Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi

922K 29K 17.3K

Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi

Charm Academy: The Day of Capture


"Siguro naman magtitino ka na."

Kaharap ni Sir Chase si Jett na nakaupo sa isang hospital bed. Nakabenda ang kalahati ng kanang braso nito at puno ng galos ang iba pang bahagi ng katawan.

"Kapag sinabi namin sa kanya ang mga ginawa mo nitong mga nakaraang araw siguradong hindi siya matutuwa."

Jett scowled. Hindi siya naniniwala sa ano mang sinasabi ni Sir Chase. Ni hindi nila magawang makipag komunikasyon kay Ariela.

"Hwag mo akong tingnan ng ganyan. Katatawag lang namin kanina sa kanya."

Natigilan si Jett at nawala ang mapang asar na expression sa mukha nito. Tila ba nagdadalawang isip ito na magsalita.

"Kamusta na siya?" tanong niya. Napangiti si Sir Chase.

"Maayos siya. Hindi siya pinapabayaan sa lugar na tinutuluyan niya. Isa pa, hindi kailangang magalala sa kaligtasan niya dahil nandoon si Leon."

Agad kumunot ang noo ni Jett. "Leon?" he asked in distaste. "Yung kuryente ang kapangyarihan."

"Kilala mo nga pala siya. Nakasama mo na din siya sa training, tama ba ako?" tanong ni Sir Chase.

Nag tss lang si Jett pero halata ang inis sa mga mata nito. Maya maya nakarinig sila ng katok sa pinto. Pumasok sa loob ng kwarto si Snow at Collin.

"Mabuti naman nandito na kayo." bati ni Sir Chase sa dalawa.

Napatingin si Snow kay Jett saka sumimangot. "Mabuti naman yan lang ang inabot mo. You almost set our whole school building on fire you know that?" she pointed out.

Sir Chase cleared his throat. "Ngayong nandito na kayo, siguro naman pwede na akong magsalita?" nakangiting tanong niya.

Snow rolled her eyes at Jett's direction then nodded. "Sure, Sir. Bakit niyo ba kami pinatawag?"

"Nakausap namin si Ariela kanina lang." sagot ni Sir Chase.

Snow opens her mouth in shock. "What? Bakit hindi niyo sinabi sa akin. I wanted to talk to her too."

"I'm afraid you can't do that. For now."

Nagkatinginan si Snow at Collin. Pati si Jett naging interesado na din sa pinaguusapan.

"Nagkataon kasi na may Festival na nagaganap sa Mirandi kaya nakausap namin si Ariela." sabi ni Sir Chase sa seryosong tono.

"How about the last part of your sentence?" Hindi maitago ang pagkainip sa boses ni Snow. "For now? Does it mean we still have a chance to talk to her?"

"That is what I'm pointing out Miss Edwards." Sir Chase answers calmly. "Bibigyan ko kayo ng chance na makita siya."

Bigla siyang napatingin kay Jett. "But this thing requires a great deal of discipline." Sir Chase paused.

"Because it's a formal event."






Ariela's POV

Isang buntong hininga ang lumabas sa bibig ko nang ibinaba ko ang telepono sa mesa. Masaya ako na may nakausap mula sa Academy. Masaya akong marinig na maayos lang ang kalagayan nila at alam na nila ang totoong nangyari.

Pero noong kamustahin ko si Jett nasabi sa akin ni Sir Chase na nasa hospital wing ito. Hindi ko mapigilang magalala. Ano nanaman bang nangyari sa kanya at nandoon siya?

Tinanong ko si Sir Chase pero hindi na ito sumagot pa. Hindi ko tuloy maiwasang manghula ng pwedeng nangyari at kung ano ang totoong kalagayan niya.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!