2: Dumb Sister

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya hayun, pinapili sila ng mga magulang nila kung gusto nilang mag-celebrate ng simpleng party. Kung ayaw daw nila, hahatiin na lang sa kanilang magkapatid ang budget na fifty thousand pesos. Since he hated parties, he chose to take the money instead and he knew Ruma could still organize an impressive birthday bash with twenty five thousand pesos.

"Your mom and I feel bad for Ruma since we know that your sister wanted to have a grand debut party," sabi ng daddy niya sa malungkot na boses. "Gusto sana naming ibigay sa kapatid mo ang pangarap niyang party pero kailangan nating magtipid ngayon."

"Dad, Ruma won't die if she doesn't get her dream debut. And if she acts up..." Tinaas niya ang kamao niya. "I'll hit her and knock some sense into her stupid head."

Hindi niya masasabing mahirap sila pero hindi rin sila mayaman. Nasa average lang siguro ang pamilya nila at komportable naman ang buhay nila. Sa isang private school pa nga sila nag-aaral ng kakambal niya, eh. Assistant Branch Manager ang daddy nila sa isang malaking bangko sa Manila na hindi naman gano'n kalayo sa Bulacan kung saan sila nakatira.

Malaki naman ang kinikita ng kanilang ama pero sinusuportahan nito ang mga magulang nito kaya hindi sila puwedeng maglustay ng pera sa mga bagay na hindi naman gano'n kaimportante.

"Plus, we'll be college students next year," dagdag ni Rabi. "Parehong expensive university ang gusto naming pasukan kaya wala siyang karapatang mag-inarte ngayon."

"You should seriously stop hitting your sister," natatawa pero iiling-iling na sabi ng daddy niya. "Hindi na kayo mga bata, Rabi."

"Ruma still acts like a third grader so it doesn't make me feel bad when I hit her."

Lalo lang natawa ang daddy niya. "Do it in moderation if you don't want your sister to hate you, son. Anyway, kung tapos ka nang kumain, sunduin mo na ang kapatid mo para maihatid ko na kayo. Kailangan ko ring umalis ng maaga para hindi ako maipit sa traffic."

7AM ang pasok nila ni Ruma sa school at 9AM naman ang pasok ng daddy nila sa office. Pero umaalis na ito ng gano'n kaaga dahil kailangang nasa bangko na ito ng 8:30AM.

"Okay, Dad," sagot niya, saka siya tumayo dahil ang daddy niya ang nakatoka ngayon sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan. Our family is organized this way.

Dumeretso siya sa second floor kung nasa'n ang kuwarto nilang kambal. Pumasok siya sa bedroom niya at naglakad papunta sa adjacent door para sumilip sa peephole. Pero sa pagkainis niya, tinakpan na nito ng papel na may drawing ng laughing emoji ang butas.

This brat really does annoying things.

Dinukot niya mula sa bulsa ng chinos niya ang mga duplicate keys ng bahay nila, saka niya pinili ang susi ng adjacent door para buksan iyon.

"Ruma, Dad said we have to..." Natigilan si Rabi sa naabutan niyang eksena: si Ruma na nakasuot ng puting sando at plaid skirt na parte ng school uniform nito, nakaupo sa harap ng study table nito at may kaharap na salamin habang nakataas ang isang braso. She was in the middle of plucking her underarm hair using tweezers. Pero hindi na siya nagulat dahil hindi naman 'yon ang unang beses na nakita niya ang kakambal na ginagawa 'yon. "Alam mong hindi puwedeng ma-late si Daddy, 'tapos ngayon ka pa talaga nagbunot ng buhok sa kili-kili?" Tinuro niya ang pinagkainan nitong plato sa mesa. "At ano 'yan? Tingin mo ba, maglalakad mag-isa 'yang pinggan mo papunta sa lababo? Naghuhugas na kaya si Daddy."

"Shut up, Rabi," iritadong saway sa kanya ni Ruma, saka nito pinagpatuloy ang pagbubunot ng buhok sa kili-kili nito. "Saka matatapos na ko. Ako na lang ang maghuhugas ng plato ko mamaya. Just leave me alone for now."

Sumandal siya sa doorframe at humalukipkip. "No, I'll stay here. Hindi mo bibilisan ang pagkilos kung iiwan ka dito. Kaya babantayan na lang muna kita."

"Suit yourself, baby brother."

He just rolled his eyes at her. Pero dahil ayaw naman niyang titigan ang kili-kili ng kapatid niya, nilibot na lang niya ang paningin sa kuwarto nito.

Messy, as usual.

Pastel colored ang dingding ng bedroom ng kakambal niya, gano'n din ang mga furniture nito mula sa rose pink bedsheet at curtains nito. Plus, her room smelled sweet.

She still has those posters, huh?

Nakadikit sa dingding ang poster-sized picture ng dream "galaxy dress" nito. According to one of his sister's rant before, the dress was supposed to glow in the dark. Anyway, sa tabi naman ng pangarap nitong damit ay nakadikit ang picture ng villa na gusto nitong rentahan para sa theme nitong night swimming party. Mahilig kasing mag-swimming ang kakambal niya at si Ariel din ang paborito nitong fairy-tale princess.

The Disney version, just to be clear.

Obvious naman 'yon dahil merong malaking Ariel doll sa kama ng kapatid niya.

Argh, even her bed looks so untidy.

May mga libro at printed hand-outs na nakakalat sa kama ng babae pero kahit hindi pa niya nababasa ang title ng mga iyon, sigurado siyang hindi academic books ang mga 'yon dahil wala itong kahilig-hilig sa pag-aaral. At tama naman ang iniisip niya.

How to Write Romance Novels... Basic Guide to Writing Scripts... Steps to Hook Readers...

Hindi na siya nagtaka. Nasa HUMSS Strand si Ruma at sa pagkakaalala niya ay may Creative Writing subject ito ngayong semester. He was in the STEM Strand but he was still updated with her sister's activities since she told him her schedule when the classes began.

"I'm done," masiglang deklara ni Ruma, saka ito tumayo para kunin ang naka-hanger na white blouse nito sa dingding. Pagkatapos, sinuot na nito ang uniform nito at mabilis na kinabit ang mga butones. Sunod naman ay ang red ribbon na parte din ng uniporme nito. Mukha namang handa na ito dahil suot na nito ang pares ng white high socks at black shoes nito. "I just need to style my hair–"

"No," kontra ni Rabi sa istriktong boses. "We're running late. If you don't hurry up, Dad will be late, too."

"Fine," naka-pout na sagot nito, saka kinuha ang backpack nito sa ilalim ng study table nito. Pagkatapos, naglakad ito palapit sa kanya. "Rabi, help me carry the boxes of cupcakes I need to deliver today. Saka 'yong isa do'n, pakibigay kay Jasper."

Kumunot agad ang noo niya nang marinig ang pangalan ng lalaki. "Bakit ako pa?"

"Because Jasper is your classmate, duh," sabi nito, saka hinawakan ang red necktie na parte ng school uniform niya. Pagkatapos, hinila na siya nito palabas ng kuwarto at hindi siya binitawan sa kabila ng reklamo niya. "Anyway, you have to wait for me after class, Rabi."

"Lagi naman kitang hinihintay since hindi ka makakauwi ng wala ako," sagot niya, saka niya inalis ang kamay nito sa necktie niya. Binigay na sa kanya ni Ruma ang allowance nito bilang bayad sa kanya kaya sumasabay ito ng uwi sa kanya para makatipid ito. Gabi pa kasi ang uwi ng daddy nila kaya nag-ko-commute lang sila pauwi. "Ano bang meron?"

To his surprise, his twin sister turned around to face him and give him one of her "signature" bright smiles. "Pumapayag na kong tapusin na ang Dazzling World. In fact, sa one week na hindi ko pagpansin sa'yo, natapos ko na 'yong script para sa last five episodes ng story. I'll send it to you later so you can start working on the illustrations."

"Oh, that's good then," relieved na sabi niya. Akala kasi niya ay matatagalan pa siya sa pagkumbinsi sa kakambal niya na tapusin na ang Dazzling World. Maybe he could tell her the reason why he was eager to end it now. "Ruma, you have to know that–"

"Kids, hurry up!"

"Okay, Daddy!" masiglang sagot ni Ruma sa pagtawag ng daddy nila, saka siya nito hinarap. "Let's talk later, Rabi. May sasabihin din ako sa'yo, eh."

"Okay," pagpayag ni Rabi. "See you after class then."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon