NOTE: binago ko na dito ang spelling ng LOUISE nina Adrian at Andy! LOUIS na sya. Kakabagabag eh. Lahat ng tinanong ko sabi pang-gurl daw ung may 'E'! ampff T.T

- - - -

x40: Father Material (part2~)

[ADRIAN's PoV]

"PAPA! PAPAAA!" malakas na sigaw ni Andy habang kumakaway sa kabilang side nitong kalsada.

Ang wagas lang nya makasigaw nang makita nya kong dumating. Parang di sya galing sa sakit ah.

"PAPAAA!" sigaw nya ulit sabay takbo papunta sakin!

"T-TEKA ANDY! WAG KA TUMAKBO!" sigaw ko naman.

MAY SASAKYANG MABILIS NA DADAAN EH!

"ANDY! WAG!" tatakbo ako papunta sakanya pero yung mga paa ko! Bakit ayaw gumalaw?!

Binalikan ko ng tingin ang anak ko. PERO NAKAHINTO NA SYA SA GITNA NG KALSADA HABANG YUNG SASAKYAN, PAPALAPIT NA SAKANYA!

Argh! Di toh pwede! Kailangan may gawin ako!

"A-ANDY!!" ayaw pa rin gumalaw ng mga paa ko pero pinilit ko. Ugh! GUMALAW KA! ANG ANAK KO! KAILANGAN KO SYA ILIGTAS! ARGHH--

*BAGH!!*

"A-ARAY.." napahawak ako sa noo ko.

Nahulog kasi ako mula dito sa sofa habang natutulog ako at sakto.. una mukha ko nang mahulog ako.

Tsk. >___

Sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko. Antok pa ko eh at ang sakit pa ng mga mata ko.

Then inikot ko ang tingin ko dito sa bahay. Ang gulo lang..

Nandito kasi ako sa bahay namin sa Bulacan. Dito sa una naming bahay kung saan..alam nyo na..maraming nangyari.

Ay.. Anong oras na ba?

Chineck ko ang cellphone ko. Pero nakapatay nga pala toh. Tsk. Si Ate Hazel kasi. Wagas lang makabulabog sa text at tawag kaninang madaling araw para lang ipagmayabang na may bagong trabaho na sya.

Malamang finlood ako ng text nun nang di na nya ko makontak. Ayoko pa magbasa ng mga kalokahan nya kaya iniwan ko na lang yung cellphone sa ibabaw ng center table nang di yun ino-on.

Nagpunta kong kusina para maghilamos at kumain ng chichiryang binili ko sa convenience store kaninang umaga.

Mga 8AM pa ko nandito eh. Pagdating ko nilinis ko muna yung sala na puro alikabok tapos natulog ako.

Ngayon, sa tingin ko.. 1 or 2PM na. Yung sinag kasi ng araw sa labas oh.

Matapos ko kumain, umakyat ako sa kwarto ko dati na nasa 2nd floor.

Doon, pumasok ako't umupo sa kama ko.

Di ko maiwasang mapangiti.

Dito kasi yun eh.. DITO MISMO. Hehe.

Tss. Makapag-ayos na nga muna.

Nagpagpag ako para maalis ang mga alikabok sa paligid. Inusog ko rin yung ilang muebles papuntang gitna at naglatag ng mga lumang dyaryo sa sa sahig. Tapos bumaba ako ulit para naman kunin ang dalawang lata ng pintura sa kotse ko.

Tama. Magpipintura ko. Papalitan ko ng kulay itong kwarto ko. From dirty white, gagawin ko itong blue tulad ng gusto ng anak ko.

Di na ko nagpalit ng dami. Diretso pintura na ko.

Sa ngayon, ito muna ang gagawin kong pagbabago sa bahay na toh. Tsaka na yung iba, tulad ng sa sala at sa kusina. Ginagawan ko pa ng plano ang mga yun eh.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!