16.

786 52 19

jaena bang's

"that's all for today." sabi ni Ma'am Choi, head coordinator ng math club.

lumabas agad ako ng math room kasi nga aalis pa kami nung mga kaibigan ko. sayang rin naman yung panlilibre ni seungmin diba.

"yan na pala sya," sabi ni chari at sabay-sabay rin silang tatlo na lumapit sakin, "pa-math math club pa kasi mamamatay rin naman." dagdag nya pa sabay tawa.

"tara na nandun na daw sa gate si seungmin!! Lezgoo!!" sigaw ni shani sabay hila kay chari kaya sumunod kami ni yunri.

tahimik lang si yunri sa tabi ko habang sumasayaw ng my pace si shani at chari habang naglalakad.

iba rin trip nung dalawang yun eh.

"uy napano ka??" tanong ko kay yunri, syempre malay ko ba baka mamaya buntis pala to kaya nananahimik. dejoke lang.

"wala naman, cute lang." biro nya. oo biro yun.

"nag-away kayo ni felix no??" pang-uusisa ko.

bigla naman syang sumimangot habang nakatingin kila chari na hanggang ngayon ay sumasayaw.

"felix? sino yun?"

aywaw nagka-amnesia.

napailing nalang ako at hindi na sumagot hanggang sa makarating kami sa gate at nadatnan doon si jisung at seungmin, eh kaya naman pala ang bilis maglakad ni chari at shani.

"sus, lamporeber." napakabitter na bulong ni yunri. matindi pinagdadaanan eh no.

"saan nyo gusto pumunta??" tanong ni seungmin, "sa puso mo, yiieee." sagot ni shani. diring-diri naman mga tingin nila yunri sakanila.

buti pa ko, wala lang.

"luh parang tanga." sabat ni chari na agad naman inakbayan ni jisung, "ba't naging bitter rin 'tong bespren ko ah?" biro ni jisung sakanya.

agad naman inalis ni chari yung akbay sakanya ni jisung, "lul bespren your face!" tsaka sya naunang maglakad samin.

"arooooo, isda isda." sabat ni seungmin- "what?" inosenteng tanong nya pa nang bigyan namin sya ng what-do-you-mean look.

"anong isda isda pinagsasabi mo dyan?" tanong ni shani sakanya.

"isda isda, fishy fishy- aray! joke lang, babe." proud na sagot ni seungmin na agad rin binatukan ni shani.

sleep ➹ h.hyunjinWhere stories live. Discover now