Chapter 40

210K 3.4K 1.2K
                                    

7 years later…

“Bad!”

“Aya!”

“Bad!”

Sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport ay naghahabulan ang mag-amang Clinton at Aya. Yes .. three years after nilang mag graduate ay nagpakasal sila Clinton at Venus. at eto na nga ..sa  ngayon ay meron na silang dalawang taon na anak ..

“Honey. Wag kayong magulo ni Aya.” Saway ni Venus na nag aantay sa pagdating  pagdating ng kaibigan nilang si Thunder. Ngayon kasi ang uwi ni Thunder pagkatapos ng  ilang taon nitong pag aaaral, pagma-master at pag-iinternship sa ibang bansa. Ngayon ay isa na itong Doctor katulad ng Daddy nito.

“Aya c’mon!” Twag ni Clinton sa anak nya. Akalain mo nga naman na sa lahat ng mag pipinsan ay ito pa ang unang nag asawa at nag kaanak. Katwiran nito .. ay matagal na syang nag antay sa pagsagot sa kanya ni Venus kaya naman makatwiran lang na sya ang unang ikasal.

“Bad..” sabi ni Aya na karga karga pa nya .. wala naman ibang alam na word si Aya kung hindi ‘bad’ ‘Pa’ at ‘ma’.

“Di pa ba nagtetext sayo si Thunder?” tanong ni Venus kay Clinton.

“Hindi pa .. pero parating na yun .. napaaga lang tayo dito ..” sagot ni Clinton. Matapos ang ilang taon ay natutunan na nito kung paano maging isang mabuting asawa at ama sa kanyang pamilya.

“Baby are you hungry?” tanong ni Venus sa anak na karga ni Clinton.

“Pa .. pa ..” sagot lang nito na nilalaro ang mukha ng ama.

“Boo ..” pakikipaglaro din ni Clinton.

Napapangiti na lamang si Venus sa nakikita nya .. hindi nya inaasahan na ganito ang magiging buhay nila ni Clinton .. pagkatapos mag-graduate ng college ay nag train sya sa Company ng mga Davidson .. tinulungan nyang magpalakad ang Mommy nya para mas lalo pang mapalago yun.

Twenty three na sya ng mag propose si Clinton sa kanya. Hindi na sya humindi tutal lahat naman na yata ng pangarap nya ay natupad na ..

Kung tutuusin mas lalo pa syang naging masaya ng dumating sa kanila si Aya ..

Hindi sya nagsisisi na nagkaroon sila ng anak at naikasal agad ni Clinton .. her life is now perfect because of them .. masaya sya na binigyan sya ng asawa na sobrang Hardworking .. siya na ngayon si Mrs. Venus Adam .. wala na syang mahihiling pa ..

Naging sentro ng pagmamahalan nila ni Clinton si Aya. Na sobrang kulit, bibo at likot. Sya ang bago nilang pangarap. Lahat ng magaganda sa mundo ay gusto nilang ibigay sa kanya.. sana lang ay lumaki ito ng maayos at punong puno sa pagmamahal.

“Oh ayan na pala si Thunder!” iwinagayway ni Clinton ang kaliwang kamay para makita agad sila ni Thunder. Agad naman sila nitong napansin at napangiti ng makita sila.

--

“It’s good to be back home.” Nakangiting sabi ni Thunder ng makababa ng eroplanong sinasakyan nya. Pansamantala muna syang tumigil para mapagmasdan ang bansa na matagal nyang hindi nakita ..

Tinanggal nya ang shades na suot suot nya at niluwagan  ang scarf na nakapulupot sa leeg nya .. mainit sa Pilipinas … hindi katulad sa Amerika na tag lamig ngayon.

Sa pag iikot nya ng tingin ay nagawi ang tingin nya sa babaeng naka white dress .. kapansin pansin ang mataman na pagtingin nito sa kanya .. ang nakangiti nitong mga mata .. at ang labi nyang nakahahalina .. hindi sya nagkakamali ..

“Chin ..” tawag nya at lapit sa babae ..

Pero sya namang  paglayo nito sa kanya ..

Hanggang ngayon sinusundan pa din sya ng ala ala ni Chin ..  naisip nyang baka kaluluwa na lang ito ni Chin .. na parating nakasunod sa kanya .. palagi nya itong nakikita pero hindi sa iisang damit .. madalas nya itong makita sa malayo .. nakatingin at nakangiti  sa kanya at sa tuwing tatangkain nya itong lapitan ay bigla naman itong lumalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin nya.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon