Chanyeol's Pov
Pagkauwi namin ni Baekhyun galing sa k anila naging mas busy ako sa kumpanya. Medyo nagkakaproblema ngayon dito. Hindi ko na pinapasok si Baekhyun baka mastress ng sobra,makakasama kay little peanut yun. Kaya sa bahay na lang sya. 5mos na syang buntis may kalakihan yung tyan nya. Pero palaging nag dadala ng lunch dito sa opisina si Baekhyun at sabay kaming kumakaen.
Napaka asikaso nyang asawa. Paguwi ko ng bahay lagi nya akong sinasalubong na may ngiti sa mga labi. Nakahanda na yung paligo ko at damit ko pag matutulog na o pag papasok sa opisina. Sya din nagluluto ng pagkain ko. Kahit na hirap na hirap sya dahil malaki na yung tyan nya. At pag nalalate ako ng uwi hinihintay nya ako sa sala. Katulad ngayon alas dose na ng madaling araw pero ngayon palang ako makakauwi. Marami akong meetings na pinuntahan at marami akong papers na tinatapos kaya ginabi na ako. Pag dating ko sa bahay nakita kong mahimbing na natutulog sa sofa si Baekhyun. Kaya nilapitan ko sya at lumuhod para makita yung mukha nya.
"Aigoo ang asawa ko... Ang cute cute mo." Hinaplos ko din yung tyan nya at dun sya nagising.
"Andto ka na pala. Kumaen ka na?" Bumangon sya at hinalikan ko sya sa labi.
"Hindi pa."
"Teka iinet ko muna ung pagkain mo. " tumayo sya at nagpunta ng kusina. Sumunod naman ako sa kanya. Habang nagsasandok sya niyakap ko sya sa likod at hinaplos yung tyan nya.
"Kamusta ka naman babe? Si little peanut kamusta?"
"Eto ok naman ako medyo sumasakit lang yung likod ko kasi nga medyo lumalaki na si little peanut. Napaka hyper ng anak mo. Palaging sumisipa gusto na yatang lumabas. Excited na sya." Humiwalay sya sa pagkakayakap at hinila nya ako paupo sa upuan sa may lamesa at nilapag yung sinandok nya.
"Little peanut wag mong pahirapan si Papa Baekhyun mo ah. " habang hinahaplos ko yung tyan nya bigla nalang gumalaw si Little Peanut.
"Magiging good boy na daw sya daddy. Kaya sumipa sya. " sabay halik sa tyan ko.
"Ikaw babe kamusta? Mukhang madami kang ginagawa ah."
Naguusap kami habang naghahanda sya ng pagkain ko.
"Ayun may problema sa kumpanya. Pero alam ko maayos ko din to. "
"Alam ko naman yun eh. Ikaw pa eh ang galing galing mo."
Pagkataposk ko kumaen dumeretcho na kami sa kwarto namin,nagpalit na ko ng pantulog ko ganun din si Baekhyun. Papatulog na kami ng may nagtxt sa akin.
Dream Paradise Cafe
Tomorrow at 5pm
See you Love ❤❤
Si Nana yung nagtxt. Andito na siya sa Pilipinas.
Baekhyun's pov
Wala na pala kaming stock ng pagkain kaya eto ako ngayon nag lilista ng mga bibilhin sa grocery. Matawagan nga si Chanyeol para malaman kung anung pagkain ang gusto nyang kainin.
"………" Ring lang ng ring ung cp ni Yeol. Baka busy or nasa meeting. Naku baka nakaistorbo ako.
Maya maya nasa grocery na ako. Di na ako nagpasama kay manang rosa madami din kasi gawain sa bahay. Kaya ako na lang mag isa. Mag papasundo na lang ako kay Chanyeol mamaya pagkatapos ko mag grocery.
"Gatas check... Mga condiments check.... Sabon panlaba at panligo check.... Mga shampoo... Mga gulay at prutas check at mga meats check.... Kumpleto na...."
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
