"tara na nga, inaantok na ko eh." aya ko sakanila.

-

dumiretso naman kami sa 7/11. snacks lang pala ililibre samin ni seungmin eh, pero salamat narin.

"uy hindi ba tayo mag-ktv? kantang-kanta na ko eh." tanong ni shani. nung isang araw pa sya nag-aaya e. share ko lang.

"sige ba. gusto nyo??" tanong samin ni seungmin. umagree naman kami nang biglang mag-ring yung phone ko.

"hello." sagot ko sa phone.

"uy nasan ka? di ka daw kasama ni—"

"hello? kuya chan?" tawag ko pa sakanya pero nag-end yung call.

peste lowbat pala phone ko.

"uy may pang-call kayo?" tanong ko sakanila. kinalkal naman nila mga bag nila, "ay chari yung phone pala namin? pinahawak sayo kanina diba?" tanong sakanya ni shani.

"luh naiwan ko yung bag na pinaglagyan nung nag-p.e tayo!" sigaw ni chari habang nagpapanic na nangangalkal sa bag nya.

"jusko sa dami ng tao kasi ba't kay chari nyo pa pinahawak." panenermon ni yunri sakanila. yan, nasermonan na naman sila kay inay yunri.

"oh ikaw, may pang-call ka?" tanong ko sakanya at agad naman syang umiling, "wala akong load kaya nga naka-airplane mode pa eh."

"eh ikaw?" tanong ko kay jisung.

"meron kaso pinahawak ko rin kay chari yung phone ko kanina." sagot nya kaya tumango nalang ako.

bahala na si kuya chan.

-

naglalakad na kami papunta sa subdivision namin. ihahatid daw muna nila ako tutal pare-pareho lang sila ng way pauwi. inabot ba naman kami ng eight ng gabi.

"shani pakopya nung sa math no?" sabi ni chari na agad namang inilingan ni shani.

"waw. sakin ka pa nangopya, galing mo." sarkastikong sagot sakanya ni shani, "seungmin pakopya ako nuh? hihi."

hihi mo to.

"ayy yunri kagroup mo si felix sa english diba?" biglang tanong ni jisung at todo simangot naman si yunri.

"felix? sino ba yun? tsk."

sinenyasan ko nalang si jisung na manahimik na. baka mamaya brokenhearted pala 'to si yunri.

"dito nalang, thank you sa paghatid." sabi ko sakanila nang makarating kami sa gate ng subdi.

"osige, ingat dyan!" bilin nila kaya tumango ako.

"kayo rin, babye."

maingay silang naglakad paalis kaya naglakad narin ako pauwi.

sa totoo lang kanina pa ko inaantok, buti nalang nag-ingay sa ktv mga kasama ko.

malapit na ko sa bahay namin nang may maaninag akong lalaki sa tapat kaya binilisan kong naglakad para tignan kung sino—

"hyunjin?" tawag ko sakanya. agad syang lumapit sakin na para bang nakahinga sya ng maluwag, "hinihintay mo ba si kuya? wala pa ba"

"ikaw hinintay ko. akala ko kung napano ka na." sagot nya na nakapagpatigil sakin at tumitig lang sa kanya, "nakalimutan mo sigurong sabay dapat tayo umuwi hehe, pero okay lang."

shete oo nga pala!

"luh, sorry nakalimutan ko nga." nakakakonsensya walangya. umiling lang sya at ngumiti.

"no, it's okay. i just came here to make sure na nakauwi ka," sabi nya pa habang nakangiti tsaka nya tinapik ang balikat ko, "una na ko pahinga ka na."

pumasok ako ng bahay at si kuya agad ang sumalubong sakin-"ang effort nya, diba?" tanong nya kaya tumango ako. maeffort naman talaga.

"pwede na ba?" dagdag nya pa na may kasamang pagtaas-baba ng kilay nya.

"what do you mean?" tanong ko. bigla nalang syang tumalikod tsaka nagsalita.

"i told you, he likes you."

sleep ➹ h.hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon