Chaptes 21

730 33 2
                                        

Kyungsoo's Pov

"Luhan nasan ka na? Kanina pa ako dito."


"Eto na eto na... Malapit na ko traffic eh. Mag order ka muna dyan."


"Sige, ingat ka." Niyaya kasi ako ni Luhan mag bar pampawala ng stress dahil sa trabahong sandamakmak. Si Baekhyun naman di pwedeng sumama kasi juntis. Bawal ang alak. Habang nag hinihintay ko si Luhan may pumasok na isang familiar na tao. Habang lumalapit sya sa pwesto ko lalo kong nakikilala ito. Pero imbes na ako ang lapitan nya yung babaeng nasa likod ko ang nilapitan nya.



Ang taong yun ay ang boyfriend ko. Si Insung, ilang buwan pa lang kami pero nagawa na nya akong lokohin. Kitang kita ko kung paano nya halikan yung chikitita na naka lingkis sa kanya. Tinawagan ko sya pero nag sinungaling lang sya. Lumapit ako sa pwesto nila at kinalabit ko sila. Nagulat sya nung nakita ako.



"Kyungsoo?"



"Honey sino sya?" Tanung ng maarteng babae na kasama nya.



"Ako? Ako lang naman yung boyfriend ng lalaking kahalikan mo!!!!"




"Hoy wag kang maging illusyunada boyfriend ko to diba? "


Lumapit sa akin si Insung at hinawakan yung braso ko



"Halika ka muna..."



"Anu ba bitiwan mo ako nasasaktan ako!" Binitawan nya ako at bigla nya akong sinampal.



"Break na tayo. Ang boring boring mo. At saka mas di hamak na mas maganda at sexy sa yo  at higit sa lahat mabibigyan nya ako ng anak. Di katulad mo walang silbi." Wala akong nagawa kundi umiyak. Sa ilang buwan na magkasama kami pinaramdam nya na mahal nya ako pero mali pala ako dahil pinaasa lang pala nya ako. Pinerahan din. Maraming nag sabi na playboy siya pero di ko yun pinaniwalaan dahil mahal ko.


Pag inlove ang isang tao nagiging tanga. Ganun ako kaya nasasaktan ako ngayon. Para akong isang bata na naagawan ng lollipop. Nakaupo lang ako sa isang swing doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Hanggang sa umulan. Wala akong pakielam kung mabasa man ako. Kasabay ng patak ng ulan ang pag patak ng mga luha sa aking mga mata. Hanggang sa maramdaman kong wala nang patak ng ulan. Pag angat ko ng tingin isang payong ang sumusukob sa akin.




"Mr. DO?" Patayo na ko ng magdilim ang paningin ko.







Jongin's Pov


Pauwi na ko galing bar ng may isang pamilyar na tao ang umiiyak habang nag lalakad. Sinundan ko sya at sa isang playground sya nagpunta. Umupo sya sa swing at humagulgol. Si Mr. DO nga yung kaibigan ni Baekhyun.
Palapit na ako sa kanya ng unti unting pumapatak ang ulan. Kaya bumalik ako sa sasakyan ko at kumuha ng payong. Paglapit ko tumingin sya sa akin at unti unting tumayo. Pero sa pagtayo nya nawalan sya ng malay. Kaya binuhat ko sya papuntang sasakyan. Di ko naman alam kung saan sya nakatira kaya sa condo ko muna sya inuwi.  Pinalitan ko sya ng tuyong damit at nag order ako ng congee para mainitan yung sikmura nya. Pinagmasdan ko sya halatang halata na malungkot sya anu kayang nangyari.
Mga ilang oras din ang lumipas nagising na sya.


"Nasaan ako?Mr. Kim?"nagulat sya ng makita ako.


"Nasa condo kita. Nakita kita kagabi sa may playground at nagpapaulan ka. Pero nung tumayo ka bigla kang nahimatay eh hindi ko naman alam ung bahay nyo kaya dito na lang kita dinala." Bigla syang napatayo sa kama pero pinigilan ko sya.



"Oopps... Wag ka munang bumangon may lagnat ka kanina mahiga ka muna. "


"Teka... Pinalitan mo ako ng damit?"



Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon