.. at nahuli pa sya nito na yakap si Barbs. Gusto nyang sipain ang sarili, bakit ba nya sinabi yon? He sounded too defensive, lalo na wala naman syang dapat depensahan.



Wala nga ba?



"Nandito ka pa pala, Viv," nakisakay na rin si Barbs. Isa sa mahinang points nya to, ang awkward scenes. "Akala ko umuwi ka na."



Pumunta naman si Vivien sa upuan nya at kinuha ang mechanical pencil nya. "I forgot this."



Bakit di napansin ng dalawa yung mechanical pencil na yun? Meant to be ba na makita ni Vivien yun? Meant to be ba talaga o sadyang.. epal lang?



Si Lean lang ang di makapagsalita sa kanilang tatlo. Nandun lang sya sa teacher's table, wa ma-say.



"Uwi ka na ba?" tanong ulit ni Barbs.



If I FallRead this story for FREE!