Chapter 25 : Rambol

Start from the beginning
                                        

"Anak ng tokwa naman Julius! May jowa pala yung tao tapos pinatos mo?! Anu yun? Gag*han talaga?!"

Napahilamos naman sya sa muka nya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Oo na nga. Inaamin ko gago ako,pero Sab hindi ka ba nagtaka man lang kung bakit pagkatapos ng dalawang taon tsaka kita lang kita binalikan?! Ni minsan ba hindi mo natanong sa sarili mo na bakit kaya hindi ko sinubukang magpaliwanag sayo?"

'Wag mong isumbat sakin yang kat*rantaduhan mo ha!?" depensa ko sa sarili ko. Bakit ko naman sya hahabulin pa? Kung sya na mismo ang nagdesisyon na iwan ako?!

"Alam mo, sa loob ng dalawanh taon na yun, wala akong ibang ginawa. SInubukan kong gampanan ang responsibilidad ko kay Sena. Ginawa ko lahat ,pero sa kabila nun ikaw pa rin naiisip ko. Iniwan kitang hindi nagpapaliwanag kasi alam kong mali ako. Hindi kita kayang makitang nasasaktan." magsasalita na sana ako nang magsalita syang muli.

"Pero ngayong nakapagdesisyon na akong magpaliwanag. Mukang huli na. Masaya ka na eh." mapait syang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung ano ang bigla kong naramdaman. Biglang may kumirot sa puso ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nya sa akin.Sana pala hindi nalang nya sinabi at nang hindi ako maguluhan.

"Hindi mo kailangang magsalita. Sapat na sa akin na pinabayaan mo akong magsalita." Mahina nyang pahayag. Tila nawala ang pagkainis ko sa kanya. Marami akong gustong sabihin pero para atang di ko kaya. Pakiramdam ko natuyuan ang lalamunan ko.

Nagulat nalang ako nang bigla nya uli kunin ang kamay ko at may nilagay na papel.

"Kung sakali man Sab...kung sakali mang may chance pa ako. Tawagan mo lang ako. Pero kung wala na talaga...maiintindihan ko. Ang laki kong gag* eh." mapait nyang sabi at iniwan akong mag-isa. Sa pangalawang pagkakataon iniwan nya akong muli nang hindi hinahayaang makapagsalita.

Susundan ko dapat sya at babatukan nang bigla kong napansin ang mga tinginan ng mga tao sa akin.

'OH MY GOD. Diba sya yung girlfriend ni Kris oppa!? Bakit may kausap syang ibang lalake?!" rinig kong sabi ng isang chismosa.

Anak ng tokwa. Nalintikan na! Ganun na pala ako kasikat na makikilala na ako ng mga tao sa paligid?!

'Oo nga sya yun!!!"napalunok naman ako ng maramdaman kong may balak silang lapitan ako.

Pasimple akong naglakad papalayo sa kanila pero ramdam ko pa rin ang pagsunod nila. Leche ! 

Hinawakan ko ang bag ko at mas binilisan ang lakad.Nagpatuloy lang ako hanggang sa may humawak na sa balikat ko.

 "Diba ikaw yung girlfriend ni Kris oppa!?" matigas nilang tanong. Mga bitter! Inggetera!Este ..kelangan ko ng tumakas.

"A-ah oo hehe." pasimple kong sagot.

"Bakit may kasama kang lalake kanina!? Tsaka bakit parang super close nyo!?' napatingin ako sa babaeng nakapaligid sa akin. Dumadami sila! May mga ibang nakikiechos na rin!

Nagsimula nila akong yugyugin. 

Kelangan mong magtimpi Sab! Kelangan para sa image ng baba mo! Sa image ng gumba mo! Hindi ka pwedeng magiskandalo.

Perfect Match ~~ chapter 23 ~~Where stories live. Discover now