1 month later
Chanyeol's Pov
Tinapos ko lahat ng mga gawain ko sa opisina para pumunta ng Batangas. Ngayon kasi yung death anniversary ng papa ni Baekhyun. Kaya maaga kaming nagising ni Baekhyun. Pag dating namin ng Batangas sinalubong kami ni mama. Nag handa din sya ng agahan sa amin. Masarap talaga magluto si mama lalo na yung batangas lomi. Ngayon lang ako nakakain nun.
Pinakilala din ako sa angkan nila Baekhyun. Marami syang kamag anak at nag eenjoy ako. Marami ding mga pamangkin si Baekhyun. At buhat buhat nya yung pamangkin nya na 2 mos old. Naiimagine ko na pag lumabas na si little peanut ganun din kaingat kargahin ni Baekhyun yung anak namin.
"Babe...halika dito." At lumapit ako sa kanya
"Tignan mo oh ang cute cute.. Ganyan din kaya ka cute yung magiging anak naten?"
"Oo naman. Maganda at gwapo yung parents nya eh.."
"Sus...eto buhatin mo sya."
"Pero babe di ako marunong mag buhat lalo na sa baby."
"Paano yan pag nanganak na ako. Kailangan mong matuto mag buhat ng bata"
Kaya maingat na nilalagay ni Baekhyun yung bata sa kamay ko.
"Hawakan mo ng mabuti yung ulo ng bata." Instruct sa akin ni mama.
"Bagay pala sa yo babe ang maging tatay. "
"Talaga?"
"Oo naman." Maya maya nagising yung bata at biglang umiyak. Kaya ibinigay ko na sa pinsan ni Baekhyun.
"Wag kang mag alala malapit nang lumabas si little peanut." Sabi ni Baekhyun.
Mga bandang hapon nag punta kami sa sementeryo pinuntahan namin ung puntod ng papa ni Baekhyun. Pagkarating namin ini ayos namin yung mga dala naming alay na pagkain sa ibabaw ng puntod nya. Nag sindi din si Mama ng kandila at nilagay ni Baekhyun yung mga flowers sa puntod ni Papa.
"Hi pa...kamusta ka dyan sa langit? Masaya ka ba? Kung ako naman ang tatanungin mo eto masayang masaya. Nga pala pa papakilala ko ung dalawang lalaking nag papaligaya sa akin ngayon." Hinawakan ni Baekhyun yung kamay ko at ngumiti sa akin.
"Pa siya po si Park Chanyeol ang asawa ko po. At magiging ama ng anak ko. Eto si little peanut pa ang apo po niyo. Sana kasing gwapo nyo ni Chanyeol si little peanut."
Habang nagkwekwento sya tinitignan ko lang sya. Eto yung dahilan kung bakit minahal ko tong cute kong asawa. He's pure and innocent. Lahat ng tao mahuhulog sa charm nya.
"Babe ikaw naman kausapin mo si papa."
"Hi po. Ako po si Park Chanyeol ang asawa ng pinakamamahal nyong anak. Sayang po at hindi ko na po kayo naabutan. Alam ko po na mabuti po kayong tao dahil nag mana po sa inyo si Baekhyun. Papa pinapangako ko po na aalagaan ko si Baekhyun pati ang anak namin. At mamahalin ko sila ng buong puso. Gabayan nyo po kami."
Baekhyun's Pov
"………mamahalin ko sila ng buong puso. Gabayan nyo po kami" napalingon ako sa sinabi Chanyeol sa puntod ni papa.
"Mamahalin?" Sambit ko
Humarap sya sa akin at hinawakan yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
