Ang Huling Regla

77K 3.7K 1.7K
                                                  

Bumili kami sa panaderya ni Li, yung crush ko ever since nalaman ko ang salitang crush. Nga lang, hindi niya alam na crush ko siya kasi nga takot ako masira yung pagkakaibigan namin. The usual story.

Ganon naman talaga yun diba? Maraming takot mag take ng risk, at isa na ako doon.

"Manang limang nga po nito at saka napkin po, yung modess. Lima din po." Sabay turo dun sa favorite kong tinapay.

"Ako din manang, lima. Hindi po yung napkin, yung tinapay lang. Hiwalay po kami ng plastic ah."

Hanggang ganito na nga lang kami talaga ano? Wala. Walang asenso.

"Oi Reg, tulala ka dyan?"

That time, naka isa na akong kain nung tinapay. "Malapit na ata akong magkaroon eh." 

"So kung malapit na ikaw mag mens tumutulala ka?" 

"Tanga hindi. Binibilang ko sa utak ko. Regular kasi ako sa 28-29 days. Iniisip ko kung kailan ako susunod na magkakaroon." 

"Daming kawirdohan na nangyayari sa mga babae." 

"Oo. Tulad ng may lalabas na dugo at tao sa keplerets namin. Pasalamat kayo! Pero pag kumidlat at maghimala na sa maliit na butas ng tootsie roll niyo lalabas ang dugo at ang bata--" 

"Malamang walang tao sa mundo! Mamatay kami pag may lumabas na bata sa--putek Reg! Tigil-tigilan mo yan. Kumain ka na!"

Naniniwala ako sa kasabihan na studies first before love life. Kaya nga naging cum laude pa ako diba? Hindi naman nauubos ang lalaki--

Weh sinong niloko ko?! Nauubos na nga ang mga lalaking nagmamahal ng babae! Yung mga lalaking nagmamahal pa kaya ng tunay? Natural, nagkakaubusan na!

Whatever. Kung gusto ni Lord na maging dalaga ako forever, so be it.

Pero Lord, wag naman po sana. Kahit si Li lang po.

"Joke lang. Graduation na kasi bukas."

At sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba masaya ako o malungkot ako na sa araw bago ang graduation ay si Li ang kasama ko.

"O ano naman?" 

"Wala lang."

Tigang ba siya? Natural matatapos na ang college tapos di ko pa rin masabi na gusto ko siya? Pagkatapos kong magfeeling close sa kanya first year high school pa lang-wala. Ituturing lang niya akong best friend.

Isang malupit na friend, at best pa.

Although ako lang naman ang nag-assume na best friend nga niya ako. See! Pati sa pagiging best friend assumera na rin ako.

Eh anong tawag mo sa amin? Laging magkasama mag-jamming, gumawa ng project, mag computer para maglaro, umuwi... Nag la-'Labyu!' sa text...

Friends?!

Friends niya mukha niya! Kahit man lang pwesto sa best friend angkinin ko na no!

"Paano nga ba ulit tayo naging close?" 

"Di ko na alam. Oo nga no, bat nga kaya?"

See! Hindi nga niya maalala na naging close kami dahil groupmates kami sa Gen. Sci. nung first year high school tapos ako lagi yung nagpapahiram ng notebook sa kanya para may notes!

Paraparaan ang pagkakataon. Lalala. High school blues.

"Basta alam ko di tayo naging magkaklase nung second at third year, pero sayo parin ako humihiram ng notebook." 

"Oo, napakaresponsable mo kasi eh no."

Tumawa siya, tapos tumulala ulit ako. Dahil sa pagiging tulala ko, di ko narealize na dalawa't kalahating tinapay na lang ang natitira.

Ang Huling ReglaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon