"Talk Back... And You're Dead!", sambit ng naka-headset na maputing estudyante at sa pagtatapos ng background music ay kaniya na ring io-off pati ang headset at itatago na sa bulsa.

"Wow! You're my hero!", wika ng binatang guwardiya at aakap sa maputing estudyante. Kukunin na rin ng maputing estudyante ang ikinulong na tarantula at ibibigay ang kulungan sa guwardiya.

"Heto na Kuya... Pa-surrender na lang po sa malapit na police station at sila na po ang bahala riyan kung may maghahanap man na may-ari o idederetso nila sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources..."

"Naku... maraming maraming maraming salamat talaga!", wika ng binatang guwardiya at pagkatapos maitago ang ikinulong na gagamba ay yayakap muli sa maputing estudyante. Maglalandi na rin ng kaunti ang maputing estudyante at sa sobrang pagkamangha ay lalapit na rin ang kaninang estudyanteng babaeng nakauniporme na napunta sa tabi ng classroom.

"Salamat...", patuloy ng binatang guwardiya at mula sa pagkakayakap at pupunuin ng halik nito ang maputing estudyante mula kamay hanggang sa mga pisngi

"Ahhh... Kuya... wag... po...", mas malanding sambit ng nagligtas na binabaeng estudyante at ituturo ang labi para mahalikan din ng guwardiya,"Kuya... dito pa... uuh!"

Hahalikan na rin sana ng binatang guwardiya ang labi ng maputing estudyante nang mapasigaw ang estudyanteng babae na nakatingin sa maputing estudyante at mauudlot ang balak.

"Vaughn!", tawag ng estudyanteng babae at lilingunin ito ng maputi

"Oh... Alex! Ikaw pala iyan...", sambit ng maputing estudyante at maiiwan ang guwardiya. Agad na babalik sa puwesto niya ang guwardiya at magpapatuloy sa pagtse-tsek ng mga pumapasok ng gate ng paaralan habang ang nagligtas naman na estudyante ay pupuntahan ang tumawag sa kaniyang kakilala at mag-uusap

"Long Time... No See bayaw!", sambit ng maputing estudyante at aakap sa babae

"The f! Bayaw ka diyan...", may paghampas sa balikat na sabi ng estudyanteng babae pagkatapos yumakap sa kaniya ang nakilala, "Sa ganitong ayos ko... bayaw pa rin ang tawag mo sa akin nuh!"

"Ay... sorry Alex!", sambit ng maputing estudyante, "Nasanay kasi akong pa-bad boy na Daniel Padilla lagi ang look mo kapag pumapasok ng school tapos nagulat ako at talagang hindi kita nakilala agad na Karla Estrada na ang look mo teh!"

"Karla Estrada...", sabi ng estudyanteng babaeng si Alex sa kausap, "Ganun na ba ako ka-chubby ngayon? Akala ko sasabihin mo eh Liza..."

"Siguerra?", mabilis na sambit ni Vaughn

"Hindi!", sabi ni Alex, "Liz! Licealiz! Yung shampoo na pumapatay sa mga kuto tsaka lisa sa buhok!"

"Wow... kaya pala ang shiny ng buhok mo ngayon ah!", ani Vaughn at ifi-finger comb ang buhok ng kakilala, "Teka... kumusta na pala ang kuya mo? Yung forever ko!"

"Maka-forever parang pinatulan ka talaga ng kapatid ko ah!", sabi ni Alex

"Naudlot nga... kasi priority niya ang family niyo muna...", sagot ni Vaughn sa kausap, "And his family matters most talaga! Okay lang, naka-move on na rin ako eh!"

Mapapasulyap muli si Vaughn sa tinulungang binatang guwardiya hanggang sa hindi kalayuan ay makikita rin siya ng guwardiya at kakawayan ito. Mapapakindat na lamang ng may kasamang dila si Vaughn sa nakita at mapapansin din ito ni Alex.

"Naka-move on kasi may bago nang prospect ganun?", tanong ni Alex

"Huh! Hello!", pagtatanggol ni Vaughn sa sarili at titingin sa kakilala, "Sa tingin mo Alex ganun ba talaga ako kalandi at kahaliparot ah?!"

"Hmmm... Oo!", mabilis na sagot ni Alex

"Naku... nanggigigil ako talaga sa iyo... di mapigil... nanggi...", nanginginig na sambit ni Vaughn sa kausap ngunit nang sumulyap ulit sa kaniya ang binatang guwardiya at kakaway ay ngingiti muli si Vaughn at magiging kalmado sa kausap

"Pero in fair ah...", banat ni Alex, "Ang husay mo kanina sa sagupaan niyo nung..."

"Ah!", sambit ni Vaughn, "Tarantula...Tarantulas comprise a group of large and often hairy belonging to the Theraphosidae , of which approximately 900 species have been identified. This article only describes members of Theraphosidae, although some other members of the same infraorder (Mygalomorphae) are commonly referred to as"tarantulas""

"Woah! Akalain mo... naisingit mo yun ah!", sabi ni Alex

"Madali lang naman teh!", sambit ni Vaughn at ilalabas ang naka-mobile data na cellphone, "Kinapi-paste ko lang naman yun sa Wikipedia! Search mo sa Google!"

"Ah...hardcore!", sabini Alex hanggang mapansin na ni Vaughn ang oras sa phone

"Eh siyanga pala... bakit ngayon ka lang ulit pumasok ng school?!",tanong ni Alex

"Haay...naku! Ang daming chika! Late na ako sa subject ni Ma'am Paus! OTW na!",mabilis na maglalakad papuntang classroom si Vaughn na sasabayan na rin ni Alex, "Tara lets!"




Sa tuluyang pag-alis nina Alex at Vaughn sa paningin ng binatang guwardiya ay siya namang pagdating mula sa gate ng Administrative Officer ng eskuwelahan na si Gladly Reyes kasabay ang kaniyang ilang staff at clerks pa na agad naman babatiin ng guwardiya at tuluyang pupunta sa kanilang Administration Building.

"Ibinaba na ng bagong upong Ombudsman ang kaniyang desisyon sa kaso ng ating assistant principal!", pagsisimula ng usapan ni Gladly

"Eh ano raw? Kakasuhan na ba nila si Ma'am Marce? Ikukulong na ba sa Sabaneta Prison sa Venezuela? Papatira na ba yun kay Duterte? Ano!!!", tanong ng staff

"Wala pang klarong announcement sa ngayon...", paliwanag ni Gladly habang patuloy na naglalakad patungong Admin, "Pero tumawag kanina sa akin ang Provincial Director via Skype na tuloy na tuloy ang bisita niya bukas sa school and he will give the final verdict for the school for the most possible changes for improvements"

"Ano?!!!", bulalas ng isang clerk, "Marami siyang babaguhin para sa school?"

"Most probably...", sagot ni Gladly, "I guess, para malinis na rin ng tuluyan ang imahe ng eskuwelahang ito! Tsaka sana... Pagkatiwalaan na lamang natin siya para rito"

"Ah... sana nga!", singit ng isa pang clerk, "sanang sana..."





Sa pagdating sa opisina ay titipunin ni Gladly ang buong team at magsasalita, "Please inform all the school organizations and department to be prepared for tomorrow for the visit of our Provincial High School Director and for his certain revelations! Annyong!"

EksadZWhere stories live. Discover now