Chapter 3

546 11 0
                                    

"Anyare? Bakit nakabusangot ka dyan?" tanong ko kay Nikko.

Yung tipong poker face na malungkot tapos ang lalim na hindi ko madigs yung iniisip niya. Ano kaya problema nito? Hindi talaga ako sanay makita na ganyan siya.

Siya kasi yung masayahing tao sa mundo araw araw kaya nakakapanibago lang.

"Uy Domingo!" lumingon naman siya pero malungkot ang mukha niya.

Ano nangyari dito? Hindi ako sanay. AS IN HINDI.

"Ahh. Wala naman Paula babes" cold niyang sabi niya sakin tapos umalis.

"Anyare dun? Dati naman hindi siya ganun eh?" tanong ni Charmaine sakin.

"Aba malay ko dun baka meron hahahaha"

"Baka naman brokenhearted?" sabi ni Christine

"Yun BH? kanino nam-"

"Ahhh! Baka basted siya sa nililigawan niya. Alam ko may nililigawan siya pero hindi ko alam kung sino yun" Kate.

"Oy tong mga to mga mimosa. Hayaan niyo nga siya na mabawas bawasan din mga bully sa room" sabi ko sa kanila and yeah big advantage to sa akin.

Si Nikko Sebastian Domingo. Ang great joker ng section? Ang makulit sa lahat ng bagay? Isa nga siya sa mga bully.

At ako ang prospect target nila ng barkada niya everyday para asarin.Masayahin siya sa lahat ng oras pero ngayon iba siya.

Is it the other side of him? Ang hirap talaga maging malungkot sa ibang tao lalo na kung nasanay silang laging nakangiti sa paningin nila.

Yaan na nga. Malaki na siya at siguro naman kaya na niyang ihandle yung sarili nya.

Puso at Isipan ko ang binuhos ko para makapag concentrate sa pagkain. Sayang eh mahal pa naman yung nabili ko.

"Im back" sabi ni Vannezza na kakarating lang.

"San ka naman galing? Dun na naman ba kay Arturo?" Christine

"Yap. Sabay kami kumain ng lunch eh"

"For sure binusog ka lang ng cheekbones nya sa mukha" Kate.

"Oh ayan na pala si Cundangan eh" napalingon kami kay Aica na mukhang zombie din.

I am not sure kung bakit nagiba ata ang fashion ni Aica. Di naman sya fan ng plants versus zombies. Pero kung titignan mo sya ang pula pula ng mga mata.

"Bangag bangag tayo aah. Senti mode ka na naman ba?" tanong ni Kate.

"Uso pa ba yun sa ngayon? Tss jologs lang gumagawa nun" Aica

"O di kaya nagdradrugs ka na Aics. Naku po wag mo ng gayahin si Neneng hindi tumabla sa kanya" Nagumpisa na naman tong si Charmaine. Biglang sumimangot yung mukha ni Vannezza.

"Of course not! Why should I? Excuse me nga" tumayo si Aica at saktong dumating si Prof. Alcantara.

3 hours ang subject na to. Ibig sabihin lang nyan mahaba haba ang pagdurusa namin sa loob ng classroom.

As usual dahil Pinkam kami, isang linya lang dapat ang uupuan namin. Batas kami eh!

"Jusmiyo kayo na naman ang klase ko?" pambungad ni Mam Alcantara sa amin. Heller wala man lang bati muna di ba ?! As usual no choice si Mam. Last semester kasi siya din yung professor namin at lagi na lang sumasakit ang ulo nya sa block namin.

"AYAW MO BA MAM? NAMISS KA NGA NAMIN" sigaw nung kaklase kong papogi. Pogi daw sya eh sabi niya pero di ko talaga maintindihan at makita kung saan banda.

Nagsimula ng mag homily este magdiscuss si Mam sa mga alam niya at kung ano ano pa ang mga dinaldal niya.

"Requirement ko. 1000 hours na OJT at yun na ang finals niyo sa akin for the two semesters"

"As soon as possible kailangan nasa hospital kayo mag-OJT para alam niyo yung differences ng bawat fields of work. Dapat may alam na kayong hospital. Ang UST naghahanap sila ng OJT na PUP BOA students dahil magagaling at reliable kayo. Mag-apply kayo dun"

Nung matapos magdiscuss si Mam syempre may free time kami para makipagdaldalan. Automatic na yun. Ang boring kaya kung buong 3 hours sya lang magsasalita.

"Saan tayo guys? Any idea?" tanong ni Christine.

"Try natin sa OLLH. Tamang tama malapit lang dito" Nezza.

"Keribells lang. Isang sakay na lang mula dito" Charmaine.

"Ako kahit saan basta makapagOJT lang" sagot ko.

"Try kaya muna natin sa UNILAB Alam ko may allowance dun eh" sabi ni Kate. Napaisip ako. Syempre gora na ako dun sa may allowance sayang din yun aah.

"Bakit pa kayo nagiisip? Saang sulok naman ng Maynila may hospital" mataray na sagot ni Aica. Hayaan na lagi namang highblood yan. Im used to it.

"Pre ikaw san ka magoojt?" tanong ni Jonar kay Louie.

Bigla akong napalingon sa direction nila. Hinabaan ko ang radar ko para makasagap ng balita. Basta para kay Louie hehehe

"Hmm kahit saan basta makapagkita lang kami ni Faith"

</3

Wala na. Laslas pulso na to. Talon sa Pasig river. Joke lang pero grabe parang tinusok ng milyon milyong injection yung puso ko.

Pero FYI wala akong balak sundan siya kung saan siya. Di ba moving on stage na saka tanggap ko naman yun eh hindi ako yung tipong pang-girlfriend sa kanya.

Friends na nga lang talaga. KEEP MOVING FORWARD dikta ng utak ko.

"Aish bwisit talaga" reklamo ko. Bakit ba bigla na lang ako nainis. Sabi na nga ba mas mabuti pang walang alam para di nasasaktan. Kasalanan ko din naman kasi pagdating sa kanya di ko maiwasan alamin lahat.

"Uy Pau problema mo?" tanong ni Kate. Nakatitig pa din ako sa pwesto nila Louie.

"Wala may naalala lang bigla"

Actually naiirita ako sa sarili ko. Alam yun affected pa din ako sa lahat ng bagay. Hindi ko alam paano ibalewala ang lahat.

Ano ba kasi problema nitong utak ko lumuluwag na naman ang turnilyo at nagiging sabaw at toyo ang utak ko. Siguro kailangan lang may maghigpit nito.

Si Louie kaya yun? Kung hindi siya SINO?

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon