Papunta kami ng room nang tinawag ko si Joy. Kakausapin ko lang siya. Ayoko kasi na may nag aaway sa group namin.
"Joy!" Lumingon naman siya at halatang bad mood parin. "Rooftop." Sabi ko naman at sumunod nalang siya.
Andito kaming dalawa sa rooftop babalik lang naman kami mamaya. Kailangan ko lang talaga siya kausapin para mabawasan din ang kung anong nagpapabigat sa loob niya.
"Bakit Seulgi unnie?" Tanong niya.
"Okay ka lang? Napansin ko kanina bad mood ka tsaka iba yung pag tingin mo kay Yeri kanina. Nag away ba kayo? Alam mo naman pwede mo 'kong pagsabihan ng mga problema mo diba?" Sabi ko.
"Nagseselos ako unnie eh..." She bit her lower lip. Pinipigilan niyang umiyak. Mukhang broken 'tong isang 'to.
"Kanino naman?" Tanong ko naman.
"Kay Jungkook." Sabi niya. "Simula nang lumipat lang yung Jungkook na 'yon parang kinalimutan na 'ko. Lagi nalang silang magkasama kaya minsan wala na 'kong kausap sa classroom. Feeling ko hangin nalang 'ko dun eh." Paliwanag niya. May gusto 'ata to kay Yeri eh.
"Gusto mo si Yeri noh?" Nagulat naman siya sa tanong ko.
"H-hindi ah!" Sabi niya ng nauutal. Napaiwas naman siya ng tingi sakin. Halata siya hahaha.
"Hindi ko naman sasabihin eh. Mapagkakatiwalaan mo 'ko." Sincere kong pagkakasabi. Tumingin naman ulit si Joy sakin.
"Promise mo unnie ha?" Sabi niya. "Promise." Sabi ko at nakipag-pinky promise sakanya. "May sasabihin din ako sa 'yo. Secret lang din natin ha?" Sabi ko. Nag nod lang naman siya.
"Gusto ko ang Joohyun unnie niyo."
Para namang hindi makapaniwala ang gaga.
"Si Irene unnie? Wow lang unnie ha na-speechless ako. 'Di ako makapaniwala. All this time akala ko si Krystal unnie parin" Sabi niya na may halong pagbibiro.
Naging kami ni Krystal dati. Mag iisang taon na din kami nun kaso nung anniversary namin bigla siyang nawala. 'Di namin alam kung 'san siya pumunta. Wala ding contact ang mga kaibigan niya sakanya. Pero naka move-on naman na ako sakanya.
"Edi maniwala ka." Sabi ko kay Joy. "Saka wag mo nang i mention si Krystal. Iba yung past sa present." Paliwanang ko kaya nagtango nalang siya.
"Pero alam mo unnie nagtataka ako." Sabi niya. "Kung gusto mo nga si Irene unnie, ba't nirereto mo siya kay Taehyung?"
Napatigil ako bigla sa tanong ni Joy. Bakit nga ba?
"Siguro gusto ko lang talaga siya maging masaya. At hindi ako ang makapagbibigay nun sakanya. Saka mabait din naman si Taehyung eh." Sagot ko. Gusto ko mang makasama si Irene at mahalin, imposibleng mangyari yun.
"Tsaka imposible naman mahalin ako ng Irene unnie mo eh." Dagdag ko pa.
"Di mo naman malalaman kung di mo itatry diba?" Sabi niya habang nakangiti para i-cheer ako. Pero truth hurts eh.
"Okay lang kung hindi maging kami basta masaya siya, masaya na din ako." Sabi ko sakanya. "Tara na nga Joy ihatid na kita sa classroom mo." Grade 7 palang kasi siya while Grade 9 na kami.
"Hala anong sasabihin ko nito kay sir." Sabi niya habang namomroblema kung ano ang ipapalusot niya sa teacher niya.
"Ako bahala." At sinamahan na siya sa classroom niya.
--
"Ms. Kang, ba't ngayon ka lang? Ang haba naman ng recess mo ah." Bungad sakin ng teacher namin. Malas lang at si Mr. Lee na ang teacher namin. No hate pero siya ang pinakaayaw kong teacher.
"Ah I'm sorry sir." Sabi ko then pumunta sa upuan ko. Paupo na sana ako nang...
"Did I tell you to sit down Ms. Kang?" Nakatingin lang sakin ang mga classmates ko. Malas talaga. "Uhm, sir kakasabi mo lang." Sabi ko naman dahilan para mas lalo pang uminit ulo niya.
"MS. KANG! GET YOUR ASS OUT OF THIS ROOM! NOW!"
Patay.
•••
Helloooooooooo! Update update! Woot woot! Dejk la paring poreber. Hohohoho. Ang bilis ko nemern inspired keshe author niye eh hehehe. HAHAHAHA PABEBE AMP. Pero ayon dahil mahal ko kayo kahit wala namang nagbabasa neto, nag update ako HAHAHAHA. xoxo take care readers (kung meron man).
YOU ARE READING
Keep || Seulrene
Fanfiction"They say 'save the best for last' but it looks like I'll keep you forever" ©Aceexx
