[37] ♕ Status

1.5K 37 7

Hana's POV

IN A RELATIONSHIP WITH HANA CURTIS.

"Hanniel!" sigaw ko at lumabas na sa kwarto ko. Nakita ko siyang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.

"Nandyan na pala girlfriend mo Hanniel." sabi ni Zane na nang-aasar. Si Zane, Zayde at Yuan lang ang nandito pero kung magtawanan sila parang isang barangay. Kainis.

"Good morning babeling."

"Babeling?!" sigaw ni Zane, Zayde at ako. Tumawa lang si Yuan.

"Babe and darling. Ayaw mo non. Unique na nga maganda pa."

"Di ko alam na ganyan ka pala mag-isip. Ang baduy bro. Kung ako sa girlfriend mo lalayasan talaga kita. Babeling HAHAHAHA. Seriously bro? HAHAHAHA." tawang-tawa silang lahat. Pero ako? Kinikilig ako. Syempre first time to na may endearment kami tapos wala pang kapareho. Shit! Meennn.

"Magsilayas nga kayo. Nakakabadtrip lang kayo eh. Go on morons!"

"Okay fine. Di na. HAHAHAHAHA. Ikaw lang pwedeng maglibre ng agahan saamin eh."

"Hindi kayo pwedeng sumama saamin." tugon ni Hanniel. "Ang yayaman niyo tapos tanging agahan wala kayong pambili."

"Hayaan mo na. Magluto nalang tayo dito."

"Noooo!" sigaw ni Hanniel. Inirapan ko lang ito. Kalalaking tao ang hilig sumigaw.

"Yes. Pero bakit mo ba sinagot si Hanniel para kang anghel tapos siya kabaliktaran sa ugali mo." sabi ni Zayde.

"Zaydeeeee! " sigaw ni Hanniel. Halos mapuno ng tawanan ang bahay namin. Hinahabol ni Hanniel si Zayde. Ays. Ang bilis talaga niyang mapikon.

"Hayaan mo na sila. Magluto na tayo?" sabi ni Zane. Pero parang walang pakealam si Yuan sa nangyayari sa paligid niya. Patuloy lang itong nagbabasa.

"Paano si Yuan? Dyan lang siya?" tanong ko.

"Hayss. Walang ginagawa yan kundi ang magbasa. Kaya wag kang mag-alala di yan makakaramdan ng boring na paligid. Basta't bigyan mo lang yan ng babasahin wala na siyang problema."

"Okay. Tara na nga." sabi ko sakanya. Sumunod lang naman siya saakin. Nakarating kami sa kusina. May alam naman pala siya sa pagluluto.

"Marunong ka naman pala magluto eh." sabi ko. Base kasi sa kung paano siya maghiwa at sa mga recipes, alam na alam niya.

"Oh yeah. Sadyang tamad lang ako. Kaya mas gugustuhin ko nalang na kumain sa mga bogok kong kaibigan."

"Pero di ka tinatamad na magdrive?"

"Mas gusto kong magdrive kaysa magluto. Sinabi nga ni Mom noon na sa panahon na umulan daw ng katamaran ako daw ang sumalo lahat."

"HAHAHAHA. Mukha nga."

"Hoy! Zane. Mapapatay talaga kita! Hayop ka! Distansya naman kong ayaw mong may mawala sa parte ng katawan mo. " sigaw ni Hanniel. Mukhang tapos niya ng habulin si Zayde. Parang mga bata talaga. Childish. Immature. HAHAHAHA.

"Ays. Hanniel the one. Ikaw lang ang gusto ng babeling mo eh. Wait---Ikaw nga ba?" ays. Inaasara talaga nila sa Hanniel. At si Hanniel naman pikon na pikon.

"Ako kaya gusto niya, dba Hana?" pagkomperma ni Hanniel.

"Wait! Pero sino si Tra---" hindi pinatapos ni Hanniel ang sasabihin ni Zane dahil binato ito ng maliit na chopping board. Nakailag naman si Zane.

"Tama na nga yan. Si Hanniel naman talaga ang gusto to ko eh. Si Travis? Sows. Naging crush ko lang yon noong high school ako. Parte lang yon ng buhay ng isang mag-aaral." paliwanag ko. Mukhang nasiyahan naman si Hanniel sa sinabi ko. Lol.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!