Chapter 59: Yet

92.3K 1.5K 486

Chapter 59: Yet

Ang bilis ko ata masyadong mag-update! Babagalan o bibilisan? XD

Comment and vote if you liked the chapter. Ang gara lang ng comments sa last chapter! Thank you ulit, guys! XD
Sana nasustain ko ang mood! CHOSS XD

PS: No soft copies for If I Fall.

Chapter Inspiration: Yet by Switchfoot

--

All attempts have failed
All my heads are tails
She's got teary eyes
I've got reasons why


Nagulat si Barbs na ginawa nya yun.

Apart sa takot na maging close sa isang tao, isa 'to sa kinakatakutan nya, ang yumakap ng tao. She's afraid of touching/embracing people. Ayaw nyang niyayakap sya. Ayaw nyang mangyakap ng iba.

But this time.. wala siguro sya sa wisyo kaya nya nayakap si Cyrus. He looks so.. vulnerable. Yung cool at impassive na Cyrus Casabueno? Biglang nawala. His defenses came crumbling down. At ayan, he's crying like hell.

Di na rin nya napigilang umiyak. Alam nya kung gano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Kabisado nya yung sakit, kung pano dumaloy sa neurons, capillaries at villi nya ang sakit nung namatay si Vicky. Magkaiba sila ng situation, pero parehas lang ng sakit yon, iba-iba nga lang ng intensity.

Di nila namalayan na matagal silang magkayakap, until bumitaw si Cyrus. Nailang naman si Barbs dun. They sat there in silence, sabayan pa ng ilaw na mula sa lampshade ni Barbs. Mas okay na ganun lang ang ilaw, ayaw nilang makita na umiiyak ang isa't isa.

"Can I stay here for the night?" he asked. Eto yung tipo ng tanong na gusto mong tanggihan pero di mo magawa. Tipo ng tanong na gusto mong pag-isipan pero di na lang kasi gets mo kung bakit.

"S-sure."

I'm losing ground and gaining speed

I've lost myself or most of me

I'm headed for the final precipice



 --

But you haven't lost me yet

Nasa kama sila ni Barbs, with a huge barricade of pillows between them. Parehas silang nakaharap sa magkabilang gilid. Ni hindi sila nagsasalita.

Some might say na unfair si Cyrus, na si Barbs pa ang nilapitan nya kesa kay Tatin. Naturingang ito ang girlfriend pa nya ito. Pero sige, kung kay Tatin nga, anong mangyayari?

Magugulat ito, magagalit. Hihingi ng paliwanag. Magtatanong.

Si Cyrus pa naman ang tipo ng tao na ayaw ng maraming tanong. Questions bore him. Lalo na yung mga tanong na paulit-ulit na lang hanggang sa mawalan ng sense.

In Barbs he found that peacefulness. Peacefulness would be ang overstatement for us, pero para sa kanya ganun ang nararamdaman nya. Eye of the storm ba.

And silence stood still.

Siguro.. ganun talaga pag naiintindihan nyo ang isa't isa. Pati ang katahimikan gets nyo kung anong meaning. Sa kanilang dalawa na masasabing may weird (or for others, lack of) relationship, himalang naiintindihan nila ang silence na yun. Minsan kasi you can translate a person's silence into words. Sometimes words aren't enough. Minsan pag madami kang sinasabi, pag wordy ang statements, nawawalan ng emotion. This is raw emotion, thanks to the silence.

If I FallRead this story for FREE!