Bastard 1

20 3 0
                                        

Chapter 1

"Oh, no. Oh, no!" Was she frantic? Yes! Lakad-takbo si Savina sa magulong street para makarating sa pinag-parking-an ng kanyang sasakyan. "He saw me!"

Para siyang sinilihan sa puwet nang matitigan ni Rule. Ang lakas-lakas ng loob noong una, bandang huli ay babahag din pala ang buntot niya!

When she realized what was happening earlier, and the consequences of her would-be actions... umurong siya!

It dawned on her that she couldn't do it.

"Just because... just because you missed him!" pagalit na sita niya sa sarili. "It's not really about asking for his help! It's all about me missing that ugly face!"

Nang mahanap ang itim na Strada ay lumulan na siya roon at pinasibad ang sasakyan. At nang nasa Express Way na ay doon pa lang siya nakahinga nang maluwag.

"I came close to weeing my pants!" pagdadrama niya.
Bigla siyang napapreno nang maalala ang ginawa. Kumurap-kurap siya at inihimpil sa gilid ang sasakyan, pagkatapos ay iniuntog ang ulo sa steering wheel.

Kinapa ni Savina ang dibdib at ngumuso. "Mabilis pa rin," mahinang ungol niya.

Malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. Sa bilis ng pintig ay kinailangan niyang humugot ng malalalim na hininga. It will not happen again? Not a chance? Sino ang niloloko niya?

Pagdating talaga kay Rule, maghuhuramentado ang puso niya. Titibok nang napakabilis. At sa ilang taon nilang hindi pagkikita, alam niyang dadaganan siya ng mga emosyon. But she didn't expect it to be like this. The feeling to be so strong it was terrifying her being.

And her heart... bless it cos it's as if the bitch is in heat! Alam nito kung sino ang nagmamay-ari rito kahit na di naman niya ipinamigay.

She sighed leaning on the backrest. Napapikit siya. Why was it so hard to move on? Oo, noong maging okay siya akala niya ay naka-move on na siya. But seeing him after years of separation? Hell. It was hell.

Because what the years did to her just made herself missed him more without knowing it. At nang makita ang lalaki, doon niya lang napagtantong she was missing a big part of her life. Akala niya ay okay lang siya sa nakalipas na mga taon.

It's just that, the years without him made Savina find the Savina who was so innocent and bubbly before meeting Rule. Thinking about her old self, picking up her shattered heart and the love that was lost, made her love herself again. It took many years but it was worth it.

It was oh so worth it. Dahil ngayon alam na niya. It was to ready herself to love Rule again, with all her being.

All logical thinking were put to trash. Lahat ng pag-aakusa, lahat ng sakit na naranasan niya, itinapon lang pagkakita sa mukha at ngiti nitong nakakapanghina ng tuhod.

P*nyeta! Para lang doon?

Napailing siya. Yes. She'd do anything to win him again. She'd never cower. She'd never do what her eighteen year old self did.

Tinuktukan niya ang sarili. "Win him again? Pero nandito ako at tumakbo! Gaga!" Hindi niya tuloy nagawa ang pakay sa lalaki.

Ini-start niya ulit ang pickup para makabyahe na pauwi. Alam na hindi na makakatulog ngayong gabi, iisip na lang siya ng paraan kung paano ulit ito makikita at makakausap.

------------------

"What! Nakalaya na si Rule?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Kassidy, ito ang best friend cum co-owner niya sa flower shop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

25th Bastard (Rebel Ravens #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon