Chapter 32

671K 13.1K 1.7K
                                    

Chapter 32
Critical

"Ma'am, nandito na po tayo." the driver that Sean asked to pick us up, announced when we arrived at Sarto's driveway.

Bumusina naman ang driver at bago ko pa mabuksan ang pintuan ng sasakyan upang bumaba ay nakita ko ang patakbong guard na patungo sa amin. He opened the door for me and Lyrae.

"Magandang hapon po, Ma'am." he greeted me with a smile.

I smiled and nodded at him as a sign of courtesy before stepping out of the car. Inalalayan ko rin si Lyrae sa pagbaba ng sasakyan na agad tiningala ang matayog na gusali ng Sarto.

Lyrae sighed with amusement on her face. "So Dad's really rich..."

Tiningala ko rin ang Sarto. This will all be yours someday, Lyrae. Lahat ng nakikita mo ngayon ay magiging sa'yo balang araw. I know that your Daddy's going to give you everything he has.

"Lyrae, let's go inside. Baka hinihintay na tayo ng daddy mo." pag-aya ko naman kay Lyrae nang hindi siya matigil sa pagkamangha.

Tumango naman siya at hinawakan ang aking kamay bago kami pumasok sa loob.

The elevator's door was about to close, but Lyrae immediately pressed the button, preventing it to close. Tuwang-tuwa pa si Lyrae nang mapigilan niya ito sa pagsara.

Napangiti naman ako sa sobrang kakulitan ni Lyrae ngunit nang nag-angat ako ng tingin ay bumungad sa akin ang mapanuring tingin ng dati kong katrabaho.

"Mommy, let's go!" sabi naman ni Lyrae at hinila ako papasok sa loob ng elevator.

Tinignan naman ni Lyrae ang mga bilog na pindutan kung saan nakalagay ang numero ng bawat palapag.

"Which floor, Mommy?" she innocently asked me.

"It's already pressed, baby." sabi ko naman sa kaniya at tumango-tango siya saka muling kumapit sa aking braso.

"Magt-trabaho ka na ba ulit dito, Sandra?"

Halos mapatalon ako nang bigla akong kausapin ng tahimik na si Jill.

Nahihiya ko naman siyang nilingon at saka umiling. "May bibisitahin lang kami." sabi ko nalang.

"Anak mo siya?" she asked and lowered down her gaze to Lyrae who's now looking at her curiously.

Nakangiti naman akong tumango. "Oo. She's my daughter."

Ngumiti naman siya at saka bahagyang yumuko upang mas makita ng mabuti at malapitan si Lyrae.

"Hello, little girl." bati ni Jill kay Lyrae. "Ano name mo? Ang cute mo naman."

My daughter sweetly smiled at her. "Lyrae po."

"She's very pretty pero... parang may kahawig siya, Sandra." sabi niya at nag-isip. "Hindi ko lang mawari kung sino ang kahawig niya. She looks somehow familiar."

Panigurado akong si Sean ang naiisip ni Jill na kahawig ni Lyrae pero hindi ko iyon sasabihin sa kaniya. Hahayaan kong siya mismo ang makadiskubre.

Nang makarating kami sa tamang palapag ay sumabay na sa paglabas ng elevator si Jill na hindi tinitigilan ng titig si Lyrae.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon