Chapter 19

708 36 1
                                        

4 months later

Baekhyun's Pov

Ngayon yung araw na malalaman namin kung anung gender ni Little peanut. Excited na ko malaman,kaya maaga akong nagising. Nakayakap pa sa akin si Chanyeol, nasa iisang kwarto na kami natutulog ni Chanyeol. Naging smooth ang pag sasama namin. Naging mas maalaga sya sa amin ni baby. Kahit pagod sya nagagawa nyang masahiin yung paa ko pag namumulikat,Perfect husband.



"Babe gising na, pupunta tayo kay Dr. Zhang ngayon natin malalaman yung gender ni little peanut. Dali na excited na ko." Pinisil pisil ko yung pisnge nya at maya maya dumilat na sya.



"Good morning babe.. And good morning my little angel." Bati nya sa akin sabay halik sa akin. At bumangon sya at hinalikan nya yung baby bump ko. Mukha na akong butete dahil sa laki ng tyan ko.



"Tara na... Mag almusal na tayo." Pagkatapos naming makapag almusal  dumeretcho na kami sa clinic ni Dr. ZHANG.



"Excited ka na ba babe?" Tanung ko kay Chanyeol.

"Oo excited na excited na ako." Maya maya tinawag na yung pangalan ko.



"Kamusta Baekhyun?" Tanung sa akin ni Dr. Zhang



"Okay naman po ako Doc. Medyo malikot lang si little peanut."



"Inaalagaan mo ba ang asawa mo Mr. PARK?"



"OPo naman. Alagang alaga yan sa akin.. "



"Mabuti naman kung ganun. Humiga ka na dito Baekhyun at titignan naten ang gender ng magiging anak nyo." Sumunod ako sa sinabi ni Dr. ZHANG at nilagyan na ako ng gel sa tyan.  Nasa tabi ko lang si Chanyeol at nag aabang ng magandang balita.

"Ang active ng baby nyo ah... Ayaw. Mag pakita."



"Kaya nga Doc eh ang kulet parati akong sinisipa.."



"Ayan nahanap ko na...its a boy." 



"Talaga doc????" Excited na sabi ni Chanyeol.


"Yes." at tinuro niya yung pototoy ni little peanut

" at tinuro niya yung pototoy ni little peanut

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"Wow narinig mo yun babe lalaki si little peanut..."masaya ako at masaya si Chanyeol...


"Ilang print ang gusto nyo?"



"Apat. Isa para sa akin, isa para sa iyo, isa para kay mamita at isa para kay mama." Excited na sinabi ni Chanyeol.


Pagkatapos namin sa pre natal check up dumeretcho kami sa opisina. Maraming mga trabaho ang nakapending. Habang nagtratrabaho ako nakita ko si Chanyeol na hinihilot yung sentido nya. Glass kasi yung pader ng opisina ni Chanyeol kaya kitang kita ko yung ginagawa niya.  Kaya kumuha ako ng pagkain at gamot. Kumatok ako sa pinto niya.

"Pasok" ani niya. Lumapit ako sa kanya pero hindi niya ako napansin dahil naka sub sob siya sa mga folders  na nasa lamesa niya. 



"Babe..." tawag ko, at iniangat niya yung ulo niya at nakita niya ako.



"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." lumapit ako sa kanya at binigay yung cupcake maliit lang naman iyon at pag katapos iniabot ko din yung pain killer.



"salamat babe... kanina pa ako nahihilo dito sa ginagawa ko."  habang kinakain niya yung cupcake pumunta ako sa may likodan ng upuan niya at hinilot yung ulo niya. 



" napaka hard working naman ng asawa ko."  hinawakan niya yung kamay ko at iniyakap sa kanya. 



"Syempre para sa inyo ni little peanut mag tratrabaho ako.  " 



" kaya mahal na mahal kita eh"



"salamat babe ah, sa pag aalaga sa akin" iniharap niya ako sa kanya at hinalikan yung tyan ko. 

"ano ka ba, asawa kita kaya aalagaan kita."

"Salamat talaga babe."

"Sige na alis na ko. Marami din akong gawain doon. Wag mong kalimutan yung gamot mo ha." Tumango sya bilang pag sang ayon.

Pagbalik ko sa table ko saktong nag ring yung phone ko. Si mama yung tumatawag.

"Hello ma..."


"Hello nak. Ngayon ko lang nabasa yung txt mo.totoo ba yun na lalake yung magiging apo ko?"


"Opo lalaki si little peanut ma. Bibigyan po kita ng copy ng ultrasound pag nagpunta kame ni Chanyeol dyan."


"Oo nga pala. Wag mong kalimutan ah yung death anniversary ng papa mo. Next week na yun."


"Opo sasabihin ko din mamaya kay Chanyeol yun. Para maayos na yung mga dapat maayos bago kami mag punta dyan. Alam mo naman yun busy."



"Baka sa pagkabusy nya nakakalimutan ka na nya alagaan?"


"Nako hindi po ma. Inaalagaan po ako ni Chanyeol. Kahet pagod sa work sinisigurado nyang maayos ako at si little peanut."


"Mabuti naman at ganun. Eh ikaw inaalagaan mo din ba ang asawa mo??"


"Opo mama inaalagaan ko sya ng mabuti."

"Mabuti naman kung ganun. Sige na hihintayin ko kayo next week ah. Kumain ng madami para kay baby."


"Opo mama."


Chanyeol's Pov

Nawala yung sakit ng ulo ko dahil sa gamot na binigay sa akin ni Baekhyun. Marami akong dapat tapusin, maraming mga papeles ang dapat pirmahan. Buti na lang at andyan ang asawa ko na handang alagaan ako. Unti unti ko nang nakakalimutan si Nana. At unti unting pumapasok na sa puso ko si Baekhyun.  Mahal ko na yata  sya pero  di ko maamin.

Nagvibrate yung cellphone ko may tumatawag. Pero unknown number yung nakaregister. Sinagot ko ito.

"Hello.... Sino to??" Pero walang sumasagot sa kabilang linya.

"Hello..... Hello sino to??" Tanung ko ulit. Pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.


"Kung sino ka man wag mo akong tawagan busy akong tao." At binabaan ko sya ng telepono. At lumabas ako sa opisina ko at nakita si Baekhyun na natutulog sa sofa. Mukhang nakatulog na sya habang hinihintay ako umuwi.

"Aigoo ang cute cute ng asawa ko. Kaya nahulog na ako sa yo eh.. Pero hindi ko alam kung paano ipagtatapat." Saka hinalikan ko sya sa noo. At binuhat sya papuntang elevator.



Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon