Kabanata 1

2.1K 60 1
                                    





Isang linggo akong hindi pumasok dahil ayokong makita si Sir Dylan. Nagdahilan akong may sakit para ma-excuse sa klase. Palagi lang akong naka kulong sa kwarto ko at panay iyak.

Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Pero syempre, hindi naman  pupwede na magkulong na lang ako dito habang buhay dahil lang sinaktan nya ang puso ko. Kailangan ko na syang harapin at ipakita na okay na ako. Kunwari hindi ako naapektuhan sa mga sinabi nya.

Sabay kaming pumasok ni Miya, syempre ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Dinamayan nya ako.

"Ms. Dalde!" tawag ng pamilyar na boses mula sa likuran namin.

OMG! Si Sir, hindi pa ako ready!

Lumapit sya sa amin.

"Good morning, Sir!" bati ni Miya.

"Hintayin na lang kita sa classroom." sabi ko kay Miya, saka tumuloy sa paglakad.

Nakasanayan ko kasing bumuntot sa kanya palagi at batiin sya. Pero hindi ko na gagawin 'yon ngayon.

Hinintay kong dumating si Miya sa classroom. Finally, nandito na sya. Nakaka boring, wala pang teacher.

"Anong sinabi nya?" pangunguna ko.

"Ah, may pinautos lang sya sa akin." sagot nya saka ibinaba ang bag. Napakunot noo ako.

"Hindi ba sya nagtanong about sa akin?" nagtataka kong tanong. Hindi man lang ba nya tatanungin kung okay na ba ako? pagkatapos ng pangyayari?

"Hindi! alam mo namang walang gusto sayo si Sir. Wag ka nang umasa, prend." suway ni Miya.

Oo nga pala, masyado lang akong feelingera.

Lumipas na naman ang ilang oras, last subject na.

Pinaupo nya kaming lahat pagkabati namin sa kanya.

"May quiz tayo today, review in five minutes." nagulat ang lahat dahil may quiz ngayon, hindi kasi nagpapasabi si Sir kung kailan magqu-quiz.

Binuklat ko ang aking notes at nagkunwaring nagbabasa.

"May parusa ang makakakuha ng 10 pababa." sabi nya habang busy sa pagrereview ang lahat.

"What?" gulat na sambit ni Miya. Mas matalino si Miya compared sa akin.

"Ano ba naman 'yan." reklamo ng isa kong kaklase.

"Pakitago na ang inyong kodigo at notes." sambit nya saka ipinasa sa harapan ang quiz paper.

Pinagpasa pasahan ito hanggang makarating sa akin.

Napakamot na lang ako sa ulo, paano ko ba 'to sasagutan?

"I'll give you all 30 minutes." dagdag pa nya. Mahaba na para sa kanya ang 30 minutes para sa 20 items.

Lumipas ang 30 minutes at puro hula lang ang sagot ko.

Nakipagpalitan ako ng papel kay Miya. Hindi ko man lang nakita ang score ko dahil pinasa ito kaagad.

"Kinakabahan ako, Naomi." kabadong sambit ni Miya.

"Wala namang nakakatakot." sabi ko saka sinamaan ng tingin si Sir.

Abala sya sa bagbabasa ng mga score namin sa harapan.

"Ms. Selvanez you got 6, stand up!" sigaw nya. Padabog akong tumayo. Wala namang bago e, palagi naman akong lowest sa classroom.

"Wow, may gana ka pang magdabog. Linisin mo ang buong room ngayon, and sa iba magsiuwi na kayo." galit nyang sambit.

Loving you is not a crime | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon