CHAPTER 8: Courting Her III

75.9K 1.8K 71
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

"I remember the first day. . . When love just came to me. . . It was the time when I met you. . . It was love at first sight. . . When I got to know you better. . . I know for sure it's more than that I'm singing. . ."

Kanta niya habang nakangiti at ako ay nakatitig lang sa kanya na 'di pa din makapaniwala. Pero bigla akong napaisip sa kanta niya.

The first day? Its not love but hate. Its not love at first sight either. . . It was war at first sight.

Sino ba naman ang loko-lokong manghahalik ng ganun-ganun sa harap ng maraming tao? Partida't unang beses ko siya noong nakausap at nakaharap tapos ganun ang mangyayari?

"Oh girl, I love you so. . . And I will never let you go. . . 'Cause you mean everything to me. . . I just wanna let you to hold me in your arms. . . Forever I love you so. . . And I will never let you go. . . 'Cause you know? You're everything I want. . . Everything I need. . . Everything to me. . ."

Sobrang kulit niya at nakakairita siya dahil sa mga pang-aasar niya. Sobrang nakakainis siya dahil sa sira niyang utak, sa mga biglaan niyang desisyon at kakaguhan.

Napakaseloso niya. Ayaw na may kumakausap sa aking lalaki, maski nga may lumapit biglang nagagalit. 'Di ko alam kung protective lang siya or kung super possessive niya lang talaga.

Naging girlfriend niya ako kahit 'di naman kami magkakilala. I only heard rumors about him before as the Ace of our basketball team. Naipakilala na niya ako sa parents niya kahit isang araw palang kami. At ngayon nanliligaw naman siya. Lakas ata ng topak ng isang 'to, eh.

Natapos ang kanta habang ako nakatunganga parin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bukod kasi sa nakakahiya ang ginagawa niya, nakakagulat din ang boses niya. Wala sa itsura niya pero maalam pala 'tong kumanta? May Kapre palang kumakanta at nag-gigitara?

"Hoy, Dwende!" untag niya sabay pitik sa noo ko.

"Ha-haaa??" gulat na tugon ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Grabe, oo na ang ganda ng boses ng Kapre na 'to. 'Wag sana akong mainlove!!

"Oh, na-inlove ka ba sa boses ko?" biglang asar niya. Ay, 'wag na pala mahangin kasi 'tong engkanto na to, eh. Kita mo lakas makangisi, eh.

"O-oo-hala!" nanlalaking ang mata napatakip ako ng bibig dahil sa sinagot ko.

Tanga, Hazeth! Buang ka na ba!? Ano pinagsasabi mo diyan!? Sira ka na rin ba? Nahawa ka na ba ng kalokohan ng lalaki na 'to!?

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon