[34] ♔ Graduation Day!

1.4K 31 0

Hana's POV

Tayong lahat gusto makapagtapos. Gustong makatulong. Marami tayong gustong gawin para sa ating kinabukasan. Isa sa pag-aaral ang nagiging susi para maabot natin ito. May iba't-iba tayong gustog gawin. Marami man ang nagiging hadlang pero pilit tayong lumalaban. And this it! Graduation Day!

Inis kong minulat yong mata ko dahil pakiramdam ko may tao sa kwarto ko. Parang may naliligo. Don't tell me si Alexa yun.

Bumangon ako at kinuha ko yung stick na nasa gilid ng kama. At dahan-dahan ako pumunta sa may banyo. Bumukas ito at papaluin ko na sana ng bigla itong sumigaw kaya nagulat ako at nabitawan ko yun.

Shit! Si Hanniel lang pala. Naka bathrobe ito. Feel ko biglang nag-slow motion yung paligid. Yung tubig na mula sa buhok niya ay tumutulo ito hanggang sa balikat niya. At dumadaloy ito pababa.

“Hana?” nagulat ako ng bigla niya akong tinapik. Ang lamig naman ng kamay nito. “Ang ganda mo pala kapag bagong gising. Iba talaga ganda mo ngayon.” sabi nito at linampasan ako.

Geez. Akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya saakin. Pwes! Di ako makakalimutin.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Good Morning.” sabi nito at ngumiti. Buti nalang at kumakapit pa ng mabuti yunv panty ko. Baka kung anong nangyari.

“Bakit ka nga nanditoooooooo!”

“Namiss ko yung asawa ko. Bakit may problema ka?” tanong nito.

“Aishhh. Bahala ka sa buhay mo!” pumasok na ako sa banyo. Graduation na!

Mabilis kong tinapos yung pagligo ko. Di ko alam, pero di ako komportable na maligo dahil alam kong nasa labas si Hanniel. Sumasakit din kasi yung tiyan ko. Akala ko nga meron ako pero wala pala.

Di ko maiwasan na magustuhan yung pabango niya. Parang naamoy ko na ito pero iba pa rin yung amoy nito dahil si Hanniel ang gumagamit---WAIT! Galit ako!

Tawang-tawa siya kapag tinatarayan ko siya. Kaya naman mas lalo akong napipikon. Heh! Bago ko ito masuntok bumukas ying pinto. Pumasok ang isang bading.

“I'm Josh Ramos. Call me Josha.” ngumiti ito. Josha? Mmm... Nakakatawa. “Ako po mag-aayos sayo Mrs. Curtis.”

“Huh?”

“Hay. Maupo na po kayo. Ako na pi ang bahala sayo.” naupo nalang ako. Inayos niya muna yung buhok. Humahanga ako sakanya dahil ang bilis niya kahit mag-isa lang ito mabilis niya itong natapos. Ang ganda nga eh. Di ko alam kong paano niya ito ginawa. Napangiti nalang ako. Nakita ko naman si Hanniel na nahiga sa kama habang abala ito sa cellphone niya. Teka---where's Mama? Sinong kasama ko? Siguro yung Mommy nalang ni Alexa. Si Tita Xarda.

“Ang ganda mo naman! Di ako masyadong napapagod pagandahin ka kasi maganda ka!” tugon ni Josh---I mean Josha. Parang dyosa lang ah.

Ngumiti lang ako. Natapos niya ito ng mabilis. Tumayo na ako. Sinabi lang niya na binayaran na daw siya ni Hanniel. Lumabas na ito sa kwarto namin. Kailangan kong tawagan si Mama.

[Mama?]

[Anak, napatawag ka?]

[Ma naman! Graduation ko today.]

[Hindi ako sure kong makakapunta kami ng Papa mo. Pero nandyan naman Tita Xarda mo kung di kami makaabot.]

[Okay po. Ingat po kayo sana makauwi kayo. I Love You Ma.]

[I Love You too anak]

Napaluha nalang ako. This is so special day for me. Tapos wala pa sila? Ang totoo anak ba nila ako?

Casanova's  WifeRead this story for FREE!