Epilogue na! :D Yehey!!!!!!!! Makakatapos na din ako ng isang buong kwento :)

------------------------------

Chapter 70 : Epilogue

------------------------------

Saturday, 7 am. araw ng prom night namin.

Ewan ko ba pero nagising na lang ako ng sobrang aga, kasi kapag mga gantong araw na walang pasok, inaabot ako ng tanghalian dito sa kama sa sobrang himbing ng tulog eh.

" Alisha, kain na " tawag ni kuya kaya bumaba na agad ako.

Pag baba ko andun si Toby.

" Oh, aga mo dito ah " sabi ko

" wala lang. pupunta ka ba mamaya? " tanong niya

" ewan ko nga eh , di ko pa sure " sabi ko

" nyak! eh mamaya na yun, pumunta ka na " pilit niya sakin.

" bahala na " tapos nag sad face siya bigla pero di ko na lang pinansin, nagdadalwang isip pa kasi talaga ako kug pupunta ba ako o hindi.

Kumain na kami tapos tumambay lang kami sa likod bahay ni Toby hanggang sa mag tanghali na at kailangan niya na umuwi.

Syempre ako lang mag sia dito sa bahay kasi pumunta si princess sa ballet class niya tapos si kuya nagbantay sa kaniya kaya heto ako lang mag isa.

*ding dong

Kaya pumunta agad ako sa harap para tignan kung sino yun pero pagbukas ko ng pinto, walang tao. Isasara ko na sana yung pinto kaso may napansin ako. Isang dosenang rosas ang nasa lapag sa may harap ng pinto. Kaya syempre sa sobrang kaechusera ko at sa sobrang curious ko ay binuhat ko ito at ipinasok sa loob ng bahay.

nanunod na lang ako ng tv. tapos biglang may nagtext,

*from : Toby

Pumunta ka mamaya.

-end

ano ba kasing mapapala ko kung pupunta ako dun? Bakit? may makakadate ba ako? tsaka, okey lang sana kung si Daniel yung kapartner ko nuh.

Lumipas ang mga oras at 6 na ng gabi. Start na ng prom night namin. Pero hanggang ngayon nagdadalawang isip padin ako. ano ba? pupunta o hindi? Hmmm.

Pumunta ako sa kwarto, humarap sa salamin at nagmuni muni.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!