OS #10

19.3K 556 44
                                    

X.
Babae Kasi Ako

Hawak-hawak ko ngayon 'yong cellphone ko at nakangiti habang nagta-type.

To: Achy
Kakauwi ko lang, Achy. 'Wag mo kong mami-miss! 🤦‍♀️

Binaba ko muna sa kama 'yong phone ko at nagbihis.

Tawagan namin 'yong Achy. Pinagsamang name namin. Naisip kasi namin no'ng pag pinagsama 'yong name namin, Zachary. Tapos pag shinort-cut, Achy. Ginawa naming endearment.

Kaagad akong tumalon padapa sa kama no'ng tumunog 'yon.

Achy
Okay.

Nawala naman kaagad 'yong ngiti ko nang mabasa 'yong reply niya.

Kaagad ko siyang tinawagan, sinagot naman niya pagkatapos ng tatlong ring.

"Yes, Achy?" Sagot niya.

"Ba't gano'n lang 'yong reply mo?" Tanging tanong ko, hindi ko maiwasang magtonong mapait 'yon.

"Ay. Sorry, Achy. Kasi alam ko naman nang nakauwi ka kaya okay na 'ko." Paglalambing niya.

Napabuntong-hininga naman ako't napangiti ng pilit. "Sige." At pagkatapos no'n, nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari kanina.

Babae kasi ako. Mas madali akong masaktan. Kahit maliit na bagay lang na ikasasakit ng damdamin ko, masasaktan na 'ko. Mahina ako pagdating sa mahal ko.

* * *

GOOD vibes ako ngayon dahil sinundo niya 'ko kaninang umaga. Pambawi daw sa ginawa niyang pagreply kahapon.

Kinilig naman ako sa ginawa niya.

Tumingin ako sakaniya at mukhang naramdaman niya 'yon kaya lumingon siya sa'kin at kinindatan ako. Napatawa naman ako ng mahina dahil do'n.

Kaagad naman siyang humarap sa harapan nang sumigaw 'yong kaklase naming nandiyan na 'yong teacher.

Sad to say, pero hindi kami magkatabi. By partner kasi. Kung sinong ka-number niya sa girls, 'yon 'yong katabi niya. Seven siya tapos nineteen ako. Ang layo, diba? Pero ayos lang.

"May project kayo. By partner. 'Yong katabi niyo na lang 'yong partner niyo para 'di hassle." Sabi ni ma'am bago siya mag-dismiss.

Nalungkot naman ako dahil do'n. Tiningnan ko kung malungkot din si Achy dahil sa sinabi ni ma'am pero nainis ako nang makitang nakipag-apir pa siya sa katabi niya.

Hindi ko na siya hinintay at kaagad akong lumabas. Dumiretso 'ko sa cafeteria at bumili ng lagi kong binibili.

Kuminang 'yong mga mata ko nang makita 'yong paborito ko ro'n.

Champola!

Kinuha ko 'yon at binigay sa tindera para bayaran. Nagpasalamat naman ako pagkatapos.

Nagitla naman ako nang may kumuha ng isa sa Champola ko. Kilala ko na kung sino dahil may suot siyang bracelet na kapareho ng sa'kin.

"Bakit lumabas ka kaagad? 'Di mo na 'ko hinintay? Pinagpalit mo 'ko sa isang Champola, Achy?" Parang batang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang 'yong pagkain.

"Hey, why are you ignoring me?" Seryoso pero nag-aalalang tanong niya. "Achy?"

Napabuntong-hininga naman ako at isinara 'yong garapon no'ng Champola ko bago tumayo at nagsimulang maglakad.

Babae kasi ako. Selosa 'ko. Natural na sa'kin 'yon, ayokong may kaagaw pagdating sa mahal ko. Ayokong may iba pang nakakakuha ng atensyon niya. Ayoko ng pakiramdam na marami siyang pwedeng ipalit sa'kin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon