#Station 9 - Part One

259 28 3
                                    

--

#Station 9 - Saranghae Tuesday

--

“Lilian bumangon ka na”

“Bakit nay?”

“Basta.”

“Eh maaga pa!”

“Edi wag kung ayaw mo!”

Maaga pa kasi, wala naman pasok ngayon eh?  Bakit? Ewan ko. Holiday daw sa school sabi ng author! May nairinig ako na ingay sa baba. Malaking boses. Napadilat ang mga inaantok kong mata at gumising ang natutulog kong diwa.

“Oh. Asan na yung anak mo?”

WAAAAAAA. Nananaginip ba ako?

Agad-agad ako bumangon sa kama at sumilip mula sa hagdan. Oo! Siya nga! YEYYYYYYYY!!!!

“Paaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!! Miss na miss na kita!!!!”

Sabay super hug kay papa. Sa ina, nanay tawag tas sa ama papa eh no? Unfair ba? Hindi kasi ganito yun. Lumaki ako na tawag sa kanilang dalawa mommy and daddy.. Masyado pa akong bata ng mga panahon na yun, kaya naman hindi ko pa alam ang mga nangyayari. Ang bukod tanging explanation na ibinigay nila saken eh, kailangan daw ni papa umalis ng bansa at tawagin ko daw siya ng papa simula ngayon.. Si nanay naman dahil maiiwan siya dito sa pinas kasama ko, tawagin ko raw siya na nanay.

“Pa sobrang miss na miss po kita!”

“Kamusta ang baby ko? Naging goodgirl ka ba?”

“Pa, hindi na po ako baby”

Kumain kami ng lunch kasama si papa, kyaaaaaa. Sobrang saya ko. Habang nasa kusina si mama at naghuhugas ng pinggan, niyakap ko siya habang nakatalikod siya.

“Hoy! Ano ka ba? Mababasa ka. Mainit”

“Eeeeeh.. Nay sorry pala ha?”

“Anong sorry? Natatakot ka na baka isumbong kita sa papa mo kaya ka nagsosorry?”

“Hindi po.” Sagot ko

[Silence]

“Pasaway kasi ako eh”

Hindi na umiimik sakin si nanay

“Napag-isip isip ko po ng makita ko po muli si papa na sobrang tagal na po pala yung panahon na lumipas since nakita ko siya at nakasama. Pumasok din po sa isip ko yung tagal na po ninyong nag-aalaga sakin mag-isa habang wala po si papa. Salamat po”

“Madrama ka. Umalis ka nga diyan at baka mabasa ka pa! Basa na rin ako ng pawis kakayakap mo”

“Woooh. Kinikilig ka lang eh?”

“Pasaway ka talaga! Hindi ka aalis? Sasabunan ko itong kamay mo”

“Opo na eto aalis na.”

Allergic sa drama si nanay. Sighed.

Madali akong umakyat sa itaas ng iniabot sakin ni papa yung regalo niya. YEAH!! LAPTOP! Sa wakas makakapag-facebook na rin ako. Kailangan ko pa kasi magrent para lang makapag-online kasi sira na ung pc namin dito sa bahay.

Message Sent

[Tuesday ano facebook mo? I miss you]

Speaking of drew. Hindi niya ako tinext ngayong araw na umalis na ba siya or what. Geez, hindi niya yata ako namimiss.

Sixteen days with MR. LRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon