Baekhyun's Pov
Simula ng insidenteng yun mas dumalang ang pagkikita namin ng asawa ko. Uuwi sya na tulog ako at gigising ako ng wala na sya sa tabi ko. Alam kong may problema yung kumpanya pero pag tinatanung ko si Chanyeol parati na lang nyang sinasabi na maayos ang kumpanya. Sa totoo lang ayoko maistress dahil masama sa akin yun baka mapaano yung anak namin pero di ko maiwasan. Dahil kay Nana. Nalaman ko kayla Kyungsoo at Luhan na kinuhang model ng kumpanya si Nana para sa isang malaking project. Si Nana kasi ang gusto ng client nila para sa project na iyon. Hands on si Chanyeol sa trabaho kaya ang Ibig sabihin araw araw silang magkasama.
Iniisip ko na lang na trabaho lang yun. Pero di maalis sa isipan ko na may past sila. At siya ang dahilan bakit asawa ako ngayon ni Chanyeol. Alam ko kung gaano kamahal ni
Chanyeol si Nana pero alam kong nawala na yun nung minahal nya ako pati ang anak namin. Ramdam ko yung pagmamahal nya. May tiwala ako sa asawa ko pero sa Malanding Nana na yun wala. Kaya naprapraning ako ngayon.
"Alam ko na mag dadala na lang ako ng lunch para kay Yeol. Alam ko naman wala syang almusal kanina dahil maaga sya umalis ng bahay" at nag simula na akong mag handa ng lulutuin ko.
Pagkatapos ko magluto nag ayos na ako ng sarili pati yung mga dadalhin kong lunch para kay Chanyeol. Dinamihan ko na din ng luto para ibigay ko kay Kyungsoo, Luhan at kay Kasper. Mag papabili na lang ako ng kape mamaya para sa dating department ko nakakahiya kasi wala akong dala para sa kanila.
Hindi ko tinawagan si Chanyeol bagkus si Luhan ang tinawagan ko para tanungin kung nasa office si Yeol. Buti naman wala syang meeting kaya makakasama ko sya sa pagkain ng lunch.
Nasa elevator na ako ng may nakasabay akong delivery man. At same floor pa yata kami patungo. Baka nag order na ng pagkain si Yeol. Kailangan maunahan ko yung delivery man.
Pagpatak ng 25th floor kung saan andun yung office ng asawa ko dahan dahan akong kumatok at laking gulat ko kung sino ang nag bukas ng pinto. Walang iba kundi si Nana. Anung ginagawa nya sa opisina ni Yeol.
"Baekhyun?"gulat na sambit ni Nana.
"Ms. NANA eto na po yung order nyong pagkain." Sabi ng babae na mukhang sekretarya nya. Wala kasi yung sekretarya ni Chanyeol baka nag lunch kaya dere-deretcho lang ako. Iniabot ito kay Nana at pumasok kami sa opisina ni Chanyeol.
Pagkapasok namin nakanguod nguod yung ulo ni Chanyeol sa mga tambak na papeles na nasa lamesa nya. Di man lang nya akong naramdaman na pumasok. Hanggang sa kinalabit ko sya.
"Babe??? Anong ginagawa mo dito? Dapat nag txt ka o tumawag. " at tinigil nya yung ginagawa nya. Tumayo sya at nilapitan ako. Hinalikan nya ako at pinaupo.
"Pumunta ako dito para sana sopresahin kita. Alam kong maaga kang umalis at wala pang almusal kaya pinagluto kita ng lunch.. Katulad ng ginagawa ko sa iyo dati at gusto kitang kasabay kumaen. Pero mukhang wrong timing ako may iba kang kasalo sa pagkain. Sige na uuwi na ko. Kumain na kayo." sabay tingin kung nasaan si Nana habang hinahanda yung inorder nyang pagkain.
Patayo na ako mula sa kinauupuan ko ng pigilan nya ako.
"Dito ka lang wag kang tatayo.." Ma awtoridad nyang utos sa akin at nilapitan si Nana. Malayo sila sa kinaupuan ko kaya di ko naririnig yung pinagusapan nila pero parang nag tatalo sila. Maya maya lumapit sa akin si Nana at parang galit. Tumayo ako at may binulong si Nana sa akin.
"Enjoy your lunch with your husband baka eto na ung huling lunch na magkasama kayo." Sabay tawa pang kontrabida.
Teka ano ung ibig sabihin nun?? Lumabas sya at sya namang lapit sa akin ni Chanyeol.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
