Namamangha na nilibot ni Mia-Ashly ang kabuoan ng kamaynilaan mula sa kinatatayuan niya. Nasa harap siya ng wallglass sa condo unit na pag-aari ng kasintahan.
Dinala siya ni Axel Jax sa condo unit nito sa Manila. Nagniningning ang buong paligid dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan at sa nagtataasan gusali.
"Like the view?" pagyakap sa kanya ni Axel Jax mula sa likuran niya.
Matamis ang ngiti na nilingon niya ito. Pareho nakasuot sila ng roba. Bigla nag-init ang mga pisngi niya ng maalala ang pag-angkin nito sa kanya kanina sa malapad nitong kama.
"Yes,parang mga bituin sila sa kalawakan," saad niya.
Sumandig siya rito at mahigpit na yakap-yakap lang sya nito.
"Natutuwa ako na kasama kita sa lugar kung saan ako lumaki," saad nito sa may leegan niya.
Agad na dumapo ang kamay niya sa likod ng ulo nito at masuyong hinaplos-haplos niya ang makapal nitong buhok.
Umungol ito sa ginagawa niya.Gustong-gusto nito ang ginagawa niyang iyun. Natatawang hinalikan niya ang pisngi nito at ng hahalikan niya muli ito ang mga labi na nito ang sumalubong sa kanya.
"I love you,Mia-Ashly.. " madamdamin nitong saad.
Buong suyo na hinaplos niya ang pisngi nito. "Mahal na mahal din kita,Axel Jax.."
Puno ng pagmamahal na inangkin nito ang bibig niya hanggang sa lumalim iyun at muli puno ng pagmamahal na inangkin siyang muli nito.
Kinabukasan,ipinasyal siya nito sa isang mall. Labis-labis ang katuwaan niya dahil iyun ang unang beses na lumabas siya sa pampublikong lugar.
Nakataklob sa ulo niya ang kulay itim na bullcap at ganun din ang binata. Couple bullcap raw iyun at natutuwa naman siya kasi pareho ng desinyo ang sombrero suot niya.
Hawak-hawak nito ang kamay niya hindi kailanman bumitaw sa kanya.
May mga tao na namamangha na napapatingin sa kanila at may mga babae din na napapatingin kay Axel Jax.
Agaw-pansin naman taLaga ang kaguwapuhan ng kasintahan kaya hindi niya maiwasan maging proud dahiL ito ang naging mate niya.
Sa isang mamahalin restaurant sila nananghalian ni Axel Jax. Sa bandang sulok sila pumuwesto.
"Dito tayo,malapit na kong manuntok sa mga lalaki na tingin ng tingin sayo," nakasimangot nitong saad.
Natatawa na napailing na lang siya. Isa sa main purpose nito kung bakit pinagsuot siya ng sombrero ay para di daw masyado pansinin ang mukha niya.
"Ikaw kaya itong nagdala sakin dito tapos naiinis ka," natatawa saad niyang saad.
Marahas ito bumuga ng hangin.
"Maling plano ko ito," anito.
Natatawang napailing na lang siya. Bigla tumunog ang phone nito habang hinihintay nila ang inorder nito para sa kanila dalawa.
Dinukot nito sa bulsa sa suot nitong jacket ang phone nito. Nangunot ang nuo nito.
"My landlady," usal nito ng makita ang tumatawag rito.
"Hello,Aling Isay,napatawag ho kayo?" tugon nito sa kabilang linya.
Tahimik lang siya pinagmasdan ang kasintahan habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa.
"Pasensya na ha at napatawag ako..nasusunog kasi ung bahay na pinauupahan ko sayo wala ako nailigtas na gamit mo sa loob!"
Natigilan siya ng marinig iyun mula sa kabila linya.
"Ho? Paano ho nasunog ang bahay? Siniguro ko naman po na nakababa ang switch ng ilaw roon?"
"Iyun nga..pero may nakakakita na may lalaki na umaaligid sa bahay kanina madaling araw at pagkaalis nung lalaki bigla na lang may umuusok sa loob ng bahay,"
Nagkatitigan sila ng binata. Batid nito na naririnig niya ang nasa kabila linya.
"Sige ho,Aling Isay..bukas naman po uuwi na ko dyan,"pagtatapos nito sa tawag.
Pinisil niya ang kamay ng kasintahan.
"Maaga tayo umuwi bukas,okay?"
"Sino naman kaya gagawa nun? Wala naman akong kaaway sa lugar na yun," hindi makapaniwala saad ng kasintahan.
"We will know kapag nakabalik na tayo bukas," aniya.
Tumango ang kasintahan at pinagsaluhan na nila ang inorder nilang tanghalian.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Werewolf#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf
