07.

1.3K 51 81

hwang hyunjin's

"ang bagal mo kumilos kahit kailan." dinig kong sermon ni chan hyung kay jaena. pake nya ba kung mabagal kumilos? masyadong nangingialam ng personal na buhay.

"ikaw na nga lang nang-iistorbo eh." nakasimangot na sagot sakanya ni jaena. yan kasi chan hyung, hehe.

uwian na namin bilang half-day lang ang classes today. kaya naman pala nag-aya ng galaan si chan hyung kaso di sya pinansin ng mga gwapo naming kaibigan kasi di sya kasing-gwapo ko.

nag-aayos pa ako kunwari ng gamit ko pero ang totoo pinapanood ko lang si jaena mula sa pwesto ko.

"tara na." aya ulit ni chan hyung nang matapos mag-ligpit ng gamit si jaena.

hahabol na sana ako nang lingonin ako ni jaena-

"uy sasama ka, diba?" tanong nya kaya nilingon din ako ni chan hyung.

kenekeleg ako hooy hehehehe dejoke. ang bakla naman.

hyunjin umayos ka hoy, straight ka boy.

"ah, oo hehe." sagot ko tsaka na sumabay sa kanila sa paglalakad.

tahimik lang kaming tatlo palabas ng school. aasa pa ba akong unang magsasalita si jaena eh kahit sa recitation walang kibo yan.

"bakit pala kasama ka?" tanong sakin ni chan hyung nang malapit na kami sa gate ng school. malamang inaya ako ni jaena- sige assume pa.

"kami kaya una mong inaya, wag ka." pagsusungit ko sakanya pero nangiti ako nang malingon ako sa kanan ko, si jaena, na ngayo'y palapit na sa cotton candy vendor.

"loko mukha kang tanga dyan sa ngiti mo, pre." iiling-iling na sabi ni chan hyung sabay tapik sa balikat ko tsaka nya nilapitan si jaena.

"sa gwapong ngiti kong 'to? tanga? hays." bulong ko habang nakaturo sa mukha ko.

pagkatapos bumili ni jaena ng cotton candy ay dumiretso kami sa mall. pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng naglilibot rin, hirap talaga ng gwapo. nginingitian nila ko kaya ngumingiti rin ako. di naman ako snobber eh tsaka schoolmate namin kaya, ayun share ko lang.

"hi hyunjin! pwede po papicture? dare lang sakin hihi." tanong nung estudyanteng schoolmate namin. ahead kami ng one year dito, i think.

"sure." sagot ko.

mabilis nya naman inabot yung camera sa kasama nya para picturan kami.

sleep ➹ h.hyunjinWhere stories live. Discover now