Teambahay

4.7K 99 26
                                    

(Special tagalog imagines for #teambahay at #idealcutmanila svt concert) part 1
---

#idealcut #teambahay #1
---

2018 na. Marami ng nagbago. Tumaas ang bilihin, nag-break na kayo ni ex, sumikat si Nancy sa Pinas, otso na ang milo, pero heto ka parin, team bahay sa concert ng Seventeen this upcoming September 29.

ILANG BESES MO NG INIYAKAN ANG MGA MAHIWAGANG MGA TANONG TULAD NG: "Bakit kasi ako mahirap?" "Bakit wala akong pera?" "Bakit di ako mabigyan ng pag asa na makita sila sa personal?" "BAKIT?" "BAKIT?!"

"Bukas na ang concert," sambit mo habang humihigop ng Chuckie sa loob ng convenience store.

Malalim na ang gabi. At actually ikaw nalang ang nag iisang customer sa loob ng 7/11. Hindi  ka kasi makauwi ng bahay. Dahil kapag pumasok ka sa kwarto at makita ang posters ng mga iniidolo mo, mas sumasariwa ang katotohanang hindi ka pinalad na makapunta sa concert nila bukas. Sa mga kpop fans na katulad mo, hindi kasi uso ang salitang 'move-on'.

"Tsss. Makauwi na nga!" Sigaw mo na ikinagulat ng nag-iisang employee ng 7-11, anupat bahagya itong napautot.

~poooot!~

Ilang segundo pa kayo nagtinginan. Matapos ang tatlong kisap ng mata, naamoy mo na ang bomba. boom!

Kaya nagmadali kang lumabas habang tinatakpan ang ilong.

"Kakainis naman oh!" reklamo mo. "Kitang nag e-emo yung tao tapos..."

"Excuse me. Ahgassi, jilmun hal su issni? " (can I ask a question?)

Dahan dahan mong tinignan ang lalaking alien sa iyong pandinig.

'Teka, koreano ata to,' sabi mo sa isip habang tinatahak ng mga mata ang lalaking nakatayo sa iyong harapan.

"Naneun yeong-eoleul hal su eobsda. joesong haeyo" (I cant speak English. Im sorry).

Parang lumiwanag ang paligid!

sa isang tsansa ng isang milyong pagkakataon...NAKATAYO SA HARAPAN MO ANG LEADER NG SEVENTEEN NA SI CHOI SEUNGCHEOL!

"C-COUPS?"

Ngumiti siya nang marining mula sayo ang kaniyang pangalan!

"Neo na aneungeoya?" (Do you know me?!) Ang excited niyang tanong.

At dahil hindi ka makapaniwala at iniisip na panaginip lang ang pangyayari, napasigaw ka ng, "SEUNGCHEOL! ANAKAN MO KO!"

Pero sorry girl. Hindi ito panaginip.

To be continued...

Seventeen Imagines IIWhere stories live. Discover now