Phase 7: Cursing Argon

10 3 0
                                    

  It was a dark road, wala akong makita kundi puro puno na pareparehas ng hugis at kulay,

  Masyadong mainit ng oras nayon, kaya nag desisyon akong magpahinga muna kasama ang kabayo ko,

 
Isang puno ang aming natigilan,

"Malapitlapit narin, kakayanin natin to" sabi ko sa sarili

Napatulala ako sa di kalayuan, at sumipol,

"Kahit anong pilit mo, di yan uubra sa init ng panahon dito sa lugar nato, kahit hangin, hindi naikot dito" sagot ng isang di malamang boses, na nananggagaling sa aking likuran

"Sino ka? Lumabas ka! Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko sabay hawak sa espada, at nagtataka

"Dahan dahan lang Gem, di ako nangangagat, masyado kang tense,!" Sumagot muli sya at tumalikod ako ng dahan dahan

  Nagulat ako sa aking nakita, di ako makapaniwalang nagkakapag salita ang kabayong nasa likuran ko,

"O? Parang nakakita ka ng aswang? Di ba bago sayo makakita ng nagsaaalitang kabayo?" Sabi nito habang nakatingin sa akin ng marahan, nakangiti pa ito.

Ang creepy isiping nakikipagusap ako sa kabayo, at mas lalong creepy na makita ko syang ngumiti, nakakadiri i mean.

"Oo naman!, sana naman sinabi mo agad sakin!" Sabi ko habang nagtataka padin sa nangyayari,

"Hindi ko masabi kanina, di ako ganito kanina," sabi nitong nagpapaliwanag

"Ows? E bakit ka nagkaganyan? Niloloko mo bako?" Nagtataka kong tanong, sabay tutok sa kanya mg espada

"Easy! Easy! Diko alam, ang natatandaan kolang ay nakasakay ka sa likod ko, pagkatapos nating pumasok sa mismong Golden Route, at papalapit na sa Mountain of Argon, nakapag salita nako" nakangiti parin ito,

  Itinago kona muli ang espada, at tuluyang umupo sa damo,

"Nakakagulat yon, tao kaba? O hayop?" Nagtataka kong tanong

"Obvious ba? Na tao ako? Yes, naman tao ako!" Bulalas nito habang nakangiti parin

Isang nakakadiring eksena ang nakita ko sa mukha nya na nagpabulalas ng mga pagtayo ng aking balahibo sa katawan, ang ngiti nya bilang isang kabayo, nakakadiri.

"Ha? Kabayo ka! Kabayo!, tigil tigilan moko sa pakulo mo!" Sigaw ko at nilabas ang espada komg muli, ngunit sa mga sandalimg ito'y mahinahon na ako

"Hindi ko alam, basta nagising nalang akong buhat kita sa likod ko at nahilig ako sa pagamoy ng damo sa paligid" pagpapaliwanag nya,

"Ngunit sino ka ngaba?, hindi ka ang aking kabayo, di ikaw si selemeni, sino ka?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ko alam, wala akog maalala, ngunit ang tanging na aalala ko lamang at mayroon akong dalawang anak" sagot nito

Dahan dahan kong ibinaba ang espada ko at humarap sa kanya muli, nawala ang nakaladiring ngiti sa kanyang mukha

"Kabayo din ba sila?, sa aking palagay ay nagiinikot na ang mga eksena sa iyong utak dahil sa init" banggit kong pabiro

"Ngunit sinong mas nagiikot? Diba't ang kumakausap sa kabayo?" Natatawa nitong sabi

"Ano bang totoo?!" Sambit ko

"Simula noong umakyat ako dito sa bundok na ito, nakakita ako ng isang halaman na napaka ganda, naghahanap ako ng aangkap sa aking pinagaaralang medisina para sa malubhang sakit na  Foriusantimum Manasium (mana eating disease)  kayat nag pasya akong umakyat sa bundok na ito, ngunit hindi ko inaasahang bigla kong makasalubong ang halimaw na dragon na si argon," sabi nito

FAIGHIGH (Moonshard of Execution)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon