Chapter 15: Battle Arena

322 60 0
                                    

"Let's have a break."

Napahiga nalang ako sa malamig na sahig at sunod-sunod na huminga ng malalim. Narinig ko pa ang bawat pag hakbang nya at ang pabagsak na pag sarado ng malaking pinto.

One month past at napaka rami nang pag babago sa naging takbo ng buhay ko dito sa skwelahan na to, sa mundong hindi pang karaniwan.

Pinikit ko ang mata ko at inalala ang mga kaibigan ko pati na rin si Daddy.

Simula nang lumipat ako ng dorm ay madalang ko nang nakakausap sila Zoey at Aliyah. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na naging mahalaga na rin sila sakin. Na miss ko na yung kaingayan nila, kakulitan, at kaartehan. Kahit minsan naiinis ako nung kasama ko sila, pero ramdam kong mahalaga ako sa kanila.

Miss ko na din ang ama ko, si Daddy. Oo sanay na kong hindi ko sya kasama pero iba padin pag gantong sitwasyon na. Noon pag aalis sya para mag trabaho baliwala lang lagi sakin kasi alam ko namang babalik din sya pero ngayon, sa bawat pag lipas ng araw pakiramdam ko taon ang binibilang. Dala dala ko lagi ang pangungulila ko sa kanya. Parang lahat ng galit ko biglang nawala.

Ramdam ko ang pag init ng mata ko at ang nag babadyang pag patak ng mga luha kaya agad akong umupo at tumingala upang mapigilan ko ito.

Sa isang bwang lumipas nag bago din ang pakikitungo ng Royalties sakin. Hindi sa masamang paraan kundi sa mabuti. Mas naging ka-close ko sila kahit na tuwing gabi ko lang silang nakikita.

Iba ang schedule ko sa kanila. Tuwing lunes hanggang byernes ang klase nilang lahat samantalang ako naman ay ang training ko dahil tuwing sabado at linggo ang pasok ko at sila naman ay ang pahinga nila.

Nag tataka nga sila kasi noon naman daw hindi nila naranasan yung mga pinapagawa sa akin pero nag sa walang kibo nalang ako.

Hindi sila nag ta-training dahil bihasa na silang lahat samantalang ako ay baguhan pa lamang kaya kailangan kong mag sanay para makasabay ako sa kanila.

Kada araw madami akong pinag dadaanan lalo na nung unang linggong pag sasanay ko. Nandyan yung pina takbo ako sa quadrangle ng 20 laps kada umaga, pinag push up ng isang daang beses at kung ano ano pa para lang masanay ang katawan ko upang mabuhay daw ang magi sa aking katawan.

Madalas na din akong makaramdam ng parang kakaiba at nag kakaroon ako ng mga wirdong panaginip.

Ipinilig ko ang aking ulo papunta sa kanan at kasabay noon ang isang mabilis na pag bulusok ng matanim na kutsilyo na galing sa kaliwang bahagi, naramdaman ko pa ang manipis na hangin na dala nito nung dumaan ito sa aking pisngi.

Walang pag aalinlangan akong bumaling sa aking likuran kung saan nag mula ang kutsilyong iyon.

May nakita akong nakatayong dalawang rebulto sa may pintuan at di nga ako nag kamili, si Master Hester iyon at si Mr. Sora.

May nakapintang nakaka inis na ngisi sa mukha ni Master Hester habang seryosong seryoso naman si Mr. Sora. Nag lakad sila papunta sa dereksyon ko kaya agad akong tumayo ng ayos at inayos ang sarili ko.

Sa isang bwan kong nag ta-training si Master Hester ang nag tuturo sakin. Hindi lang basta basta sya nag tuturo dahil talagang seryosong-seryoso ito at sa bawat pag kakamali ko may kapalit iyon na parusa. Kadalasan ang mga parusang iyon ay ang pag dadagdag ng oras sa aking pag sasanay kaya nga minsan inaabot kami ng madaling araw para lang masanay ako ng mabuti.

Tumungo ako at nagbigay galang sa kanilang dalawa ng tuluyan na silang makalapit sa aking pwesto.

"Malaki na ang pinag bago nya." Buong pag mamalaking pag lalarawan sa akin ni Master Hester.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now