[35] ♔ Answer

1.2K 26 7

Hana's POV

Alam kong para akong tanga o baliw. Masisisi ba nila ako kung ganito ako kasaya? Dumating kasi sila Mama at Papa. Nagpahanda pala si Hanniel ng party. Kaya lahat ng kaibigan namin nandito at ang parents ni Hanniel. Iba't-ibang ang naririnig ko. Napatingin nalang ako sa harap ng makita ko si Hanniel na may hawak na microphone.

"Good Evening everyone. Thank you for joining us to celebrate this kind of event." napaigtad ako ng biglang itapat saakin ang spot light.

"And... I think this is the perfect moment. Mmm... May gusto akong babae but I don't know kong gusto niya rin ako. This girl change me. I'm a Casanova. Sabi ni Mom baka ang pag-aasawa ang makakapagpabago saakin. That's why, nagkakilala kami. I don't want to lose her." di ko alam pero nasaakin ang mata ng lahat. Di ko maipaliwanag kong kinakabahan ba ako or kinikilig. "So..." patuloy niya. Biglang naging madilim ang lahat. Wala akong makita, wala din akong marinig na kahit anong ingay. Bigla nalang may nakita akong ilaw.

'Hana Mae Fernandez-Curtis will you be my girlfriend?'

Parang nakalutang ito sa ere at dahil parang glow in the dark ito kaya nakita ko ito habang madilim ang lahat. At umilaw yung spotlight at nasa kay Hanniel ito na may dalang bulaklak. Gusto kong tumakbo pero gosh! Yung puso ko!

Habang papalapit ito nagplay ang kantang Perfect by Ed Sheeran pero instrumental ito at mas gumanda ito at bumagay sa nangyayari ngayon.

"You know I'm so nervous." nagtawanan ang mga tao sa paligid. "Halos di ako makatulog kagabi habang nagpi-prepare dito. Hindi dahil nanghihinayanag ako na baka di mo ako sagutin at mawala lahat ng effort ko. Kundi kinakabahan ako kasi baka tumakbo ka dahil magkaiba tayo ng nararamdaman. Dahil may gusto kang iba. Natatakot ako na baka tumakbo ka at di kana bumalik dahil baka ayaw mo na gusto kita. Natatakot ako na iwan mo ako. Wala akong pakealam kong mas gusto mo siya kaysa sakin at baka maha-----" di ko siya pinatapos tumakbo na ako.

Tumakbo ako papalapit sakanya. Niyakap ko siya. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa mga sinabi niya. Dami na niyang ginawa saakin. Tama si Alexa. It's now or never.

"Will you be my girlfriend?" bulong nito at mahina akong natawa.

"Yes." walang pag-aalinlangan na sagot ko. Naramdaman kong yumakap din siya saakin. Halos di nga ako makahinga eh.

"Thank you." sabi nito.

Di ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon. Masaya, kinikilig, and I feel so lucky. I don't know why.

Narinig kong nagtitilian yung mga kaibigan niya. Ang saya nito. Kinuha niya yung mic at nagsalita.

"Hindi man maayos ang pagkikita natin pero sisiguraduhin kong maayos tayong magsasama." sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Tinitigan ko lang siya pero nahihiya ako. "Noong una ayokong mahulog sayo pero di ko mapigilan ang damdamin ko kaya nandito ako ngayon. Si Mama Ana alam niya 'to bago sila umalis ni Papa. To my Mom, thank you dahil sa advice mo nilakasan ko ang loob ko na sabihin kay Hana ang totoo. Thanks Mom." ngumiti ito kay Mommy. Habang tinitigan siya ang saya ng mukha niya yung halos wala siyang iniisip na problema. At hindi rin mawala ang matatamis na ngiti sakanyang labi.

Sana nga. Walang problema na dumating na hindi natin kayanin. Sana di ka bumitaw. Alam ko din naman na kung gaano kami ngayon kasaya dadating parin ang oras na tanging hikbi nalang ang maririnig at hindi na halakhak. Natatakot man ako pero alam kong sasamahan mo ako sa panahon na luha nalang ang papatak sa lupa. Sana kong malaman mo ang totoo andito kalang para saakin. Paano kong malaman mo ang totoo? Bibitaw ka rin ba? Iiwan mo rin ba?

"Hana, umiiyak ka?" napukaw ako dahil sa pagsasalita niya.

"Hindi masaya lang ako."

"Tears of joy?"

"Mmm..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Someone's POV

"Boss, Nag-confess po si Hanniel kay Hana."

No way! No! Hindi pwede 'to. Pero mukhang wala na akong magagawa kundi gawin ang bagay na dapat makakasakit sakanya.

"Leah, kamusta yung DNA test?" I ask. Kailangan kong manigurado.

"Negative po. Hindi po siya totoong anak."

Good. Tuloy ang plano. Pipilayin kita hanggang sa di ka makatayo. Kailangan gawin ko ang plano ko sa mas madaling panahon. Pero dahil may kabutihan naman ako bibigyan ko muna sila ng ilang araw para magsaya.

"Now, tell me about her."

"Habang nanganganak si Mrs. Maeya Cruz kay Hana. Kinuha ang sanggol ng isang nurse na nag-ngangalang Frey Lim. Binayaran kasi siya ng isang Amerikano. Pero di ito natuloy. Isasauli na sana ito ni Frey sa DSWD pero nakita niya ang mag-asawang Fernandez na halos mabaliw sa kakaiyak dahil sa namatay na anak. Kaya naman nagsinungaling si Frey na hindi niya ito kayang buhayin at ibinigay si Hana kay Mr. and Mrs. Fernandez. At doon nagsimula ang lahat. Halos ilang buwan palang ng nalaman nilang bumabagsak ang kompanya nila at yung ibang branch din kaya naman napagkasunduan ng Curtis at Fernandez na ikasal ang mga anak nila. Yon lang po."

"Nasaan na yung mga totoong magulang ni Hana?"

"Nasa isang bahay sila sa Laguna. Wala pong isaktong address dahil palipat-lipat sila. Naghihirap po sila ngayon. Security guard po yung ama niya at katulong naman po yung ina niya."

"Ang saya ng buhay ni Hana ngayon samantala yung totoo niyang magulang halos mamatay na sa gutom at pagod."

"May kapatid ba siya?"

"Meron. Mas matanda ito kay Hana ng isang taon."

"Makakaalis kana." tugon ko.

Nakuha ko na ang gusto kong malaman. Wala na akong problema doon.

Shit!

Paano ko pala pipigilan yung kasal ko? Ayokong ikasal sa boring na babae na yun. Eh pera lang din naman ang habol ko doon eh. At maobserbahan ang galaw ni Hana at Hanniel. Tanginang pangalan nyan bakit pareho silang 'H'.
~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|

Casanova's  WifeRead this story for FREE!