Chapter 76

18K 234 12
                                                  

Inumpisahan ko ang college life ko na may simangot sa mukha. Tuwing gabi, napapaisip ako kung talaga bang seryoso tong mga nangyayari. Alam kong buwan pa lang yung nararamdaman ko para sa kanya, pero kapag iniisip ko yung mga araw simula third year high school, pakiramdam ko taon na kami.

Bakit ganon?

Break time namin ni Kaycee. Magkablock kasi kami kaya halos parehas lang yung sched namin ng mga educ subjects. Nga lang dahil math major ako at SPED major siya, may mga subjects kaming hindi kami magkaklase.

"Kai . . . Hindi ko na alam kung anong sasabihin . . . "

Kakatapos ko lang i-kwento yung

mga nangyari sa amin ni Aiden. Kahit si Kaycee, hindi makapaniwala. Naluluha ako pero sinusubukan kong hindi umiyak.

"Kapag feeling ko naiiyak ako, nageexhale ako ng sobrang lalim tapos nakikinig ako ng mga pangrakrakan na tugtog tapos saka ako magsasasayaw na parang ewan."

Napatingin ako kay Kaycee na parang may gumagambala din sa kanya.

"Bakit?"
"W—wala. Kasi dapat . . . Dapat nasabi na to sa 'kin ni Dylan if ever. Hindi ko lang alam kung bakit—"
"Yo!"

Nagulat kaming dalawa nung biglang sumulpot si Yohann sa harap namin. Sira ulo to! Talaga bang may mga taong bad timing lang talaga?

"Wala ka ng klase?"
"May dalawa pa ako. Break time ko lang. Kayo?"
"Pag minalas nga naman magkakasabay pa tayo ng break."
"Eh di ayos! Magkakasama tayo!"
"Kamusta first class?"
"Oks lang. Kainis kasi. Dapat sabay-sabay tayong magplano ng mga kukuning Educ subjects next sem!"
"Mahirap kasi simula next sem mag lalagay na ako ng minor."
"Psh. Kaya yan! Diba, Kaycee?"

Kinindatan niya si Kaycee. Si Kaycee naman, natameme. ERMAHGERSH. Type kaya nitong si Kaycee si Yohann?! Oh no. Kailangan ngayon pa lang ilayo ko na tong si Kaycee dito.

"Hoi tigil-tigilan mo yang kaharutan mo ah. Nahaharass si Kaycee!"
"Bakit, selos ka?"
"W—wow! Tumigil ka Yohann!"

Tapos biglang sumikip yung dibdib ko.

Kung paano umakto si Yohann ngayon, ganon din umakto si Aiden sa akin noon. Putek, bakit ba lagi ko na lang siya naaalala?

Wala na kami, diba?

"Ui! Tulala ka ata?"
"W—wala. May naalala lang ako."
"Sino, yung ex mo?"
"Wag ka naman ganyan. Mahirap para kay Kai yung mga nangyayari."

Nagkaroon ako ng motherly feeling at napayakap ako kay Kaycee. Ang cute cute kasi nitong batang to. I mean, mukha talaga siyang bata at ang inosente pa niya mag-isip. Kaya nung napasabi talaga siya ng ganon kay Yohann, proud na proud ako.

"Ang cute cute cute mo Kaycee!"
"H—ha? Bakit, anong ginawa ko?"
"Tss. Nagpapakahirap kasi meron naman sa paligid."

Tumingin ako kay Yohann ng masama. Una sa lahat, hindi pa ako nakakapagmove on tapos maghahanap na ako kaagad? Di ako haliparot no!

Pangalawa, ayoko na. Gusto ko na lang mamuhay na parang isang turtle na nagtatago sa shell, manhid sa lahat ng panang binabato ni kupido.

"Wala akong balak. Mamatay na lahat ng lalaki sa mundo."
"Kahit si Jake?"
"Except sa mga mahal ko sa buhay."
"Eh ako?"
"Alam mo ikaw, kailan ka lang sumulpot sa buhay ko okay? Di pa tayo close, at wag kang magfeeling! Halika na nga Kaycee! Dun tayo sa ibang lugar."

Hinila ko si Kaycee tapos nagulat na lang ako nang biglang napahawak si Yohann sa kamay ni Kaycee. Err, may kaagaw pa ako sa kaisa-isang kasama ko sa college na to.

Siya at Kami (Siya Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon